sa byahe ko dito sa jordan, my per diem was in dollars. actually, di ko naman magagastos yun since pahotel, paalmusal at patanghalian ako dito. now, i was just thinking, pag-uwi ko, punta na ba ako sa money changer to convert it to peso? kasi, mukhang sa nangyayari, tumataas pa ang value ng dollar at bumababa ang piso. hintayin ko muna kayang mag 60 pesos / dollar ang exchange rate???
grabe, hindi pa rin nakakaadjust ang aking body clock. 5PM pa lang dito, feeling ko ay nagpupuyat na ako, kasi, 10PM na jan sa pinas at during that time, tulog na ako nun, or nakahiga na.
mukhang hindi ko yata magagawa yung dead sea mission ko. walang time, tuloy tuloy schedule ko till thursday e. friday naman ang uwi ko. unless samahan ako ng mga tao dito. ang pangalan ng mga trainee ko... akram, majdi, amer, at fadi. kaya yung pangalan kong marhgil, hindi unusual para sa kanila, hindi kagaya dyan sa pilipinas, sa mga bago akong kilala e itatanong pa ulit ang pangalan ko. even on job interviews, itatanong pa kung saang lupalop ng mundo hinugot ang pangalan ko. hehehe. malay ko ba, e hindi naman ako ang nagbigay ng pangalan sa sarili ko. e kung sabihin ko kaya, nakatatoo kasi yan sa talampakan ko nung ipanganak ako, kaya yan yung pangalan ko. hehehe.
No comments:
Post a Comment