Wednesday, August 31, 2005

kukote meets sungit and bait

gusto ko lang ipaabot sa inyong kaalaman na dahil sa kakablog at kakabloghop ay nagkatagpo ang tatlong blogger at napagkasunduang gumawa ng isa pang blog na magkakasama na sila. tatlong tao, magkakaibang ugali, magkakaiba ng pananaw sa buhay, nagsama sa isang bahay... hehehehe, ala pinoy big brother... hehehe. nagpress release na si insan, kaya heto na, puntahan nyo na! introducing.... "kukote meets sungit and bait!"


recycled

magrerecycle muna ako ng post ko, nung panahong isulat ko kasi ito, konti pa lang nagbabasa ng blog ko at siguradong walang gagawa ng assignment kung mag-tag man ako... hehehe. e ngayon? magtag muna ako bago nyo basahin yung post ko, ok? i'm tagging...

1. lukin4gf
2. teacher kai
3. yanyan
4. starrfish
5. yax

ok... eto na po yung assignment nyo... your computer literacy history. kagaya ng ginawa ko dito. hehehe.

sige po, ang hindi gumawa ng assignment, kamukha ko! hahahaha!

budi, driver, pagkain

nagpunta kami sa airport to pick-up budi, technical support from our indonesian counterpart. kasama ko si marco, eh hindi ko naman kabisado kung paano magpunta doon, so binigyan na lang nila kami ng direksyon. ok din naman silang magbigay ng direksyon, narating ko yung airport at nakabalik na rin kami kaagad. madali naman namin syang nakilala, nung dumating kasi kami sa airport, andun na sya.

pagdating dito sa office, nagfill-up ng reimbursement para sa gasolina at sa napudpod na gulong... hehehe. talagang all-around ako dito, kapag walang mautusan, ginagawa pa akong company driver... hehehe, at naging company car pa yung kotse ko. sana, humati man lang sila sa hulog, kahit ako na ang magpagasolina lagi... hehehe.

inaantok na ako, kulang pa ata sa tulog. uuwi na ako... hintayin ko lang itong libreng dinner sa office, sayang din yun. may bisita eh kaya may libreng pagkain, alangan namang sya lang ang kumain, hehehe, makikisalo na rin ako.

isang gabi kasama si benjo

kagabi ay nagpunta dito sa office si benjo, namiss nya nga kasi kami. hehehe. sabi nya, kain daw kami, sagot nya ang kalahati. ang sabi ko naman, "ok yan, lahat ng oorderin ko, kalahati lang, para ikaw magbabayad!" hehehe. natuloy yung aming food trip, lapit lang dito sa office, dun lang sa Tokyo Tokyo sa People Support na building, dine lang sa may kanto ng ayala at buendia. nilakad na lang namin...

sa aming kwentuhan, ewan ko kung bakit naibrought-up ni benjo yung tungkol sa coitus. ang status daw kasi nya nung isang araw sa yahoo messenger... coitus, e nakita daw sya ng kanyang ate na online din. curious, chineck ko sa dictionary sa cellphone ko kung ano meaning ng salitang yun. at natawa na lang ako, kwento pa nya, kaya daw nya nalaman yung term na yun, may ka textmate ata sya o ka chat na ang tawag sa kanya... "coitus boy", ok lang naman sa kanya, cool pakinggan eh, nung tingnan nya sa dictionary, e ganun pala ang ibig sabihin... kung di nyo alam, yan, may google search naman, check nyo na lang kung anong ibig sahihin.. hehehe.

nadagdagan na naman ang vocabulary ko, tapos may idinagdag pa si francis... fellatio at cunnilingus. Hi tech talaga itong dictionary sa cp ko, kumpleto eh, andun din ang definition, kayo na lang din magsearch... hehehe. as i browse through the dictionary, may nakita pa akong magandang term, na ang comment pa ni benjo... parang mala-harry potter ang dating! parang kamag-anak nung spell na "petrificus totalus" sa harry potter. ano yun? eto... coitus interruptus!. kayo na lang din magsearch kung ano yan... hehehehe.

pagkatapos mag food trip na sinagot lahat ni benjo ang bayad, natripan pa naming magpunta sa giligans to have some drinks, since coding ako, wala akong dalang kotse, wala akong pang-alibi... hehehe. hayun, medyo nakainom ng marami at tinamaan ng konti. sabi ni benjo... dapat, dalawa ang blog mo! isang "marhgil's kukote" at isang "marhgil's kukote kapag lasing." ang kulit ko daw kasi. ewan ko, makulit nga ba ako?? di naman ah.

yun lang, sige, magtrabaho muna ako.

Tuesday, August 30, 2005

nag-aabang

gusto ko lang ipromote ang isang libreng e-book, koleksyon ng mga tula ng aking kapatid sa pananampalataya... actually hindi ko pa rin sya nababasa... hehehe, pero nagdownload na ako, gifted si kuya kaya naman inihahandog ko ang espasyong ito para ipromote yung e-book nya. ito po ang download link.... ito nga pala ay pinamagatan nyang "Mga Gabi ng Pag-aabang" kayo na lang ang bahalang tumuklas kung ano ang kanyang inaabangan... hehehe. yun lang

utang card

nagpunta ako sa security bank para magbayad sa aking "utang card." paminsan-minsan naman ay ok din yang may utang card, basta marunong kang gumamit. dalawang beses ko pa lang ito nagagamit since january. yung una, nung magpunta ako ng saudi arabia nung january, isang linggo lang ako dun, sinubukan kong gamitin yung utang card, bumili ako ng singsing doon sa batha, nagpabili kasi yung isa kong kaibigan, syempre, sya yung nagbayad doon sa bill ng aking utang card. pangalawa ay nung mag-avail ako ng insurance sa loyola plans. dahil di pa dumarating yung bonus ko ay ikinaskas ko muna yung utang card ko... yun, at ngayon nga after almost two months, dumating na yung bill, ready na yung pambayad ko at nagbayad na nga ako. may utang card ako pero hindi ko kailanman pinangarap na magaya ako sa iba na baon sa utang sa kanila. nyek nyek nila, siguro lalakihan ko na lang ang utang ko pag mamamatay na ako... hehehehe. para maningil na lang sila sa puntod ko... ahahahah! naalala ko na naman si bossing ko.

use your utang card wisely. sabi nga ng aking kukote... hehehe.


clarifications: yun nga palang pinambili ko sa harry potter 6, debit card yun ng banco de oro, pati yung pinambili ko ng guinness. wala lang, baka lang sabihin nyo ay niyayabang ko kayo, credit card kasi nasabi ko doon sa hp6 ko eh. hehehe.

vacation leave

akala nyo, kayo lang nakapagbakasyon? para hindi masira ang plano ko, e di nag VL ako kahapon... hahahaha! kaya ngayon, tambak na naman ang trabaho ko!

sige po, magtatrabaho muna ako..

Sunday, August 28, 2005

naunsyaming holiday

akala ko, wala kaming pasok... meron pala, nagbago na naman ng isip ang magaling nating pangulo.. tsk tsk tsk. sa pagdeclare pa lang ng holiday, pabago-bago na ng isip, paano pa kaya sya makakapagdesisyon ng mahusay sa mga problemang dumarating sa pilipinas??? walang maayos na pagpaplano, bara-bara magdesisyon, tapos pag di nagustuhan, babaguhin, is this the way you are governing us??? imagine kung gaano kagulo... sabi ni bunye, may pasok, kaninang umaga, ibinalita, non-working holiday daw sa lunes, tapos kaninang tanghali, nag-iba! may pasok na ang private companies.

wala lang, nabadtrip lang ako dahil sa naunsyaming holiday.

walang pasok

non working holiday bukas!!!! yahoo!!!!

Saturday, August 27, 2005

araw-araw picture

nung pauwi na ako ng batangas kaninang umaga, ewan ko kung bakit biglang napag-usapan namin ito... na sabi ko, maganda siguro kapag nagkaanak ako, araw-araw since birth until magkaisip sya ay pipicturan ko sya at ipopost ko sa blog!!!

imagine, makikita mo as the day goes by kung paano nagbago ng itsura ang anak mo since birtH! as in, araw-araw ha, walang palalampasing araw. magandang idea, at pagnagkaisip sya, magandang gift sa kanya. syempre, bawat picture, may kasamang kwento. di ba? ang saya nun! sa mga parents na blogger na expecting a birth, ano sa palagay nyo? magandang idea, di ba??? ang laking tuwa siguro ng anak mo kapag nakita nya sarili nya since birth hanggang sa matuto syang lumakad at magsalita! araw-araw, makikita nya yung pagbabago sa anyo nya. how i wish ginawa sa akin ng parents ko yun.... hehehe

yun lang.

