bukas, walang pasok dahil sa SONA. for the first time yata in the history of the philippines nangyari na dineclare na non-working holiday ang SONA ng pangulo. maghapon sigurong magsasalita si GMA. ito lang ang nakikita kong state of the nation ngayon..
ang bilis tumaas ng presyo ng gasolina
ang bilis tumaas ng pamasahe
ang bagal mag-increase ng sweldo
ang dumi ng pulitika
ang daming walang trabaho
ang daming mahihirap
ang daming rally
ang mayaman, lalong yumayaman
ang mahirap, lalong naghihirap
ang pulitiko, pataasan ng ihi, pagandahan ng sasakyan, ang daming bulletin board sa kalye, nagkalat ang mukha nila!
ang mga artista, nagiging pulitiko na
ang mga pulitiko, gusto nang mag-artista
ang pangulo natin, subject of all jokes, kahit nga GOing Bulilit, andun sya, pinagkakatuwaan
yan ang state of the nation ngayon, yan ang nakikita ko ngayon.
kailangan pa bang imemorize yan??? kukurukukuk... yan ang radio station ko! hehehe
No comments:
Post a Comment