hindi na kami umattend ng kasal sa simbahan, diretso na kami sa reception. mukhang pagkain lang habol a... hehehe. there are around 300 guests, buffet ba yung tawag dun, yung pipila kayo para kumuha ng pagkain nyo??? basta ganun, so nung mag-umpisa na yung pagpila, tinatamad akong pumila, sobrang dami kasi ng taO! e nataong malayo pa kami doon sa mga pagkain, sa bandang huli pa ako mapapapunta. sabi ko sa sarili, mamaya na lang ako pipila kapag maigsi na yung pila. yung mga kasama ko ay pumila na, ako na lang naiwan sa table... so tambay lang ako dun, nang walang ano-ano, lumapit sa akin yung tiya kong taga-olongapo, nauna kasi sya sa pila at ang daming kinuhA! sabi sa akin, "marhgil, hindi ko naman ito kayang ubusin eh, kuha ka na para makakain ka na." yun, sinwerte, yung pinggan nya, kalahati lang itinira ko... hehehe. kumpleto rekado, may leche flan pa. after around 15 minutes, dumating na yung mga kasama ko. at tapos na akong kumain, nagtitinga na... hehehehe. sabi sa akin... "at saan ka naman kumuha nyang pagkain mo?? tagal-tagal naming nakapila, naubusan na kami ng leche flan!" hehehe... mas marami pa akong nakain sa kanila! may nagagawa rin palang kabutihan yang katamaran... hehehe, lumalapit ang grasya?
something funny happened to me at national bookstore kanina.. sa next post ko na lang ikwento.
1 comment:
hahahah kulet! instant foOd.. walang kahirap-hirap!
Post a Comment