Friday, August 26, 2005

takot pumindot

bago ako umuwi, ikwento ko muna ang nangyari last sunday nung ihatid na namin yung pamangkin ko pabalik sa lipa, nagbakasyon kasi sya sa bahay namin ng 2 weeks. dalawang sasakyan ang naghatid, yung pajero ng kapatid ko at syempre, yung kotse ko. ang kasama ko sa kotse ko, yung isa kong pamangking makulit (3 years old), si inay at ang tiya ko.

sa kotse, ito ang nangyari... habang nagdadrive ako, may nagtext sa akin... sabi ng cellphone ko.. "excuse me po, may message ka! pasok!" ala mike enriquez... hehehe. since nagdadrive nga ako at di ko ugaling magbasa ng text messages habang nagdadrive for safety reasons, sabi ko sa inay, "pakibasa naman ng message ko." sabi nya.. "ala eh hindi pwede, hindi ako marunong nyan." hehehe. syempre, baling ako sa tiya ko... "tita, pakibasa naman ng message, pindutin mo na lang yung gitna." sabay abot ng cellphone ko. yun, syempre, pagtingin nya sa screen ng cellphone ko, andun na yung message... binasa nya "marhgil... paload naman ng 500, bukas ang bayad"... tapos, tanong ko sa kanya... "kanino galing?", sabi ng tita... "ala eh namatay ang ilaw! di ko na mabasa!" hehehe. sabi ko, "pindutin nyo kahit ano dyan, iilaw yan"... sabi nya... "ayaw ko nga, baka magkamali ako!"... tsk tsk tsk, so, saka ko na lang nalaman kung sino ang nagpadala nung message nang makarating na ako ng lipa.

may mga tao pa rin talaga hanggang ngayon na takot sa technology... napag-iwanan na. pipindot lang ng cellphone eh... tsk tsk tsk..yung tiya kong yun... yun ang nagluto ng pinindot noong ihandog yung pamangkin ko... yun lang ata alam nyang pindutin eh... hehehehe.

sugar free

isang linggo na naman ang nakalipas, ano na bang nangyari sa mundo? bilog pa rin ang mundo. nadagdagan ng pitong araw ang edad ko. nadagdagan ng tatlong retailer ang business ko at meron pa akong limang pending. nadagdagan ng konti ang balanse sa bank account ko. nadagdagan ako ng bagong kakilala. puro dagdag ah. magbawas naman tayo... nabawasan ako ng load sa cellphone ko, nabawasan ng gasolina yung kotse ko, napudpod ng konti yung sapatos ko, nagbawas ako sa toilet.. hehehehe!

tama nga yung ikatlong batas ni bagong tonelada sa paggalaw..(newton's third law of motion)... in every action, there is a reaction. tama ga? kung may bawas, may dagdag.. kung may nagtulak, may hinila. parang law of karma din yun ah. ewan, kung ano ano na naman naiisip ko.

makakapagsuot na naman ata ako ng coat and tie. may presentation kasi kami sa isang malaking kliyente, bangko sya, gagawan daw namin ng telebanking system dito sa pilipinas, kapareho ng ginawa ko doon sa kuwait... yun eh kung magkakasundo sila sa presyo at maisasarado namin yung deal. ako daw magpepresent ng technical side. magpapakaformal na naman ako, tsk tsk tsk. ala eh, kasaya, parang mas trip ko pang magpresent sa mga arabo kesa sa mga kapwa filipino na tiyak ay magtataasan na naman ang kilay kapag narinig nila na kahit english ay puntong batanggenyo ako... hahaha! ala eh... alangan namang mag-accent german ako e batangenyo nga ako! hahaha!!! sa isip sa wika at sa salita... batangenyo ito eh! kung nanonood kayo ng pinoy big brother, notice nyo kung paano magsalita yung si jayson... ganun akO! hahahA!

bakit sugar free yung title ng post na ito? wala lang.. trip ko lang... may angal? hehehe

happy weekenD!!!

if and but

if only i could... i would... but i couldn't... so i wouldn't.

Thursday, August 25, 2005

si benjo at si progloria

kahapon, dahil siguro sa kawalang magawa at pagkamiss sa former opismeyt naming si benjo... ay naisipan ni francis na pagtripan ito. blogger din kasi ang mokong na madalang pa sa patak ng ulan sa kuwait kung magblog. most of his post kasi ay anti-gloria... so nagpost si francis sa tagboard nya ng ganito...

PROGLORIA: Angas ng post mo ah.. Pare kanya-kanyang paniniwala lang yan, pero wla namang gaguhan.. Magising sa katotohanan? bakit ikaw gising ka na ba?

at eto pa:

PROGLORIA:
ayus-ayusin mo buhay mo ha.. I'll be watching you pare..gusto mo ng proof? check our site [link]


syempre, hintay nami reaction nya... nung hapon... nagbuzz sya sa akin sa yahoo messenger. ito ang usapan namin...

neovenjo: MARGHIL
neovenjo: ang hinihintay kong mag post sa blog ko dumating na
marhgil : sino?
marhgil : ???
neovenjo : ProGloria Angas ng post mo ah.. Pare kanya-kanyang paniniwala lang yan, pero wla namang gaguhan.. Magising sa katotohanan? bakit ikaw gising ka na ba?
neovenjo : hehehe hinihintay ko mga ganyan comments
neovenjo : dumating na
marhgil : haha
marhgil : di ka ba natatakot nyan?
neovenjo : baket
marhgil : wala lang
marhgil : baka bigla ka kulitin ni GMA
neovenjo : edi perahan nya ko
neovenjo : hehehe
neovenjo : tatahimik ako perahan nya ko
marhgil : hahaha
marhgil : baka padalhan ka ng kawayan at mansanas
marhgil : death threat daw yun sa mga matataba

ok.. si francis at si marco... kinausap din daw ni benjo. syempre, tawanan lang kami dito sa office. sina francis naman kasi, hayun, ginatungan pa, tinakot din... wehehehe.

nagreply si benjo sa tagboard nya ng ganito...

Para sayo PROGLORIA, ikaw narin ang nagsabi na may kanya kanyang paniniwala langyan kaya wag kang makialam pare, tsaka pinoy hacker?

URL na ngalang sarado na papano ba naman ako maniniwala..


kaninang umaga, nagpost ulit si francis sa tagboard ni benjo...

PROGLORIA: masyado kasing mapanlait ung comment mo pre e, ikaw lang ba binigyan ng utak ng dyos parang cnb mo di kami nag-iisip ah

PROGLORIA
:eto ip address mo.. sa **** ka pala nagwowork! ganda ng work mo ah


nagreply si benjo sa tagboard nya, dinilete na nya actually, sabi nya, "ano ba yahoo id mo at dun na lang tayo sa yahoo messenger mag-usap."

syempre, sa office, tawa lang kami nang tawa... kanina, nagbuzz na naman sya sa akin. eto, nahuli na nya kami... read on!

neovenjo : sino sa inyo si PROGLORIA
marhgil : ha?
marhgil : malay ko
marhgil : taga rito ba?? (maang-maangan pa.. hehehe)
neovenjo : huli ko na
marhgil : bakit?
neovenjo : accept mo
neovenjo : ebidens (nagfile transfer sya sa akin)
marhgil : di ko marcv
marhgil : email mo na lang sa akin
marhgil : ano ba yun?
neovenjo : maang maangan pa ha
neovenjo : na email ko na
neovenjo : isa sa inyo si PROGLORIA
marhgil : saan mo inemail?
neovenjo : mmacuha
marhgil : malay ko, andito lang ako sa cubicle ko eh
neovenjo : nyek
neovenjo : kita mo na?
neovenjo : si pogi? (pogi ang alyas ni francis dito sa office)
marhgil : oo (yung inemail nya, nakapost sa blog nya ngayon)
marhgil : andito si pogi, nagyuyuri
neovenjo : hehehe
neovenjo : isa sa inyo si PROGLORIA
neovenjo : bad boys
marhgil : hahaha
marhgil : sino kaya??
marhgil : baka si bobot
marhgil : hehehe
neovenjo : nyak
neovenjo : iniisip ko si pogi o ikaw
neovenjo : hehehehe IP IP pa ha magyayabang na hacker hehehe
neovenjo : huli ko rin IP ng PROGLORIA NA TRACE DIABOX IP WEEEEE
marhgil : hahaha
marhgil : di naman ako progloria eh... malay mo si marco, ginudtym din kami dati nyan.. remember?? (trinay kong guluhin at lituhin)
neovenjo : ?
neovenjo : di ko tanda un ah
neovenjo : nang goodtym si marco?
neovenjo : PA ONLINE C MARCO! WEEEE
marhgil : yung chinat kami ni francis... akala namin, si jason
neovenjo : ahhhh

after around 10 minutes...

neovenjo : umamin na
marhgil : sino umamin?
neovenjo : si pogi hahaha
marhgil : hahaha
marhgil : kahapon pa kaming tawa ng tawa sayo!! hahahahha!!!
neovenjo : hahahaha
marhgil : kinabahan ka rin doon no?
neovenjo : nasusot ako sa reply
neovenjo : ung may pa IP IP pa
neovenjo : ta**na research ko nga rin IP nya
marhgil : hehehe
neovenjo : si marco concern pa mga messages p*ta
neovenjo : hahaha
marhgil : hahahaha.. napagtripan ka ng diavoyz!!!
neovenjo : hahahaha
neovenjo : binigyan nyo ko ng topic sa blog
marhgil : ahaha
neovenjo : hahaha ayun bagong blog post na
neovenjo : hahaha
neovenjo : weeee hahahaha
marhgil : abangan ko yun
neovenjo :posted na galing talaga grabe nakakatawa kasi set aside ko work para i research ung mokong na un hehehe
neovenjo : tapos si pogi pala
marhgil : hahaha
neovenjo : sayang kala ko pa naman legit na reklamador un
marhgil : hahaha
neovenjo : kaya pala si marco concern na concern
neovenjo : ta**na nang gagatong pala!
marhgil : hahaha

at dahil sa ganung pangyayari.... umulan sa kuwait at nagpost ng bagong entry si benjo. eto yun!

