Friday, July 22, 2005

cool site, tambay, at phone call na naman

sa aking paggala ay napadaan ako sa site na ito, cool! medyo ok basahin pag wala kang magawa.

dahil walang pasok sa lunes, 3 araw na naman akong tatambay sa bahay, wala pang sweldo, wala pang panggimik...

phone call ulit...

kring... kring...

ako: d****x, good afternoon.
sya: can i speak to mr. macuha please.
ako: speaking, how may i help you?
sya: sir, this is **** of etch es bi si... sir qualified po kayo sa personal loan namin.
ako: a ganun ba? salamat na lang, di ko pa kailangang mangutang eh.
sya: sir, malay nyo, in the near future, mangailangan kayo, kahit iready nyo lang po yung application form.
ako: hindi nga ako interesado eh.
sya: sir, kahit naman po ok na yung apply, hindi pa rin naman kayo obligadong kumuha, apply lang kayo para pag nangailangan e ready na.
ako: (medyo nakukulitan na) di nga ako interesado ok?
sya: sir, konti lang naman ang requirements.
ako: (nayamot na) ma'am, may limang milyong piso ako sa bangko at vice president ako ng isang kumpanya. hindi ko kailangang mangutang, ok?
sya: sige sir, salamat na lang.
ako: sige bye.

tut tut tut tut

hangup.

note: limang milyong piso sa bangko... imahinasyon ko lang... vice president... medyo totoo. =)

yun lang

4 comments:

starrfish said...

vp ka? wow, astig!!!
baka naman hiring dyan.. pwede mag apply?

kukote said...

hehe... vp ng organisasyong ito. just wait and see, kapag lumago yung business, tingnan natin, baka maghiring na kami. =)

lukin4gf said...

ahahaha... ayus yan ah..

DarkBlak said...

hahaahahaha... ayus eh... hehe