Friday, July 15, 2005

banggaan lessons

things to do kapag nabangga ang sasakyan mo (based on actual experience.. hehehe). sa kasong ito, i assumed na walang taong nasaktan na dapat ipagamot, ok? kung may dapat ipagamot, ibang scenario yun, ok?



  1. cool ka lang. bumaba ka sa kotse at tandaan agad ang plate number nung nakabangga. (in case na biglang tumakas, alam mo kung sino hahabulin... hehehe) pero huwag ka nang makipagtalo. hindi rin naman maaayos yung sasakyan mo. sayang lang ang laway mo.

  2. tumawag ka ng pulis, huwag na huwag aalisin sa banggaan scene ang sasakyan hanggang di dumarating ang mga pulis. kahit magkatraffic na, wag ka makunsensya, talagang ganyan dito sa pinas. kung itabi mo kasi, baka wala kang maclaim sa insurance.

  3. kapag ikaw ang binangga, sya ang may kasalanan. kahit nagfull stop kang bigla, sya pa rin ang may kasalanan, kasi, hindi sya dumistansya. let the police do the sketch of the banggaan scene. tapos, kapag ok na yung sketch, saka ka makipag-usap kung paano aayusin ang sasakyan mo.

  4. suggestion, kung slight lang ang damage at ayaw mo ng abala, pumayag ka na sa areglo, ikaw na magpagawa, bayaran na lang nila. mas mabilis ito. pero kung hindi nya kaya, mas maganda pa rin kung insurance, kailangan lang ng sandamakmak na tyaga sa pangangalap na papers.

  5. kung insurance ang magpapaayos, magpagawa ng police report sa police na rumesponde. have it at that same day, pupunta kayo sa presinto para pirmahan yun ng imbestigador. yan kasi ang number 1 requirement sa insurance. siguraduhing stated dun na sya ang may kasalanan at sya ang sasagot sa lahat ng gastos.

  6. kapag nakuha na ang police report, kunin ang contact numbers ng nakabangga sayo, syempre, kailangan mo kasing ifollow-up yung insurance. kung makukuha mo na rin yung number ng police at number ng insurance nila, mas maganda. yung sa police, para kung hindi sumunod sa kasunduan, maireport mo kaagad.

  7. kunin lahat ng requirements ng insurance, wag na wag kaagad ipapagawa yung sasakyang hangga't wala kang idea kung ano ang policy nung insurance. most of them need to inspect your vehicle first, kung ipagawa mo kaagad, baka mareject yung claim.

  8. isubmit lahat ng papers na kailangan.. then, mangulit ka na lang ng mangulit sa insurance para mapabilis yung processing.

  9. sa kakakulit mo, depende sa insurance, lalabas yung result ng claim, on my experience, after 3 days, naaprove na yung claim.

  10. ipasok ang sasakyan sa napagkasunduang pagawaan at maghintay na lang.



the whole process took 1 month for me (june 13 to july 13), makulit pa ako nun. i just post this para naman makatulong ako sa inyo, if ever mangyari sa akin ang nangyari sa inyo, alam nyo na ang inyong gagawin. ok? every detail of what happened dito sa kotse ko, mababasa nyo sa blog na ito, hanapin nyo na lang sa archives kung interesado kayo. ok? ok.

God bless us!

5 comments:

Anonymous said...

Hmmnn.. salamat sa tips. At least pag nagkakotse ako, alam ko na gagawin ko pag ako nakabangga he he he.

Yen Prieto said...

ay naku abala tlga pag nabangga nkakaasar, mshading hassle s lahat.. buti n lng once lng nangyri skn yan, at after nun sbrang ingat ko na..

enjoy ur wkend :)

jinkee said...

Napadaan lang po. I like you tips. Natikitan ako dati MMD. I was so clueless pano nakikipag-usap sa mga 'alagad ng batas' kaya umabot sa tikitan. Ngayon pag-nabangga ako, alam ko na ang gagawin ko.

Unknown said...

papaano nmn kung ang nagrereklamo ay humihingi pa ng danyos bukod sa ipapagawa na ang kanilang sasakyan ay humihingi pa ng 20k pra sa abala dahil ang sasakyan nila ay gingamit sa negosyo? makakasuhan ba ako kung nde ko babayaran yung 20k n hinihingi nila? tnx

Unknown said...

papaano nmn kung ang nagrereklamo ay humihingi pa ng danyos bukod sa ipapagawa na ang kanilang sasakyan ay humihingi pa ng 20k pra sa abala dahil ang sasakyan nila ay gingamit sa negosyo? makakasuhan ba ako kung nde ko babayaran yung 20k n hinihingi nila? tnx