that's all folks!

patext text lang

ewan ko ba, kakaiba talaga itong business na napasok ko. maganda ang kita ng mga retailers, ako, konti pa lang, konti pa kasi sila. nagpunta ako kanina sa smart wireless center para mag-apply ng smart money card. ganun na kasi ang balak kong gawin, patext text lang, tumatakbo na yung business ko. paano? oorder sila sa akin ng prepaid credits, magbabayad sila through my smart money account, so makakarecv ako ng text na nagbayad na sila. ako naman, idedeliver ko yung "product" na inorder nila, yung reload credits, magtetext lang din ako... hehehe. itong cellphone ko, pinagkakitaan ko na. hehehe. smart money to smart money, isang text lang, marereceive ko na yung bayad. isang text ko lang din, marereceive na nila yung load... di ba ang cool! wala akong problema sa delivery ng products, wala akong pinapasweldong tao, kaya ko pa namang magtext. puro money transfer lang at load credits yung imiikot over the wireless network. that's the advantage of the technology today... puhunan ko lang, laway sa pagpapaliwanag at konting effort sa pagpindot-pindot sa cellphone... ehehehe. after 2 weeks, i already have 15 retailers...gandang business no? yan nga pala si francis, isa kong retailer, basahin nyo na lang yung masasabi nya dito. (may testimonial pa! hehehe)

sumabog na!

totoo! sumabog na ang bombang sinasabi ko sa post na ito. napatalsik na si de chavez ng batangas state universitY!!!!! sabi sa inyo eh, konting tiis lang, makakamit din ang tagumpay! eto po ang balita!!!

Wednesday, August 24, 2005

hindi sya pumasok

natatawa ako. di ko alam kung tama ba yung ginawa ko, pero i swear, di ako nagsinungaling. ganito kasi yun... our company president... sir mario passed away, matagal na... di ko matandaan kung anong month yun, pero matagal na. bigla ba namang may tumawag ditong taga cit*b*nk, e sa extension ko nagtransfer... mukhang maniningil sa credit card... ganito ang nangyari...

kring kring...

ako: dia*ox, good afternoon.
sya: hello, may i speak with mr mario mat**e?
ako: (nagulat, e wala na nga kasi si sir eh) may i know whose on the line please?
sya: this is **** from cit*b*nk.
ako: sorry sir but he's not here. hindi sya pumasok eh.
sya: ok, thank you sir.

hang up.

tawa na lang ako ng tawa after that. pero totoo, hindi sya pumasok... hehehe. ewan ba naman sa mga taga cit*b*nk na ito, tagal nang nainform sa kanila na wala na si sir, lagi nang tumawag dito. hehehe. minsan nga ay padalawin ko sa kanila si sir.. hehehe

jen

on october 3, pwede ko nang ligawan si jeniffer aniston. bakit? read this.

yun lang. (asa pa eh... hehehe)

usapang aklat

natag na ulit ako nung maganda kong pinsang nurse sa canada (grabe mambola ah.. hehehe).. di naman ako tumatanggi sa tag, kaya, eto na ang aking mga kasagutan.

What's in a book?
mga pira-pirasong papel na kung ano anong nakasulat tungkol sa kung ano anong bagay na naisip at nalaman ng nagsulat na gustong iparating sa mga mambabasa... haba nun.. habol hininga ko ah.. hehe

Number of books on the shelves:
wala akong book shelves eh, pagkatapos kong mabasa, either ipinahihiram ko na hindi na isinosoli, or ipinagbibili ko na. hehehe.

Those that I own or bought:
sa ngayon, isang aklat na lang ang natitira sa akin na hindi ko pa naipapahiram or naipagbibili... yung Guinness Book of World Records 2005, 50th anniversary edition... yung nabili ko sa national bookstore na napagkamalan akong si mr buendia avenue.

Last few books that I bought:
Harry Potter and the Half-Blood Prince... ibinenta ko matapos kong basahin at yun ngang Guinness... di ko pa tapos imemorize eh... balak ko ibigay sa kapatid ko para manalo naman sya sa laban o bawi... hehehe

Books that I'm reading now:
yung guinness during my spare time.

Last few books read:
same as my last few books bought =)

ok magtatag na ako. lahat ng nakabasa ng post na ito na hindi pa nakapagsagot nito, i'm tagging YOU! kilala mo naman kung sino ka, di ba? hehehe... kung ayaw mo, e ok lang, di naman kita kilala.. hehehe.

yun lang

Tuesday, August 23, 2005

spam me!

nitong nakaraang araw... problema na yata ng mga blogger yang spam comments na yan. ang dami kong nadaanang blog na may mga comment na nag-aadvertise lang naman ng kanilang website na wala namang karela-relasyon sa pinag-usapan sa post. so far naman, wala pa akong naencounter dito sa blog ko na ganyan... come on!!! spam me!!! hehehehe.

natutuwa naman ako sa blogspot.com, siguro dahil sa survey na ginawa nila ay nagising sila sa katotohanan na problema nga yang mga tinamaan ng lintek na mga spammer na yan. at dahil dyan, nagdagdag sila ng bagong feature, extra step sa pagcomment na hindi kayang gawin ng automated spammer applicatioN. ano yun? eto... basahin nyo na lang ito... i already used it here. ang tawag pala dun sa feature na yun... captcha!

yun lang!

pinoy big brother

inumpisahan na pala yung pinoy big brother. actually, nung nasa kuwait ako, nakapanood na ako nyan, sa channel 2 ng mbc... kaso, hindi ko maintindihan. e mga arabo kasi yung housemates, arabic yung salita... basta, ang alam ko nga, reality tv show sya, kalat yung camera sa bahay. ayos ding manood ng palabas na hindi mo naintindihan, ikaw ang gumagawa ng kwento sa isip mo... hehehe, kung ano yung pinag-uusapan nila, etc.. etc... kung ako kaya ang kasali dun? makatagal kaya ako ng 100 days??? ewan ko, kaya kong walang tv, walang radio, walang cellphone, walang relo, walang dyaryo. isa lang ang hindi ko kaya... walang internet, di ako makakapagblog!!! kaya nga ba di ako nag-audition eh.... magagalit rin kasi si inay... remember yung payo niya? hehehe

pulpol

kagabi, nag-uusap kami sa bahay about my business ng may biglang ibinigay na magandang suggestion si leonkyo... hindi kasi ako pwedeng magbenta ng load, retailer lang ang pwede, so, ang suggestion nya, bumili ako ng isa pang cellphone na may ibang SIM para makapagretailer din ako... ito ang usapan namin..

leonkyo: bumili ka na ng isa pang cellphone, kahit pulpol na cellphone, para makapag-retailer ka.
ako: tama! pulpol na cellphone! magkano ba yang cellphone mo? hehehe

yun lang.

Monday, August 22, 2005

mga nagparami ng hits!

gusto ko lang magpasalamat sa mga nakalista sa baba na bumanggit sa blog na ito o sa akin sa kanilang posts/article dito sa internet. maraming salamaTs!!! salamat sa dagdag hits! hehehe

heto na sila... i'm just returning the favor, bisitahin ninyo sila! dagdag hits! hehehe. yung di ko nabanggit na binanggit din pala ako... eh pakilagay na lang po sa comments, nung magblog hop ako, yan lang po nakita ko eh. pasensya na... im not perfect.

1. "Marhgil's blog is the simplest answer to the question of why Filipinos dig Jollibee more than McDonalds."
source : naomi's craving keyboard.

2. "...Marhgil's Kukote - ang blogsite ng pamosong si Marhgil, funny yet educational. Lahat ng post may sense (meron nga ba? haha!!)"
source: coin operated boy's morning rituals

3. "ako ay isang bookworm na ang binabasa ngayon ay marhgil's blog... a must read blog!!!..."
source: patlents august 13th's post

4. "A recycled thought popped into my head which I've just read from Marhgil's blog. 'Don't think while your mouth is open.'"
source: akira posh's rx entry

5. "during my college days, one of my biggest problem was MATH ... ang naintindihan ko lang yata nun was differential equation... and the rest... hindi na.... magaling na lang at andun ang Kukote ni Marhgil na handang magpahiram ng kanyang test papers."
source: penoy's failing grade from the module exam

6. "salamat ng madami...yan ...yehey, kuntento na ko sa site na ire....
with the help of the guys...(marhgil, ycel, rachel at bayaw tops) .....salamat sa mga inputs about html..sa wakas...kontento na ko sa page...."
source: owen's neo wants to say thanks

7."I accepted yet another from the blog of common sense and the man full of humor behind it, Marhgil."
source: evi's the times of my life

8. "Napasali na din ako sa Prepaid Pinoy reloading business ni Marhgil. Nagtry kami ng 1000 worth of credits... paubos na ung credits in less than two days. Maganda bang business? Nakakalibang.. "
source: coin operated boy's resume update and others.

