natapos na yung SONA... 23 minutes daw yung talumpati, sabi sa ABS-CBN. naintindihan ko naman kahit papaano... hehehe. hindi nabanggit ang tungkol sa kontrobersyang kanyang kinakaharap. umikot ang kanyang SONA sa charter change. konting banggit sa mga naipatayo nyang paaralan, sa war on terrorisms, etc.. etc... hindi nya nabanggit ang tungkol sa graft and corruption, sa jueteng at sa hello garci. hehehe.
ang ganda ng pangarap nya sa pilipinas, that we move on as one country, tama naman yun, pero comment ko lang, dapat, ayusin nya muna yung dalawang tao sa likod nya... si de venecia at si drilon. si de venecia, panay ang palakpak sa kanyang speech, kulang na lang ay pumalakpak yung tenga nyang malaki... hehehe, samantalang si drilon, parang tuod na nakikinig, kahit isang palakpak, wala akong nakita. kaya nakakatawa yung itsura nila sa tv nung matapos yung SONA, standing ovation, nagpapalakpakan ang lahat habang sa unahan, si drilon ay nakatayo lang doon na parang batang hindi binigyan ng kending gusto nya. hehehe. kitang kita kung gaano kagulo ang pulitika sa pilipinas. yes, we can move on, kailangan lang magkaisa tayo, pero magkaisa muna silang mga namumuno sa gobyerno, di ba? if the leaders are not united, how can we be united???
2 comments:
haha kakatawa naman. napansin m p tlga c drilon at de venecia at pti tenga ni devenecia haha!
you got a point there. sa mga nabasa ko ritong nakakaaliw, yun ang may sense...joke! anyway,just dropping by. ok ang opinion mo, i second the motion
Post a Comment