kagaya nang nasabi ko on my previous post, nagstrolling nga kami nung mga kasama ko sa bahay kagabi. syempre, parang welcome party sa kotse ko! hehehe. usapan namin, punta lang kaming starbucks sa magallanes, magkakape ang mga batangenyo ng sosyal na kape. hehehe. pero nung palabas na kami, nag-iba ang isip, nagyaya papunta sa fort. e di nagpunta kami, alam lang namin pagpunta dun, pero honestly, wala pa yatang nakakarating sa amin dun. joyride, gala-gala, since di ko naman kabisado ang daan, minsan, gusto kong batukan itong dalawa kong kasama.. hehehe, aba, e yung isa, sasabihin, kanan, yung isa, kaliwa, saan ba talaga? magtatalo pa.
anyways, nakarating din naman kami dun na walang bumabangga sa amin. (medyo may phobia pa rin ako e.) since ang unang balak nga namin ay magkakape lang kami sa starbucks, itong dalawa kong kasama ay nakashorts at nakatsinelas lang (syempre, nakaTshirt din naman, hehehe). dun kami napadpad sa may Pier One. yung may Go Nuts Donuts at kung ano ano pa. Medyo OP yata kami, kasi, mga sosyal ang mga tao dun. pero ok lang. gusto sana naming pumasok nung pier one, mukhang may live band, kaso, sa guard pa lang, denied na kami, lahat kasi ng bawal, suot nila. shorts.. slippers... hehehe. pumunta na lang kami sa PASTO para kumain. dun muna kami sa labas umupo, kasi, may mga nakapwesto din naman doon. pag-upo namin, aba naman at walang lumalapit para kumuha ng order namin. mukha kasi kaming tambay. pero tama ba yun? sabi nga nung isa kong kasamang taga trend micro, "mas malaki pa siguro sweldo ko sa iba sa mga nakaupo dito ah." oo nga naman, di ba, 6 digit sweldo mo monthly??? hehehehe. sa akin, 6 digits din, kaso, annually. hehehe. umupo kami doon para kumain, pero di kami pinapansin. sabi ko, pasok tayo sa loob, aircon dun, para pansinin na tayo.
so pumasok kami sa loob, doon na kami hiningan ng order. italian restaurant yata yun kaya naman nung ibigay sa amin ang menu, malay ba namin kung paano basahin. hehehe. nagkakatawanan na lang kami habang kumukuha ng order. yung inorder kong drinks, frullati, binalikan pa ako, ano daw gusto kong flavor? sabi nung isa kong kasama, pedeng durian? hehehe. nung dumating na yung pizza, malay ba namin kung yun nga ang inorder namin, basta, kinain na lang namin! sinulit nung isa kong kasama yung pagbili nya ng refillable iced tea, nakailan ka bang refill? lima?? hehehe. natapos din, nakakain din kami at nagbayad syempre. tapos eto pa...
nung pauwi na kami, sa iba kami dumaan, hanapin daw namin ung market market eh. so drive-drive ako until we reached a point of no return. walang u-turn eh, hanggang makarating na kami sa C5. bihira pa lang ako nakadaan dun, at yung mga kasama ko, hindi rin kabisado ang daan. so, sabi ko, bahala na, hindi naman tayo makakarating sa japan. hehehe. nung makakita ako ng sign board na "to makati", umexit ako doon, nakarating kami sa libingan ng mga bayani. tapos, nagdrive na ako ng tuloy tuloy. yung mga kasama ko, tinatanong ko, "asan na tayo?", sabi nila, di rin nila alam. sabi naman ni ron, "tuloy lang, wag na tayo babalik, malayo na eh, basta, may lalabasan din tayo." that's around 11:30PM na yata. so, drive lang ako nang tuloy tuloy, walang masyadong bahayan, diretso lang daw, e di diretso. hehehe. medyo naiisip ko, baka biglang tumawid si rizal o bonifacio... hehehe. isip ko, marami pa namang gasolina. nakahinga lang kami nang maluwag nung sa kakadiretso ko ay makarating kami ng south superhighway! yun, nakauwi rin. around 12:00AM na yata yun! ang saya!
pagdating sa bahay, yung isang pasaway na driver, nagpark sa harap ng gate, e di hindi ako makapasok, sa tabi ko na lang ng kalye ipinark yung sasakyan ko. ewan ko nga ba, kahit naman walang sign na "don't block the driveway", kung talagang matino kang driver, you will not park sa tapat ng gate, di ba? banggain ko kaya? hehehe, di naman ako ganun kagago. pero kapag mamayang gabi ay may nakaharang pa rin doon sa gate, ay hahanapin ko na yung driver nun!
yun na yun!
No comments:
Post a Comment