9. "Nabasa ko ang post ni Marhgil titled Ć¢€Å“Bangaan LessonsĆ¢€�, mga things to do kapag nabangga ang sasakyan mo."
source: ka uro's in case of car collisions

10."MEET Marhgil Macuha, our Tuesday YOU Blog Addict."
source: INQ7's YOU Blog Addict

cake or bed

ngayon lang yata ako nakapagtrabaho ng medyo mahaba-haba, kaya di masyado makapagpost dito. ito talagang trabaho, nakakaistorbo sa pagboblog. hehehe. wala akong maisulat.. kaya copy paste ko na lang muna itong joke na nareceive ko sa e-mail kanina.... don't know who the author is, i think, this already an old joke, daming beses ko nang nabasa to eh...here it goes...

A husband is at home watching a football game when his wife interrupts,

Ć¢€Å“Honey, could you fix the light in the hallway? It's been flickering for weeks now.

He looks at her and says angrily;

Ć¢€�Fix the light? NOW? Does it look like I have a G.E. logo printed on my forehead? I don't think so!Ć¢€�

The wife asks, Ć¢€Å“Well then, could you fix the fridge door? It won't close right.Ć¢€�

To which he replied, Ć¢€Å“Fix the fridge door? Does it look like I have westinghouse written on my forehead? I don't think so.Ć¢€�

Ć¢€Å“FineĆ¢€�, she says, Ć¢€Å“Then you could at least fix the steps to the front door? They're about to break.Ć¢€�

Ć¢€Å“I'm not a damn carpenter and I don't want to fix stepsĆ¢€�, he says. Ć¢€Å“Does it look like i have ace hardware written on my forehead? I don't think so. I've had enough of you. I'm going to the bar!!!Ć¢€�

So he goes to the bar and drinks for a couple of hours. He starts to feel guilty about how he treated his wife, and decides to go home and help out.

As he walks into the house he notices the steps are already fixed. As he enters the house, he sees the hall light is working. As he goes to get a beer, he notices the fridge door is fixed.

Ć¢€Å“HoneyĆ¢€�, he asks, Ć¢€Å“How'd all this get fixed?Ć¢€�

She said, Ć¢€Å“Well, when you left i sat outside and cried. Just then a nice young man asked me what was wrong, and i told him. He offered to do all the repairs, and all I had to do was either go to bed with him or bake a cake.Ć¢€�

He said, Ć¢€Å“So what kind of cake did you bake him?Ć¢€�

She replied, Ć¢€Å“Hello... do you see Goldilocks written on my forehead? I don't think so!Ć¢€�

yun lang!

killer smile



he just turned 2-month old today. grabe, isang oras ko inabangan yan, bago ko nahuling tumawa... hehehe.

Saturday, August 20, 2005

kahapon, ngayon at bukas

dahil sa tag ng aking pinsang walang kasing ganda sa balat ng kablogan... ay eto na at ginawa ko na ang aking assignment...

WHAT WERE YOU LIKE

20 YEARS AGO:
Ako ay anim na taong gulang pa lang. Kindergarten, nag-eenjoy sa pagkukulay ng mga coloring book at pakikipagkulitan sa mga kalaro. Gumagawa pa ako noon ng tinapay na yari sa alikabok, yun bang iipunin mo, parang nagtitimpla ng semento, yung tubig, alam nyo na kung ano, e di ihi! hehehe. Proud ang parents ko noon sa akin, biruin nyo, second honors ako! Sa public school lang naman ako nagkinder, yun bang kayo pa ang magdadala ng upuan nyo sa enrollmenT! lupa ang sahig. pero ok lang, natuto rin naman ako! during that time, ang alam kong sagot sa tanong na "what is this?" ay "kabayong buntis" at sa "what is that?" ay "kabayong bundat!"ikwento ko na rin nung mag-grade 1 ako! yung hindi ko malilimutang pangyayari, yung first day of class, nakipagsaksakan ako ng lapiS sa kaklase ko!!! tanda ko pa rin yung walang kamatayang "Our news... today is monday, august 20, 2005, it's a sunny day!" at saka yung walang kamatayang "Henny Penny!"... "Henny Penny is a hen, henny penny is a big hen... etc.. etc..." during those times, ang inay lang lagi kong kasama, nasa abroad kasi ang tatay. baon ko sa school, tinapay at saka lemonada! nauso yata noon yung "rolly polly magic candY!" tama na, mahaba na yan... next..


15 YEARS AGO:
Eleven years old? Grade 5 na ako nun! Si tatay, nag-aabroad pa rin. di ko matandaan kung kelan sya tumigil eh, pero sa mga panahong ito yata, na naisipan nyang tumigil mag-abroad at magnegosyo ng manukan. nagkaroon ng maraming manok dito sa tagiliran ng bahay namin, syempre, nakakulong sila. tuwing umaga, katulong kaming magkakapatid sa pagpapatuka ng manok at paghahakot ng timba-timbang ipot nila! dalawang kulungan na tig-100 na manok yung alaga namin. basta ang alam ko, every morning nung bakasyon, nagkakahig kami nung mga ipot ng manok doon sa ilalim ng poultry, inilalagay sa timba at hinahakot namin patapon doon sa may agbang! syempre, kapag nabenta na yung mga manok, nililinis din namin yung kulungan... tatlo kaming magkakapatid, puro lalaki, lahat kami, nasa loob ng kulungan, may dalang basahan, kanya kanyang kiskis doon sa kawayan habang si tatay naman ay may dalang hose ng tubig, pinasisiritan kami... kasama na yung paliligO! yahoO!!! masaya na mabaho pagkatapos.. hehehe. After 1 year nga pala nun, grumaduate ako ng elementary as salutatorian. halos buong barangay, nakalibre ng kain sa amin!

10 YEARS AGO:
disasais na ako! hmmm, fourth year high school? nakabili na ng tricycle ang tatay ko, ipon nya sa kanyang pag-aabroad. bumalik ulit sya sa pag-aabroad, pero wala akong kaalam-alam kung anong nangyari at tumigil sya sa pagmamanukan. siguro, mahina ang kita, lumalaki yung gastos sa amin! kwentong school... sa bauan high school ako naghigh school, it was actually a private school. can afford na si tatay noon, medyo napromote na eh. daming crushes, daming nagpapacute sa akin! hehehe. pero lahat sila, di ko pinapansin. puro aral-aral at aral lang ako. ako yung tipo ng estudyante na kinakabahan yung teacher ko pag andun na ako, pag nagkamali kasi sya ng turo e talagang di ko titigilan ng kakatanong. syempre teacher, hindi papatalo, mauubos yung oras sa kakadefend nya ng turo nya na mali naman talaga... ewan ko, trip ko lang talagang mag-aral noon. kaya naman itong dalawang kapatid ko na sa same school din pumasok e medyo naiilang sa akin, lagi na daw kasi silang ikinumpara sa akin. favorite subject ko nga pala ay mathematics. i graduated valedictorian out of 444 students nga, take note, kaklase ko yung valedictorian namin nung elementary kami... hehehe. grumadweyt ako, ang dami kong awards, 14 medals yung isinabit sa akin... lahat ng tiya at tiyo kong present nung graduation ko, nakaakyat sa stage, pinaghatihatian yung pagsasabit sa akin. wala si tatay noon, nasa abroad. it was one of the happiest moment in my life... yun bang graduation, ikaw ang bida! hehehe. maya't maya, tinatawag yung pangalan mo para bigyan ng award. lahat nung medal ko, ipinalaminate ng inay... nakadisplay ngayon dito sa bahay namin sa batangas... syempre, proud na proud sila. hindi lang buong barangay ang pinakain nila... lahat ng teacher ko, dinalhan pa ng pagkain sa school at kahit yung tatay ko sa abroad, lahat ng kasamahan nya doon, pinakain nya, proud na proud syempre sa akin. hindi ako nagkaroon ng GF sa buong high school life ko!



FIVE YEARS AGO:
twenty one years old! uy, debuT! wala akong handa nung debut ko. ewan ko, humingi na lang ako ng pera pamblow-out sa mga kaklase kO! may kotse na kami noon. nissan... binili ng tatay, second hand. dala dala ko lagi sa pagpasok, i mean, drive ko lagi, ok? after 5 years nang pagpapakahirap sa engineering, nakagraduate din naman ako as computer engineer sa batangas state university. syempre, with honors din, "outstanding", almost a cum laude, pero hindi cum laude, muntik na. kung hindi dahil sa isang subject na sumabit ako, nagkaroon kasi ako ng 2.75 na grade. my general weighted average sa lahat ng subject nung college ako was 1.398, on the grading scale na uno yung highest, singko ay bagsak. almost a cum laude nga kung hindi dahil sa isang subject. halos isumpa ko yung subject na yun, hehehe. medyo nainis din ako, grumadweyt na ngang with honors yung anak nila, disappointed pa sila dahil inaasahan nga nila na cum laude ako. kumbaga, sa iba nga, makagraduate lang yung anak nila, masaya na sila.. tsk tsk tsk.. hehehe. that was a long time ago, naintindihan ko naman sila, masyado ko kasi silang sinanay na honor lagi yung kanilang anak eh.. ehehe, tumaas tuloy yung expectations. pero tanggap na nila, syempre naman oh, tagal na nun eh.

