Marhgil Macuha



konting kwento lang

Saturday, July 30, 2005

by kukote

after the open forum kung saan nasira na naman ang gabi namin dahil kung ano ano na naman ang lumabas na issue nung malasing na ang mga tao, parang lalong gumulo ang mundo.

nagpunta kami sa gilligans dyan sa glorieta. konting inom lang... di naman ako pede magpakasasa at baka kami ay mabangga pag-uwi. 3 san mig light lang nainom ko nung gabing yon, wala, nabusog lang, walang tama. kwentuhan ng konti... tapos umuwi na. nakauwi yata kami ay 1:00AM na.

gising ako ng 6:00AM, tapos umuwi ng batangas. may hinabol kasi akong kasal, kasal ng aking pinsan... ayos naman yung kasalan, lahat yata ng nakita ko dun, kamag-anak ko. nag-uwian ang mga tiyo ko from olongapo. isa isa na silang ikinakasal!

next entry ko na ipost ang mga nangyari sa kasalan. andito ako sa netopia sa sm batangas, nagcheck ng mail, nagblog hop at nagpost nito. sobrang init sa bahay, parang may mina ng langis ang katawan ko, pawis ng pawis. kaya heto, lumabas at nagpunta sa sm... 20 minutes drive lang naman ito from our house, kung alam mo kung saan ang tamang daan para umiwas sa traffic.... hehehe. kung hindi mo alam yung tamang daan at sa dating daan ka daraan, e aabutin ka ng sampu-sampu! tama, mas matindi pa sa syam-syam. hehehe.

yun na lang muna, makapagsine muna ng d anothers... wala lang, talagang bagot lang ako kaya itong pelikulang ito ay pagtatyagaan ko nang panoorin... hehehe



posted by Marhgil, 3:59:00 PM

4 komento:

brother, kaw pala nakakaalam ng tamang daan. hehe... kaya mahirap talaga mag-open forum na may kasamang beer. matinding combination kasi yan eh.
ang sabi ni Anonymous evi, 30/7/05 5:22 PM  

insan, don't drink and drive or else.. Happy weekend sayo! ingat lagi kaw dyan =)
ang sabi ni Blogger Naomi, 30/7/05 8:23 PM  

nga pala, bat ayaw gumana ng tagboard mo
ang sabi ni Blogger Naomi, 30/7/05 8:24 PM  

evi... tama ka dyan, open forum na may beer, bad combination. ewan ko nga ba, bahala na si lord.. hehe

insan... ;) i don't drink much kapag magddrive pa, kung di ko talaga kaya, tumutulog muna ako bago ako umuwi... ;)

insan ulit... ewan ko nga ba dyan sa tag-board.com, kanina pa yan, sa lunes, kapag ganyan pa rin, hanap na ako ng ibang tagboard host. ingat ka din jan =)
ang sabi ni Blogger kukote, 30/7/05 11:31 PM  

isulat ang iyong gustong sabihin


Previous Posts

Marhgil » mga payo
Marhgil » ang owen
Marhgil » isang oras na lang
Marhgil » ang horoscope
Marhgil » midnight sale
Marhgil » tiis muna
Marhgil » sama ng loob, pinsan at tatay
Marhgil » dimples
Marhgil » ang wrestling
Marhgil » meeting at business

Marhgil » Home