bakit kaya nung elementary, pinahirapan pa tayong magmemorize ng multiplication table, mag-add, subtract, multiply and divide manually pero nung lumaki tayo, gumagamit naman tayo ng calculator? dapat, ang itinuro na lang nila is yung proper way of pindutizing the calculator, di ga? hehehe
bakit nung nag-aaral tayo, kung anu-anong ipinamememorize na formula pero nung nagtatrabaho na tayo, hindi naman lahat kailangan yun, at ang matindi pa, pede mo namang silipin anytime kapag nakalimutan mo na walang teacher na sisita sayo na sasabihing "you are cheating."??
bakit ko kailangang pag-aralan ang calculus, saan ko ba iaaply yun sa buhay ko ngayon? walang halong yabang, i excelled on that subject getting a 1.0 on integral calculus and differential equation, pero, ano ngayon? saan ko gagamitin yun? ano ngayon na alam kong ang integral ng x squared ay 2x plus c? parang non-sense, di ba? can someone enlighten me?
kung totoo ang mga manghuhula... bakit wala pa akong nababalitaang manghuhula na tumama sa lotto??? ang ganda sanang balita at credibility para sa kanila noon... MADAM AURING WINS THE LOTTO! di ba? pero bakit wala? dahil talagang peke sila??
and a math problem ng aking pinsang si sherwin na kaklase ko nung college...para po sa mga estudyante... ito po yung tanong nya, pakitanong na lang po sa magagaling nyong math teacher... at sa mga math-tinik na blogger na makakabasa nito... pakipost na lang po ng sagot sa comments ha... eto po yung tanong...
ilang dosenang itlog at ilang pirasong talong ang kailangan para makagawa ng isang ektaryang torta? follow-up question... ilang litrong mantika at gaano kalaking kawali ang gagamitin? at gaano karaming LPG ang mauubos???
No comments:
Post a Comment