THREE YEARS AGO:
beinte tres na ako! i decided na magresign sa AMA batangas as instructor after realizing na walang patutunguhan yung pagtuturo ko. naisip ko kasi, dapat sana, education na lang ang kinuha ko kung magtuturo lang pala ako, di ba? kahit marunong akong magturo, feeling ko, hindi ko talaga yun linya. sayang naman yung natutunan ko kung di ko maicocontribute sa industry... hehehe. so, nagresign nga ako, at naghanap ng trabaho sa manila. dami kong inaplayan, kung saan-saan, ewan ko ba, ganda naman ng credentials ko, ganda ng resume ko, pero talagang wala yatang gustong tumanggap sa probinsyanong katulad ko. sumapi pa ang kamalasan. 5 months akong tambay, and during that time, biglang napauwi ang tatay ko from abroad. ang nangyari, walang trabaho si tatay, wala akong trabaho, lahat kami, walang trabaho sa bahay, ipon na yung nagagastos namin... hanggang sa dumating yung point na ipagbili ng tatay ko yung tricycle may magastos lang kami. ako naman,tuloy pa rin sa pag-aaply until nga matanggap dito sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon. I started as ENtry Level Programmer, after that, ilang linggo lang, nakaalis naman ang tatay ko papuntang bahrain, kung saan andun pa rin sya hanggang ngayon. nakabili na naman sya ng sasakyan pag-uwi nya... dyip naman, pambyahe daw pag nagretire na sya. ako naman, nagtuloy-tuloy na yung swerte sa kumpanyang naisipang subukan ang batanggenyong si ako.. hehehe


LAST YEAR:

Nagstart akong magblog nung february out of pagkabagot sa kuwait. ang laki kasi ng tinitirhan ko, ako lang tao, walang kausap, naisipan kong maggawa ng "online diary", never heard of blogging pa. pero hayun, naligaw sa isang blog ng kaklase ko nung college at lumipat ako sa blogspot. sa work, naassign nga sa kuwait as a team leader ng isang malaking project sa kuwait finance house. sa mga nagbabasang taga kuwait, tawag kayo sa 803333, yung sasagot dyan na computer, ako nagprogram nun! telebanking application, lahat ng banking transaction, pwede mong gawin sa teleponO! ok.. last year din, nakarating ako ng davao to meet my future first lady. last year din, twice nag-increase yung sweldo ko at napromote. last year din nakabili ng pajero ang tatay ko. nangongoleksyon sya ng sasakyan eh... hehehe.

THIS YEAR:
Got promoted again and had my salary increase last january. sa tulong ng aking father, nakakuha ng car loan sa equitable pci bank, got my first car na nakarehistro sa pangalan ko. syempre, alam nyo na kung ano yun... yung kotseng mainit sa mata ng mga reckless driver.. hehehe. tatlong beses muntik nabangga until finally nabangga din. hehehe. this year din, medyo lumawak na ang mundo ko sa manila. dumami ang kakilala, dahil sa magic ng blog hopping...hehehe. tagal ko nang nagboblog, pero konti lang nakakabasa, mga kaibigan ko lang until maisip kong magblog hop, ayun, ang dami nang tumatambay dito dahil daw sa kakaibang laman daw ng aking kukote... hehehe.

YESTERDAY:
Nakipagmeeting sa mga boss ko about the new project, tinuruan silang magcompute, may ibinigay kasing figures yung client, di nila alam kung pano icocompute, yun, parang teacher ng math ako kahapon, nagdiscuss sa harap ng mga bossing ko.. impress sila, akala daw nila, computer lang alam ko.... hehehe, di pala sila nagbabasa ng resume ko eh. kung gusto nila, irecite ko pa yung phytagorean theorem eh. hehehe.


LAST NIGHT:

Umuwi sa batangas, nagdrive from manila to batangas, pagdating sa bahay, nanood ng WWE Great American Bash.

TODAY:
SInasagutan ito.. hehehe.

TOMORROW:
No one knows the future. Pero pupunta ako sa toyota batangas para ipakabit yung stereo na ipinagawa ko sa kanila! at makikipagmeet sa mga retailer sa aking bagong sideline.. hehehe

NEXT YEAR:
Magiging 27 years old ako, pero, di ko rin alam, malay natin, magunaw na ang mundo, no one really knows.

FIVE - TEN YEARS FROM NOW:
kung buhay pa ako at hindi pa gunaw ang mundo, kasal na ako kay first lady, may mga anak, may matatag na negosyo, wag lang mamalasin.

that's it, ngayon, ako naman ang magtatag! akala nyo, ligtas kayo? hehehe.kayo naman ang gumawa ng assignment nyo! i'm tagging...

1. Ning
2. May
3. Ethel
4. Mauie
5. Ka Uro
6. Mangogoyong
7. Midori-X
8. Evi

Friday, August 19, 2005

gloria komiks part 2

nakita ko na kung sino ang may-ari nung gloria komiks! at meron pa palang part 2! dito nyo na lang sa link nya puntahaN! ang saya!!! off na yung comment box nya eh, di ko sya makontaK! anyways... kagaya ng sinabi ko... hindi akin yun.. kanyang kanya yun. kay Bulletproof Vest! (parang takot na takot akong makulong ah... hehehe)

usapang business at pagbati

magseryoso muna ako. ok?

isa sa mga nakuha kong retailer ng prepaid pinoy ay may pwesto sa palengke sa mabini, batangas. sya si mario diaz, nataon lang na nagpunta nga sya sa boarding house namin dahil sa nag-aaply sya ng visa papunta sa italy. nung araw ding yun ay kinausap ko sya about my business at ora mismo, nagregister sya at kumuha ng 1000 pesos prepaid credits. ang negosyo nya sa palengke ay bigasan.

ito ang comment nya kaya kumuha kaagad sya... sa puhunang 1100 pesos daw sa isang sakong bigas, kumikita lang sya ng 80 pesos na tubo. ok naman daw, may pang-araw-araw na gastusin, pero kulang pa rin. bukod sa puhunang pera, yung abala pa sa pagdedeliver nung bigas at pagbubuhat, isa pa ring factor yun. kumbaga, sabi nya, laking puhunan, laking hirap, konting kita, pero tuloy pa rin sya, walang ibang choice eh. minsan nga daw ay uutangan pa sya, na hindi naman sya makatanggi... syempre, pagkain, bigas, nakokonsensya rin naman daw sya na hindi magbigay.

ngayon, comparing it with the business na inoffer ko sa kanya... sa puhunang 1000 pesos, kikita sya between 5% to 20%, depende kasi kung ano yung mabebenta nyang card. on the average, let us say, 12.5%. so, sa 1000 pesos na puhunan nya, kikita sya ng 125 pesos! mas malaki pa sa kita nya sa bigas, wala pang pagod sa pagdeliver at pagbubuhat... puhunan mo lang ay tumambay sa pwesto mo at maghintay ng bibili ng load... hindi naman kabigatan ang pagpindot-pindot sa cellphone...

gaano ba kalaki ang demand sa load? halos lahat ng tao dito sa pilipinas, kahit tambay, may cellphone. totoo o hindi? totoo. lahat yan, araw-araw nagtetext, at lahat yan, nauubusan ng load. kung sa barangay nyo, ikaw lang ang may loading station ng kahit anong cellphone carrier, tiyak, lalapit yan sayo at magpapaload, di ba?

to give you a hint, itong si mario, umuwi ng batangas kahapon ng umaga dala-dala yung poster, manual at yung cellphone nya na niloadan ko ng 1000 pesos. siguro, tumuloy kaagad sa pwesto nya sa palengke. kaninang umaga, nakareceive ako ng text sa kanya... "pare, maghanda ka ng 5000 na load, bukas kita tayo, bili ako ng 5000, paubos na yung 1000 ko!" kakaumpisa pa lang nyan, isang libo sa palengke, mahina pa yan. sabi nga nya, mas malaki pa ang kinita nya kesa sa magbenta ng bigas!

so far, after 1 week ng pagiging dealer, meron na akong 10 registered retailers. and i'm still accepting retailers. kontakin nyo lang ako kung gusto nyo ng additional info!

pagbati: binabati ko si oliver na taga korea na masugid raw na nagbabasa ng blog na ito. nag YM pa sya sa akiN! hello pare! keep readinG!!!

Thursday, August 18, 2005

sino sino kaya sila?

natutuwa ako dyan sa neocounter... aba at karami na palang naligaw dine sa aking munting bahay, 53 countries daw eh! at mayroon pa yatang taga outer space... kita nyo ba yung unknown... hehehehe. totoo pala talagang may alien!

sa mga bumabasa nito, pede ko bang malaman kung sino sino kayo??? sino taga US... canada... saudi, singapore...etc! wala lang, nakakatuwa lang malaman, para naman kapag minsang napatapon ako sa bansang inyong kinalalagyan e meron akong makukulit at mahihiraman ng internet connection para makapagblog... hehehehe

gamot at aso

magandang pangalan ng gamot...

1. camot. gamot sa kati
2. cinga. gamot sa baradong ilong
3. hinga-pa. gamot sa hika
4. T-is. pain reliever
5. pasac. gamot sa singaw

magandang pangalan ng aso... imagine na may bisita kayo sa harap ng bahay while your dog is barking at them... tapos sisigawan mo yung aso ng pangalan nya... tatakbo na lang yung bisita nyO!

