isa ka ba sa mga kinulang palad na tao na nasabak sa sapilitang training na wala namang kwenta nung college? isa ako sa kanila, at ito ang aking kwento....
sa halip na rest day na yung linggo ko, kailangan kong gumising nang maaga para umattend ng ROTC. proper uniform at hair cut syempre... may dala pang pekeng baril. sa gate pa lang, umpisa na ng disiplina daw... haircut inspection... ang mahaba yung buhok, may libreng gupit... papanutan ka ng officer na nakaassign. minsan nga ay natripan namin na after mapanutan, hindi kami nagpagupit kaya nung sumunod na linggo, may panot na! pinanutan pa rin... hehehe. ito pa... yung mga hindi nag-ahit ng bigote... aahitan, pero kalahati lang... kaya mukha kang tanga. minsan nga, pag loko yung officer, aahitan ka na parang si hitler, yung ititira yung nasa gitna! para kang tanga... hehehe
ano bang ginagawa pagdating sa loob? may morning exercise. doon ako natutong magbilang ng mali... one, two, three, one, one, two, three, two, one, two, three, three, one, two, three, four... etc.... yung morning exercise ay tumatagal ng dalawang oras na ang goal lang naman nila sa aking palagay ay ubusan kami ng lakas, uhawin at gutumin para mabenta yung itinitinda nilang overpriced na mountain dew at cheese bread.. yung pandesal na may keso? pagkatapos ng exercise... breaktime... ang haba ng pila. teka... bago magbreaktime.. eto muna ang nangyayari...
syempre, sa tindi ng exercise... may mga nahihilo at nagcocolapse... alam nyo ang ginagawa sa mga nahihilo??? papahigain sa initan at sasabihin, ituro yung araw... meron pa akong nakita dati, hindi nag-ahit, ang ginawa... yung dalawang hindi nag-ahit ng bigote, pinagharap, tapos... nagbunutan sila ng bigote!
ganito pa yung command ng officer... "our next exercise is bomber... are you ready?", syempre, sigawan lahat ng "yes sir!", yung mga loko kong kasama, kapag medyo galit at pagod na, sa halip na "yes sir", ang isinisigaw... "busisi"! iba't ibang klaseng exercise, pag minamalas ka pa ay papagulingin kayo sa lupa.. etc... para kaming mga tanga dun!
then, after that, break time daw... syempre, sino ba namang ayaw magbreak time e inubos na nila yung lakas namin. kahit mahal, bibili ka, syempre. after the break, magkakaroon ng konting lecture... na wala ka namang maintindihan masyado... , sa initan ba naman maglecture after a very tiring exercise??? ang natutunan ko lang doon sa lecture, yung kung paano mang-ambush ng kalaban. hehehe. opo, itinuro po yun sa amin, kung paano pumili ng lugar kung saan magandang tambangan ang mga kalaban. minsan nga naiisip ko, e kung kayo kayang mga lintek ang tambangan ko pag-uwi nyo.. hehehe
ito pa yung mga nakakatawa... karamihan sa medics ay bading na napilitan ding mag-rotc... syempre, nagmedics na lang sila. may dala-dala sila first-aid kit lagi... pero kung titingnan mo yung alcohol nilang dala... mas marami pa yata yung halong tubig kesa mismong alcohol! may mga special people pa like yung radioman, na nagkapalad lang na naibili sila ng 2-way radio ng magulang nila e mga naging anak ng dyos na, nasa malilim na lugar habang nakikipagtsismisan lang naman sa radyo.
ito pa... may maiisip pa silang paraffle, fund raising daw na ang mahal naman ng ticket. tapos, pag nagbolahan, ay wala namang mananalo, pingpong ball na de numero yung gagamitin sa pagbobola... at pag di nabili yung ticket number na lumabas, kanila na daw yung premyo! ang galing nyong mga lintek kayo!
ito pa ang nakakaasar. may mga officer na babae... syempre, mga tomboy, na akala mo ay kung mga sino rin kung mag-utos. ang yayabang din, minsan naiisip ko, wag kang papakita sa barangay namin ng gabi sa akin at rereypin kita. hehehehe! wala, asar lang eh, pero di ko naman gagawin yun no? hehe
bago pala kami dismissin... meron pang isang round ng exercise. opo, exercise na naman, tapos, attendance, ang pinakahihintay ng lahat. pagkatapos mag-attendance (around 12PM na yun)... kanya-kanya nang uwian. doon sa amin, 4 absences = drop... so kailangan, hanggang 3 absent ka lang. syempre, lagi kong ginagamit yun... ano ako, hilo? kapag 3 meeting na lang ang natitira at wala pa akong absent, goodbye ROTC na, tapos nako! hehe
after all of these, sa apat na semester na pinagdaanan ko, anong natutunan ko? pede ba nila akong tawagan pag nagkagyera para ipaglaban ang ating bansa? pwede, pero anong gagawin ko dun? magmartsa??? magexercise??? e yun lang naman pinaggagawa namin dun... mag-exercise at magmartsang parang mga tanga.
e kahit nga pagpapaputok ng baril at paghahagis ng granada e hindi ko natutunan. kahit self-defense, hindi itinuro. siguro, pag nagkagera at hinanap kami, rereport ako, hahawak ng baril at ang una kong babarilin ay yung mga gagong opisyal na wala naman kaming natutunan. hehehe. sana lang e mapaputok ko, e pagkakasa nga, di ko alam kung paano eh!
yun lang!
5 comments:
hahaha!!! your blog about the ROTC made me laugh a lot.grabe totoo yang sinasabi mo,kahit hidi ako nakapag-ROTC ehh naging officer naman ako sa CAT-1. kahit officer ako,mga walang kwenta ang ipinapaturo sa amin ng commandant namin.kahit nga ako,walang natutunan nung bago ako naging officer hanggang sa naging officer ako,hehe.
interesting post. dami ko ding kakilala na hate na hate ang ROTC. halos di na nga naka-graduate yung iba gawa nun, hehe!
hahaha! that's really true. considering that we came from the same university, i think magkasabay pa tayo nag-ROTC :-)
the "mountain dew and pandesal" things really made me laugh. di ko talaga makakalimutan yun. imagine, pagurin ka talaga ng todo sa pagkadami-daming exercises, talgang kahit MAHAL yun paninda, bibili ka talaga! hehehe :-)
hay, ano nga ba mga natutunan natin dun? :-) asan na kaya yun mga lintek na officer dun?! :-) asan na kaya mga bading na medics? asan na kaya yun mayayabang na radiomen?! :-)
nice post margh! ang sarap talaga alalahanin na minsan may mga bagay tayong ginawang pinagmukha tayong engot :-) hehehe
wow, ang saya! ang gaganda ng comment. salamat sa pagbisita at pagcomment.
hi mark louwie, nung high school, naging officer din ako sa CAT... at least doon, hindi masyado yung pahirap, kayang kaya. =)
totoo po lahat yang sinabi ko, yan si arnold ang buhay na saksi. magkasabay pa pala kaming nag-ROTC.
barenaked... yung mismong kapatid ko, hindi nakagraduate dahil sa ROTC na yan, hindi sya nakapagmartsa dahil sa walang kwentang subject na yan.
yun lang po.
bwahaha! wala ngang kwenta! parang CAT.. buti may CWTS na nung college ako. .medyo may kwenta pa yun.. hahaha!!!
Post a Comment