it was a night of knowing people behind their blog. dumating kami ni marco sa napagkasunduang lugar around 7:30PM yata, after more than an hour na usad pagong na pagdadrive sa edsa. ok naman, madali naman naming nakita yung lugar, ewan ko kung ipinalagay ni ning yung mga signboard doon sa may robinsons.. hehehe. pag right turn kasi namin doon sa robinsons, kumpleto yung mga signboard kung paano makakarating sa pioneer street. tatlong signboard yun, pagpasok mo pa lang, meron ka na kaagad mababasa na "this way to pioneer st.", tapos dun sa may kanto, meron pa ring arrow "to pioneer", talagang ayos yung paghahanda a... hindi kami naligaw!
pagdating doon, e hayun, andun na sila. we met ning, may, mauie, yax, aion, cristina at yung mga kasama pa nila na hindi ko matandaan ang iba, pasensya na, hilo pako nung ipakilala kayo eh.. =) later, dumating din si yanyan at yung kapatid yata ni benjo (si benjo at marco yung nasa picture, kilala nyo naman si marco, so, alam nyo na kung sino si benjo, ok???)... si migraine_man, at least nung dumating sya, naging "medium" ang tingin nila sa akin, ito kasing si marco pag kasama ko, nagmumukha akong "extra large". hehehehe.
hindi ko na ikekwento ang mga napag-usapan. mga naobserbahan ko na lang.... ok yung place... pioneer grill, first time ko nakarating dun. yung food... pede na rin... though the sisig is somewhat below my standards... the music... medyo nakakairita yung kumakanta, i rather called it as live noise instead of live music... sobrang lakas ng sounds kaya sigawan na kami ay hindi pa magkarinigan. kaya naman yung order kong san mig light, ang tanong sa akin nung waiter.. "sir ano yun, red horse beer." ganun kalakas yung music, yung san mig light, nagiging red horse beer sa pandinig! kaya naman pinalakpakan ko sila nung matapos na sila... hehehe.
natutuwa naman ako at nalaman ko na may mga natutuwa pala sa mga ipinagsususulat ko dito. at dahil sa mga nabasa nila... habang kausap ko yung isang blogger, sabi ba naman sa akin... "wag mo namang isusulat itong mga pinag-uusapan natin sa blog mo ha.." hehehe, o, sis? ok na ba ito. hindi ko naman sinabing si ning ang may sabi nito, di ba? hehehe.
ito ang nasa isip ko nung makita ko sila for the first time... (no offense meant, ok?)
ning... "ikaw pala si ning, asan yung sumbrero mo, hehehe"
may... "mas maganda ka sa personal"
mauie... "sabi ko na nga bang maganda si mauie eh"
cristina ... "may kamukha kang artista"
yax... "swerte ni hubby mo ha ;)"
aion... "parang nakita na kita.."
yanyan..."sya ba si jaya?"
migraine_man... "wow.. heavy bigat"
kayo? anong nasa isip nyo nung makita nyo ako???
yung hindi ko nabanggit... wala siguro akong naisip =) nagpicturan din kami, pero di na ako magpopost, bisitahin nyo na lang ang mga blog nila. kaya nga pinaglalagyan ko yan ng links, para dun nyo na lang hanapin, ok? ok
ano pa ba... may napansin lang ako... yung isang blogger at yung kasama nya... parang nag-iinom kung magyosi. nagchecheers sa isa't isa, tapos pinagdidikit yung kanilang yosi bago humithit. di ko na sasabihin kung sino, pero cool yun! maipauso sa office.. hehe.
ito pa pala.. pag-uwi namin.... medyo naligaw lang naman kami ng konti, yun kasing signboard ng MMDA, mali-mali... to Makati Edsa daw.. pag daan ko, tumawid naman sa tunnel sa edsa...nakarating kaming boni! pag-U-turn ko, may nakita ulit akong Makati Edsa na sign board, may arrow to the right, kaso, sarado yung kalye... daan ulit kami sa tunnel. sabi ko kay marco, hanap na lang tayo ng ibang daan... nakarating kami sa shaw at doon, nakarating ng edsa, at doon, nakauwi rin... recommendation ko, dapat, kunin ng MMDA si ning para makapaglagay ng tamang mga sign boards... para hindi kami naliligaw... ok? hehehe
ayos itong naisipan ni sis nao. salamat ng marami. at happy birthday ulit. pagdating ko pala sa bahay ay nagtext ako kay sis nao, eto text ko...
Hello SIS! Marhgil here, got ur # frm Ning. Just like to say Thanks, thanks, thanks. Sana andun k. Ang saya. Salamat ng marami! Advanced Happy Birthday!!
eto reply nya...
Hela there bro! M glad u had fun! Wr gona vsit Pinas by Decmbr ds yr! Wel hav fun by then too promise. Take care =)
ayos! uuwi pala sya sa december... sana by that time, wala akong foreign assignment, para makasama ako dun! ang saya saya! sya nga pala... noreen, iba na pala cell number mo eh, nagbabasa ka naman ng blog ko di ba? nasa akin yung prize mo, email ko na lang sa yo, ok? hehehe. ayos!
10 comments:
Hahahahaha!!! Sayang pre, di tayo nag-abot.
Pero malay mo, maging regular na activity to. :-)
Sa susunod pre!
yanyan said...
jaya? baket maitim ba ako????? *sobs* ahhehhehe!
wow eb!!!! matagal tagal na rin akong hindi nakaka attend ng mga eb... next sama ako, ok lang ba? :)
ronald allan... sana nga, hindi ito ang huli ;)
yanyan... it's not the color, basta, may similarity kayo ni jaya
darkblak... sige, kung magkakaroon ulit, inform kita, nang magkakitaan din tayo =)
riane... suot mo na naman yang sumbrero sa profile mo =) it was really fantastic... sana nga, hindi ito ang huli, next time, kayo naman ang magpunta sa makati =)
*sigh*
sayang! pioneer grill pala kayo! pde ba sumama kahit hindi nanalo sa contest? pero next year pa kapag pde na ako umuwi.
mommy lei... next year, bago ka umuwi, ikaw naman ang magpacontest =) tapos EB ulit ;)
sis nao... mabuhay ka! salamat!
hahahah! napansin mo rin pala yung nagch-cheers na yosi!! hehehhehe!! tawa ako ng tawa! :p may ibang nakakita pala! :p
mauie... paano pumalakpak yung tenga?? hehehe... visit ka lagi ha!
yanyan... napansin mo rin ba? hehehe
me kamukhang artista? haha! Ü
twas nice meeting all of you! Ü
ohh... dami ko namissed sa eb ha. sana may next pa pagdating ni sis nao.
marhgil, thanks sa pagkuha ng prize ko. i'll just drop by in ur ofc any time this week. ;)
Post a Comment