1. Kagat
2. Sunggab or Sunggabi
3. Hangkab
4. Tikim or Tikmanmo
5. Sugod

yun lang, wala na akong maisip...

magbasa tayo ng komiks

nareceive ko sa e-mail ko kanina. natutuwa lang ako kaya ipinost ko dito, hindi ko alam kung sinong may gawa nito. pro-gma... peace!




Disclaimer: hindi akin yan, ok? kung ikaw ang gumawa, pakisabi lang sa akin ng maacknowledge kita. dahil hindi ko nga alam kung sino ang gumawa, hindi ko alam kung kanino hihingi ng pahintulot. anyways, hayaan mo na lang dyan, sumikat pa ang komiks mo.. hehehehe

si aida, si lorna, si fe at si mario

kagabi, paguwi ko sa boarding house ng 11:30PM, nadatnan ko ang isa naming barkadang taga batangas... itago na lang natin sya sa pangalang mario diaz.. hehehe. andun sya dahil nag-aaply sya sa italian embassy, syempre, gusto yatang magpunta ng italy, obvious ba? may nakilala daw sya doon sa embassy, mga babae na nag-aaply din, at dahil mga taga probinsya e doon na daw sa embassy matutulog, may dala pa nga daw banig yung isa.. hehehe. sabi nya, "sunduin natin yung mga nakilala ko, kawawa naman doon sa embassy" hehehe. so, nagpunta kami doon, at sinundo nga namin sila... nadatnan namin, mga nakahilata nga lang dun. tatlo sila, itago na lang natin sila sa pangalang aida, lorna at fe... hehehe. "si aida o si lorna o si fe... lahat sila'y magaganda...mayaman na at seksi pa..." yan, yung kanta... pero hindi sila yan, kabaligtaran yata nila eh... hehehehe.

anyways, to continue my story, dahil nga mga probinsyanong hospitable kaming mga batangenyo... sa halip na sa boarding house namin sila patambayin na magulo pa sa buhok ni einstein... nagpunta na lang kami sa libis... ako, si allan, si mario at si aida, si lorna at si fe... yun, nag-inuman sila sa ipenama ba yun? yung disco dun na wala namang sumasayaw... ako, isang san mig light lang para naman hindi nila sabihing wala akong pakisama, maganda talagang alibi yang kotse kung ayaw mong uminom... "magdadrive pa ako eh!" hehehe.

si aida at si lorna, may asawa na, parehong nasa italy, susunod raw... si fe, tahimik lang, tawa lang ng tawa, dalaga pa, kaedad namin, pero wala yata akong nakuhang impormasyon tungkol sa kanya... yun, gusto rin nyang magpunta sa italy. yung isa, taga pampanga, yung isa, taga batangas din daw, yung isa, ewan ko, di ko na natandaan. di ko rin tanda kung which is which...kung sino yung taga batangas at pampanga. hayaan nyo na!

itong si mario, kapag nalalasing pala ay pagkadaldal... lahat na ay ikinwento... yung pagkahumaling nya kay rudy fernandez... na nung palabas daw yung "lagalag" e talagang nagpakapila-pila sya makapanood laang. pagiging die-hard fan nya ni alvin patrimonio... na kahit daw talagang sa palagay nya ay talo yung purefoods.. pupusta pa rin sya... kasama nga daw sa panaginip nya si alvin... na nagbabasketball sila, itinataas daw sya para makashoot... hehehe. dami nya pang kwento, saka ko na lang ikwento lahat.

umuwi kami, alas dos na ng umaga. on our way home... si aida naman ang bumangka... lolo daw niya si ruben rustia... dami daw nyang kilala sa crame...nagpakamatay daw si rico yan... gold digger daw ang mga barreto's... etc.. etc. hindi ko alam kung totoo ang sinasabi nya or lasing lang sya. dahil marami daw syang kilala sa crame, bibigyan daw nya ako ng sticker ng pulis! kinuha pa yung number ko, bigay ko naman, sabi ko, "bigyan mo ako ng lima... lagay ko sa bawat sulok ng kotse ko.. para iwas huli... ehhehehehe.." anywayz, nakauwi din kami, we dropped them near italian embassy at around 3:00AM, 4:00AM daw, magbubukas na yun.

pumasok ako dito sa office, tanghali na... offset naman ako dahil nag support nga ako sa client yesterday.

Wednesday, August 17, 2005

15 million

nakipagmeeting sa client this morning, pagdating dito sa office, may client call for technical support, actually, hindi pa nga ayos, sabi lang nung contact ko, magmemeryenda muna sya, so, ako naman, magboblog muna... hehehe.

wala namang bago... kung gusto nyong kumita ng $15 million, magpabato kayo ng cellphone kay Russel Crowe! hehehe... heto ang balitang nabasa ko kanina.

yun lang.

Tuesday, August 16, 2005

pindot

nagkaroon ng kaunting handaan sa amin nung linggo dahil inihandog yung pamangkin ko. sa INC kasi, di binibinyagan ang mga sanggol, inihahandog. kaunting handaan, spaghetti, pansit, ice cream at pinindot! hehehe, siguro, hindi nyo alam kung ano yung pinindot no??? yan, kung pupunta kayo sa batangas, yan ang hanapin nyo kaagaD! masarap yan... nung tanungin nga ako nung tiya ko na nagluto nung pinindot... "ano, ayos ga ang lasa?"... sagot ko... "napakasarap ng pagkapindot nyo... hehehehe!"

anyways, speaking of pinindot, naalala ko tuloy yung instructor ko ng english subject noong college... sabi nya, patutunayan daw nya na mas mayaman sa salita ang tagalog kaysa sa english language. at ito ang kanyang example, ang salitang pindot! sabi nya, ilang salita ang mabubuo mo sa pindot in english, ano ba english nya? press? so mabubuo lang daw salita doon ay pressed, unpress at depressed, tama ba? meron pa ba? e sa pindot? ilan ang mabubuo mong salita... nagpacontest pa sya, paramihan ng mabubuong salita. ewan ko kung ilan ang nabuo ko noon... pero tingnan ko kung makakailan ako ngayon...

1. ipindot
2. ipinindot
3. ipinipindot
4. pindutin
5. nagpindutan
6. nagkapindutan
7. nagpapindot
8. pinindot
9. ipapindot
10. ipapapindot
11. nagpapapindot
12. ipipindot
13. magpapapindot
14. magkapindutan
15. ipinagpapindot
16. pipindutin
17. magpipindutan
18. nagpipindutan
19. pumipindot
20. pampindot
21. pinipindot
22. pinagpipindot
23. pinagpipipindot
24. pinagkapindot-pindot
25. nagkakapindutan
26. ipagpapindot
27. pinindot-pindot
28. magpindutan
29. magkakapindutan
30. magkakapapindutan

yan, naka 30 ako... meron pa siguro kayong nasa isip.. kayo na lang magtuloY! hehehe.

syete!

i was tagged by noemi... kaya eto na po ang sagot ko...

Seven things that scare you:
1. yung mapugutan ng ulo using only a karayom... sakit nuN!
2. tumirik yung kotse ko sa zigzag road dun sa cuenca sa dis-oras ng gabi... wala kayang bahayan dun..
3. kinikilabutan ako kapag nasa itaas ako ng mataas na building
4. magkaroon ng STD... yuck!
5. pagsakay sa eroplano... yup, everytime magtatravel ako, puro panalangin for a good voyage at pagsisisi ng kasalanan ang ginagawa ko, very helpless kasi yung feeling ko na wala akong magagawa kung biglang magcrash yung eroplano.
6. natatakot din akong malugi kaya di agad ako pumapasok sa negosyo
7. yung accidentally, madelete ko yung blog na itO! syet!

Seven things you like the most:
1. blogging... obvious ba?
2. mamintana... i mean.. window shopping... hehehe
3. kumain ng masasarap na pagkain sa kahit anong restaurant
4. watching WWE!!! maghapon yata bukas yung tv sa batangas sa jack tv kapag saturday and sunday!
5. magbasa ng kung anu-anong aklat, kahit nga kindergarten books, binabasa ko kapag walang magawa.
6. makipaglaro sa mga pamangkin ko... feeling nila, mayroon silang kalarong mascot... ehhehe
7. makipagkita kay first lady... malapit na!


Seven important things in your bedroom:

1. unan
2. kumot
3. kama
4. tubig
5. gamot
6. tsinelas
7. pinakaimportante.. arenola... hehehe

Seven random facts about you:
1. ako ay batangenyo, sa isip, sa salita at sa gawa.
2. ako ay single pa.
3. ako ay pangalawang anak, tatlo kaming magkakapatid, puro lalake.
4. ako ay computer engineer.
5. ako ay salutatorian nung elementary sa ilat elementary school out of 50+ students.
6. ako ay valedictorian nung high school sa bauan high school out of 444 students.
7. ako ay dating instructor sa AMA batangas.

Seven things you plan to do before you die:
1. get married.
2. have children at pagtapusin sila sa pag-aaral.
3. establish a stable business.
4. buy a house and lot.
5. bungee jumping!
6. see my grandsons and granddaughters.
7. magsisi sa lahat ng kasalanan bago mamatay.

Seven things you can do:
1. i can sing the chorus of "asereje" kahit walang binabasa! chorus lang ha!
2. i can discuss with you algebra, trigonometry and solid mensuration anytime, anywhere.
3. i can do computer programming... and i can create a virus if i want, pero di ko gagawin!
4. i can troubleshoot computer problems.
5. i can create SMS message without looking at the keypad... syempre kayo din, di ba?
6. i can see stereograms' hidden objects!... hindi ito kaya ng iba...hehehe
7. i can make you laugh... ewan ko.. sabi nila..

