Monday, July 04, 2005

kwentong jordan II

apat na araw na ako dito sa jordan, at sa apat na araw na iyon ay iisang filipino pa lang ang nakikita ko. yun ay kapag haharap ako sa salamin... hehehe. unlike in kuwait, qatar or saudi na kapag gumala ka sa mga mall ay ang dami mong makikitang kababayan, dito, wala. wala palang filipinong nagtatrabaho dito. kung makakakita daw ako, e tourist or visit visa lang din sya.

kaya pala walang filipino restaurant dito. waaah!! sawa na ako sa arabic food!!! miss ko na yung tapsilog sa ground floor!!!

sa byernes uuwi na ako. i will do the same contest na ginagawa ko kapag umuuwi ako. kung sinong unang makakakita sa akin sa airport ay may premyo. kaya naman ang daming sumasalubong sa akin.. hehehe.

nung unang araw ko dito, pumasok ako, nakaneck tie pa. ngayon, di na ako nagneck tie. e lahat kasi sila, casual lang. nagmumukha tuloy akong engot. hehehe.

yun lang muna. dalawang training na ang natapos ko. pahinga muna sa kakadaldal. bukas na ulit!!!

2 comments:

Mmy-Lei said...

uy kelan uwi mo? pde ba makisalubong? hehehe :D

kukote said...

sa saturday, 4pm, iL be in NAIA na, sasali ka ba sa contest?? ehehe