Wednesday, July 20, 2005

harry potter and the half blood prince at half the price

tama ang inyong hinala... i was absent yesterday. nagising kasing masakit ang ulo, so, hindi na lang ako pumasok, nagtext na lang ako dito sa office. ang hirap talagang magkasakit, dinaan ko na lang sa tulog ang lahat... nung tanghali naman e medyo ok na ako kaya nakapagtanghalian din sa labas, tapos, balik sa bahay, inom ng gamot, yung Bioflu, tapos tulog ulit.

nagising ako, siguro, around 5:00PM, at ok na pakiramdam ko. lumabas ako para magmeryenda, then, itinuloy ko na yung naantala kong pagbabasa ng harry potter. tuloy tuloy na yun hanggang 11:00PM, di ko kasi matigilan yung pagbabasa, hirap kasing iwan, lampas na kasi sa kalahati yung nababasa ko. pag tumigil ka kasi ng pagbabasa, ang daming tanong na maiiwan sa isip mo na masasagot lang pag natapos mo yung book. kaya hayun, natapos ko rin.

the book was tragic, someone very important will die at the end, the one you least expected.

it was a prelude to book 7. mautak talaga itong si jk rowling, bitin na bitin yung kwento. hinding hindi mo palalampasin yung book 7 kung nabasa mo ito.

ngayon na tapos ko nang basahin, the book has no use for me. at dahil dito, sa sino mang makakabasa ng blog na ito na gustong bilhin sa akin yung aklat, hard bound, good as new, isang buklat pa lang kada page.. hehehe, come on... make your bid. lowest bid could be half the price... how will you get the book, syempre, puntahan nyo ako dito sa office with your payment. post your bid on the comments... end of bidding will be tomorrow at 12:00PM... kung sino man ang mananalo, iL post my office address tomorrow. ok?

again... Harry Potter and The Half Blood Prince at Half the Price, anyone?

17 comments:

megane said...

WAAAH!

Half price?!?!

Where are you?? Are you in the Philippines?? (sorry if I haven't read much of your site. The site of bidding made me go nuts!)

Anyway, How about P650??? Is it ok?? Waaaah~ Where are you?? Were's your office???

kukote said...

P650 is ok... anyone bidding for P700?.... fifty pesos yung increment ha... 700... anyone?

Kirby Laroza said...

pitong daang piso!

Kirby Laroza said...
This comment has been removed by a blog administrator.
kukote said...

this is not a raket or kung ano mang kalokohan... cash yung bayaran, di ka magcacash-out nang hindi mo hawak yung book, ok? the book is good as new... wala pang tupi or sulat... yung plastic cover lang ang inalis ko, syempre, binasa ko eh... hehehe.

P750... anyone? megane... what do u think? kaya pa ba? naagaw na sa 'yo...

chaucer said...

750.. wala ng mag-bibid...

;>

kukote said...

P800... anyone? kirby... naagaw na sayo.. =)

kukote said...

FYI... its original price sa national bookstore P1499 at P1349 kung enforced pa yung 10% discount nila.... so... P800, anyone?

Kirby Laroza said...
This comment has been removed by a blog administrator.
kukote said...

yan, P801 na po... binawi ni kirby...

anyone for P850?.... 500 pa rin yung natipid nyo sa P850... =).... its the same book... same story, hindi halatang 2nd hand... andun pa nga yung original price tag ;)

kukote said...

ooopppsss... umatras si kirby. so, kay chaucer pa rin... 750.

P800, anyone?

IvoRY said...

buti ka pa nabasa mo na harry potter 6.. nakakainggit...
inaantay ko pa ung akin.. baka next week pa dumating dito..
..

Rhia said...

I bid Php 900-1000 whichever. the book is MINE. hehehe

kukote said...

i'm giving the book to Rhia at P900... but if someone wants to have it at P1001... pede pa nyong agawin... hehehe. small increments na lang ngayon coz konti na lang... kapresyo na ng bago =)

megane said...

Huhuhu.... di ko na kaya to.... Hanggang P800 lang siguro ako....

Waaahh~ Rhia, benta mo na lang ulit pag nabasa mo na! Hehe~

By the way, kung masyadong malayo si Rhia sa Makati, tandaan: "Nasa Magallanes lang ako~ Pede Glorietta/Greenbelt/SM/Landmark ang meeting place"

(^_~)v

chaucer said...

rhia.... bili ka n lang ng bago.. hehehe

kukote said...

i'm officially closing this bidding. rhia got the book! nasa kanya na po, nagbayad na sya kanina.

case closed.