Seven things you can't do:
1. i can't swim, kaya kapag lumubog ang barko, goodbye na!
2. i can't sing nicely... take note of nicely, cause everybody can sing but not everybody can sing nicely, di ba? (exemption yung mga pipi ha)
3. i can't fly, obvious naman.
4. i can't last a day without going to toilet... kayo ba? hehehe
5. i can't walk properly. ganyan na talaga lakad ko nung ipanganak ako, ok?
6. i can't kill anyone.
7. i can't sleep with my eyes open... wala na akong maisip eh

Seven things that attract you to the opposite sex:
1. overall facial status... hehehe, sabi nga ni insang nao, mukha pa lang, ulam na... ehehehe
2. magaling maglutO!
3. maalalahanin!
4. has a sense of humoR!
5. her mammary glands... hehehehehe!
6. maganda pa rin kahit walang make-up.
7. can sing nicelY!

Seven things you say the most:
1. "oo"/"hindi" kapag tinatanong ng yes-no question
2. "I see"
3. "hello" kapag sasagot sa phone
4. "ok"
5. "bakit ganun?"
6. "hey"
7. "sabi mo nga!"

Seven celeb crushes (whether local or foreign):
1. Angel Locsin
2. Britney Spears
3. San Chai ng meteor gardeN!!!
4. Sandra Bullock
5. Juris ng MYMP! ganda ng boses nyA!
6. wala na eh.
7. wala na talaga!

Seven people you want to see take this quiz:

kahit sinO! halos lahat kasi, nakapag-sagot na... correction ko lang po, hindi po ito quiz... ok? dahil wala namang tama at maling sagot. hehehe. yun lang!

opinion ko sa bsu

may nagpost sa aking tag board tungkol sa nangyayaring kaguluhan sa Batangas State University (BSU), and being an alumni of that said university, eto ang aking masasabi...

hindi ako pabor sa mga rally-rally. isang malaking pagsasayang ng oras, pagod at laway. there is a proper forum for everything. nagdesisyon na ang ombudsman, hindi pa rin bumaba si de chavez, anong dapat gawin? sigurado namang may mga authority na inatasan ang ombudsman para gawin ang nararapat para umalis na si de chavez sa kanyang pwesto. at sigurado akong hindi mga estudyante at mga aktibista ang inatasan nila para paalisin si de chavez, di ba? it was the Civil Service COmmision! yun ang dapat nating kalampagin, not on the streets, but on the proper forum. syempre, gagawin ni de chavez ang lahat ng dahilan, lahat ng makitang butas, sasamantalahin just to stay in power, right? gawin nating legal ang lahat. i'm not a de chavez supporter, hate ko rin sya... pero daanin natin sa legal na proseso ang pagpapatalsik sa kanya. wag tayong mainip, it's a ticking bomb, naghihintay lang na sumabog. talaga lang usad pagong ang proseso dito sa pinas, pero konting tiis na lang, makakamit din natin ang tagumpaY! dahil dito, i am calling the attention of CSC Chair Karina David!!! come on, do your job!!!

if you think, i'm talking non-sense... i based my opinion here.

yun lang

RX

early this morning, i received a text message from akira posh... "Hi marhgil! Pahiram lng quote mo ha. send ko lng sa top 10 ng RX. Swak eh. hehe". actually, nagising ako sa text nya, hehehe... dahil bagong gising, reply ako... "Gud am.Alin un? D ko nagets,kkgcng ko lng e".... then reply sya... "hehe gud am! ung 'dont think while ur mouth is open'"... so, nagreply naman ako... "ok, go on, gud am. ;)"

"tapos, pagkatapos nun, kaytagal nyang nawala... nagulat na lang ako ng marinig ko ang balita" (taken from buloy ng parokya ni edgar), actually, hindi ko narinig yung RX, bumalik ulit ako sa pagtulog eh. nabasa ko lang ngayon yung entry nya sa blog nya! cooL!!!

first, on InQ7, now on RX-FM... tomorrow... saan naman kaya mababanggit itong laman ng kukote ko... hehehe.

yun lang

best out of office auto replies

note: this is a forwarded e-mail i received today from a friend. i don't know who the author is, hindi ko inaangkin, ok? hehehe


Best Out Of Office Auto Replies

1. I am currently out at a job interview and will reply to you if I fail to get the position. Be prepared for my mood.

2. You are receiving this automatic notification because I am out of the office. If I was in, chances are you wouldn't have received anything at all.

3. I will be unable to delete all the unread, worthless emails you send me until I return from holiday on 4 April. Please be patient and your mail will be deleted in the order it was received.

4. Thank you for your email. Your credit card has been charged 5.99
for the first ten words and 1.99 for each additional word in your
message.

5. The e-mail server is unable to verify your server connection and is unable to deliver this message. Please restart your computer and try sending again.

6. Thank you for your message, which has been added to a queuing system. You are currently in 352nd place, and can expect to receive a reply in approximately 19 weeks.

7. I've run away to join a different circus.

AND, FINALLY, THIS ONE TAKES THE CAKE:

8. I will be out of the office for the next 2 weeks for medical reasons. When I return, please refer to me as 'Margaret' instead of 'Steve'.

half day

half day ako mamaya! august 16 na eh, alas dose ng umaGa! babawi muna ako ng tuloG! time to Go! kinaya naman ng powers ko ang mga problema ng aming kliyenTE! esep esep lang yaN! hehehe

bye!

Monday, August 15, 2005

tito aga

noong saturday, nagpunta sa SM batangas yung kapatid ko at asawa nya... lahat sila nagpunta ng SM, ako lang, si inay at yung katulong ang naiwan sa bahay, at yung bago kong pamangkin. nung maligo yung katulong namin at umalis din si inay, ako lang at yung pamangkin kong 1.5 months old ang natira sa bahay, ako muna daw bahala. Hayun, walang magawa, kinausap ko yung pamangkin ko nang kung anu-ano tungkol sa bagay-bagay sa mundo. ok palang kausap ang sanggol, nakatingin lang, pangiti-ngiti... hehehe, ewan ko ba kung naintindihan nya ako. di naman sya umiyak, sanay kasi syang makakita ng mga cute na tao... hehehe. balak ko pala, pag laki nya, ang tawag nya sa akin "tito aga". hehehehe. tinuruan kong magbilang, ayaw magsalita eh. akala yata, may kaharap syang mascot... hehehe. syempre, nagpicturan din kaming dalawa. eto o!



"ang magtito"




gross jokes

warning... this is a gross joke... kung kumakain ka, pasintabi po, skip this post na lang muna, ok?

isang araw, nabalitaan ng tiyo ko na naconfine sa hospital yung isa kong pinsan. sabi nya... "bakit ba naconfine si nene? ano bang nangyari?", sagot ng tiya ko... "e maghapon na daw laging basag yung dumi."... sabi ng tiyo ko... "sus, yun lang pala ang problema, dinala pa sa doktor, basag lang pala ang dumi eh"... tiya ko.. "bakit, may magaling ka bang gamot dyan?".... tiyo ko... "madali lang naman yun ah, e di ilagay nyo sa plastik yung dumi at ilagay mo sa freezer... tiyak, buo yung dumi nya!"... yuck!!!

ito pa... sabi pa rin ng tiyo kong taga-olongapo... "kung ayaw nyong ilagay sa freezer, meron pa namang magaling na gamot sa LBM."... tiya ko... "ano naman yun?".... tiyo ko... "mais.".... tiya ko..."di ba mas lalala yung LBM kapag kumain ng mais?"... tiyo ko... "ganito yun, pagkatapos kumain ng mais, yung tirang busil... ipasak mo sa pwet... wala nang daraanan yung dumi, ewan ko lang kung saan pa yun lalabas!"

yun lang

song

i like this song...

Broken Sonnet
by Hale

And now I concede
On the night of this fifteenth song
Of melancholy, of melancholy
And now I will admit in this fourth line
That I love you, that I love you.

I donĆ¢€™t care what they say
I donĆ¢€™t care what they do
Ć¢€˜cause tonight IĆ¢€™ll leave my fears behind
Ć¢€˜cause tonight IĆ¢€™ll be right at your side.

Lie down right next to me
Lie down right next to me
And I will never let go
Will never let go.

The clock on the tv says 8:39 pm
ItĆ¢€™s the same, itĆ¢€™s the same
And in this next line
IĆ¢€™ll say it all over again
That I love you, that I love you.

I donĆ¢€™t care what they say
I donĆ¢€™t care what they do
Ć¢€˜cause tonight IĆ¢€™ll leave my fears behind
Ć¢€˜cause tonight IĆ¢€™ll be right at your side.

Lie down right next to me
Lie down right next to me
And I will never let go
Will never let go.

IĆ¢€™ll leave my fears behind
Ć¢€˜cause tonight IĆ¢€™ll be right at your side.

Lie down right next to me
Lie down right next to me
And i will never let go
Will never let go.

