Thursday, July 28, 2005

meeting at business

mukhang nabasa yata ng mga boss ko itong blog ko... hmmm, natuloy kami sa meeting, pero hindi nila ako ginawang driver!!! she came with her starex, syempre, kasama yung driver nyang nakabarong, mas mukha pang kagalang-galang kesa sa akin... hehehe.

bago kami tumuloy sa meeting place, naglunch muna kami, libre na naman! sa tapa king sa pedro gil kami naglunch, bago pa yun, di pa tapos pinturahan. bakit kami doon kumain, kasi naman, itong boss ko, binili nya yung branch na yun, kanya na pala yun. pero mautak sya, hindi sya kilala nung mga staff dun, kaya siguradong masesermonan nya yung incharge doon na pinagkakatiwalaan nya. ang gulo pa kasi ng place. hindi pa ayos yung service, hindi nakauniform yung mga crew. syempre, hindi sya nagpahalata... ano kayang mangyayari??

presidente ng isang kumpanya ang kameeting namin. ayos naman ang usapan nila, kagaya nga ng nasabi ko, andun lang ako, nakaupo, pangiti-ngiti, pangisi-ngisi, patango-tango... hehehe. di na naman ako nagsalita. ginawa lang akong taga bitbit ng laptop nung sales namin... ehhehe. ok lang.


may nakita akong magandang pagkakakitaan doon sa company na yun. by next week, iL apply for dealership sa product nila at hahanap ako ng retailers. pag-aaralan ko muna kung may mga retailers talaga akong makukuha, mukhang wala pa kasi akong nakikitang ganoong service sa batangas. dito sa manila, medyo kalat na... pero kung hindi nyo pa alam at gusto nyong malaman, yan sa sidebar ko... kita nyo naman kung online ako sa yahoo, just buzz me. ok? kung may pwesto ka sa palengke at may cellphone ka at gusto mong dagdag na kita, baka pede tayong mag-usap. kahit walang pwesto sa palengke, kung gusto mo ng sideline, siguro, 500 na starting, pede na, basta may cellphone ka. ok?? totoo ito, kahit ganyan ang itsura ko sa picture ko, seryoso akong businessman, hehehe.

3 comments:

Kirby Laroza said...

anong business yan?

DarkBlak said...

what tym ka online? :D

kukote said...

im online... monday to friday... 9:00AM to 9:00PM ;)