But still I see the tears from your eyes
Maybe IĆ¢€™m just not the one for you.


yun lang!

eden muna bago eba

uy, alas sais na, lumipas na naman ang isang araw. apat na araw na lang, weekend na uliT!!! hehehe. pero hindi pa ako umuuwi. andito pa ako sa aming opisina, nagpapalipas ng oras, nagboblog-hopping, at ngayon nga ay nagtatype ng pang post sa aking blog.

"eden muna bago eba."
yan ang kadalasan kong marinig sa aking mga magulang noong ako ay nag-aaral pa. i guess, you already know what it means, kung hindi pa, ay eto po... bago ka raw humanap ng mapapangasawa, iprepare mo muna yung "eden". so, tapusin muna daw ang pag-aaral, have a good job bago mo hanapin si "eba". may punto naman sila doon, di ba? (batangenyo sila eh... hehehe) ewan ko, di pa naman ako nag-aasawa. and it seems that i am following that philosophy. kung pilosopiya nga yan. nung marinig ko kasi yan, nakaisip kaagad ako ng pangontra eh, may pagkapilosopo din kasi ako... obvious ba? eto pangontra ko... sino ba naghanda ng eden? si adan ba o ang dyos? di ba ang dyos? so, ang sa akin, bahala na ang dyos sa eden... hahanapin ko na si eba... hehehe. anyways, nakita ko na sya. ;)

sige, tutulog muna ako. hanggang madaling araw pa ako dito sa opisina. may kailangan kasing isupport na client dahil sa may problema sila, eh hindi daw kaya ng powers nila, kaya humingi na sila ng tulong... sana, makaya ng powers ko!

yun lang.

business at si lola

good morning! lunes na naman, back to work. pero bago ako magtrabaho, blog muna... hehehe.

business update ulit... tsk tsk tsk, kailangan kong mag-invest ng mas malaking puhunan. e-load and auto-load are selling like hotcakes! dalawa pa lang yung retailer ko doon sa barangay namin, sa bahay lang sila, nakadisplay lang yung poster sa labas. bumili sila ng 500 load each sa akin on saturday morning, nung gabi, ubos na kaagad yung isa, nagpaload ulit ng 500 sa akin.doon sa isa, nung sunday morning, nagpaload na ulit ng 500. siguro, mamayang hapon, tatawag na naman yung mga yun, papaload na naman. ang dami kasing may cellphone, sa halip na pupunta pa sila sa bayan para magpaload e dun na lang sa kanila. naging collector ko ng bayad ang inay ko, sabi ko, sa kanya magbabayad, tapos itext nya sa akin, papasahan ko ng load, every weekend ko naman kokolektahin. actually, mahina pa nga yung 500 per day, kung may pwesto sa palengke, mahina siguro ang 5000 per day... yun kasing isa dyan, nakakaubos ng 20,000 load per day, sa bahay lang yun sa kanilang subdivision. mabenta rin kasi yung game cards!

so far, may tatlo pa akong retailer na pending, next week ko pa iaactivate, pero nagconfirm na sila. dalawa from lipa, yung isa, sa mabini, batangas. sana, tuloy tuloy na itO! yung gusto pang magretailer, pwede pA!

tama na ang usapang business. walang bago... drain ang kukote ko ngayon, puro business ang nasa isip eh, masyadong excited.... ah, sandali, ito pala, narinig kong sinabi ng lola ko nung saturday...

"ang swerte naman nung batang nanalo sa wawi wawi." tawa nang tawa ang inay ko, tinutukoy kasi ng lola ko, yung nanalo sa wowowee!

eto pa... "yung si mylene daw, hindi na tutuloy ng college, magpapantasya na lamang." ano yun? yun pala, ang tinutukoy ng lola ko, magNANATASIA. yung Natasia... yung nagtitinda ng mga sapatos... etc.

tama na. ang saya talaga kapag kausap mo ang lola ko... hehehe.

Saturday, August 13, 2005

business, banggaan, recycled

business update... may dalawa na akong retailer dito sa batangas, so far, so good, isang araw lang, ubos na kagad ang isang libo ko.. tsk tsk tsk. i'm still open for retailer application.

banggaan update... ayoko nang pag-usapan to!

my recycled thought for the day na ikinasakit ng tyan ng kachat kong si ate ethel.... "Don't think while your mouth is open." bakit? para hindi ka magmukhang tanga. subukan mong humarap sa salamin, mag-isip ka ng malalim nang nakanganga.. kahit anong gwapo or gwapa mo, magmumukha kang tangA! sinubukan ko ngang picturan sarili ko, mukha talagang tangA... kaya di ko na ipopost, just imagine... hehehehe. yun lang.

banggaan na naman!

andito na ako sa batangas, wala sana akong balak magblog ngayon, kaso, hindi ko ito pwedeng palampasin. tsk tsk... hinahabol yata ng mga "mambabangga" ang pamilya namin. kakatapos ko lang mapaayos yung kotse ko, di ba?? kanina, pagdating ko dito, after 15 minutes, nakarinig ako ng kalabog sa may tapat ng bahay namin. paglabas ko, yung pajero ng kuya ko, isang kambyo na lang at nasa garahe na sana, nabangga ng tricyle! ang may drive ay yung kapatid kong bunso, wala namang nadisgrasya, yun nga lang, may ipapagawa yung nakabangga. bingot yung pinto sa tabi ng driver, basag yung side mirror. ito pa ang siste... yung tricycle driver, nagmatigas pa, hindi raw sya ang may kasalanan, bigla raw kumaliwa yung kapatid ko kaya nabangga nyA! yun, kaya sa halip na magkaayusan na sa baranggay, tumawag pa ng pulis, pagdating ng pulis, natural, sya yung bumangga, natiketan pa syA! at syempre, sya talaga yung sasagot ng gastOS! ayun, kaya bukas, sa halip na pahinga muna yung kotse ko, si kuya muna daw ang gagamit papunta sa work nya, hindi nya kasi pwedeng gamitin yung pajero dahil basag nga yung side mirroR.

yung banggaan lessons kO, ang kapatid ko pa yata ang naging unang estudyante! hehehe. syempre, para maganda, may picture, kaya heto, sinubukan kong kumuha ng picture panglagay sa bloG! ang labo, wala kasing flash itong cellphone ko eh! hehehehe.




"pajero vs tricycle"



Friday, August 12, 2005

links

listahan ulit ng mga links na nabisita ko kaninA.

1. IQ Test daw... ang result sa akin, nung ipanganak daw ako, naibagsak ako nung doktor... wahahahaha.

2. Icon story... nag-away-away ang mga icon sa desktop.. tsk tsk tsk.

3. funny action movie part 1.

4. ito yung part 2. to be continued pa rin, di ko makita yung kasunoD!!!

yun lang... uwi na akO sa batangaS!!! happY weekeND!!! sa lahat ng bumati ng happy birthday, maraming salamatZ!!! advanceD happY birthdAY din sa inyong lahat!!! kung kelan man yung birthdaY nyO!!

yun lang. byez!!

gusto mo bang maging retailer?

now, i am officially a dealer of Prepaid Pinoy! ano ba naman itong Prepaid Pinoy? to those of you na hindi pa alam ito at gustong magbusiness ng konti, come on, read on...

i'll quote this from the retailer's manual na ibibigay ko sa inyo kung magreretailer kayo sa akiN!

Prepaid Pinoy

The newest, safest, and most convenient way to sell prepaid cards using your mobile phone.
  • Get bigger discounts.
  • Sell different kinds of prepaid loads, game cards, call cards and Internet cards.
  • No registration fee, no monthly charges.
  • Environment-friendly. No more plastic cards.
ok, ako na ulit. tama na ang quote. so, paano itO? ganito po yun, ibibigay ko na sa inyo ang impormasyon, kung gusto nyong maging retailer ko, yan, kita nyo kung online ako, chat nyo na lang ako, ok? or send me an email at marhgil@yahoo.com.

ok, ituloy ko na. kung gusto mong magbenta ng prepaid cards, ito ang buong listahan...

E-load and Autoload
  • Smart E-load
  • Globe Autoload
  • Touch Mobile
  • Talk n' Text
  • Sun Express Load
Prepaid Card and Text Card
  • Globe Prepaid
  • Smart Buddy
  • Touch Mobile
  • Talk n' Text
  • SunCell Prepaid
  • SunCell 24/7 Call and Text Unlimited
  • SunCell 24/7 Text Unlimited
  • Budget Card
  • Touch Card
  • Telesulit
  • Teletipid
  • Hello
  • Digicard
  • Globelines
  • Bayantel
  • Smartlink
Game Cards / Internet Cards
  • Ragnarok
  • MU
  • Khan
  • Gun Bound
  • Tantra
  • PLDT Vibe
  • Blast
  • ISP Bonanza
  • Infocom Warpspeed
  • Maxx
  • Priston Tale
  • Dream Satellite



lahat ng yan, pwede nyong ibenta using a little puhunan and your existing cellphone!!! paano? kung magiging retailer kita, syempre, sa akin ka kukuha ng pambenta. paano? bibili ka sa akin ng generic load. syempre, bayad muna bago baba. i mean, bayad muna bago kita bigyan ng generic load. kapag may generic load ka na, let us say... bumili ka sa akin ng P500 na generic load, yang load na yan, mapapaload sa cellphone mo. tapos, pwede ka nang magbenta. bibigyan kita ng retailer's manual at rate table para makita mo kung magkano kikitain mo. ganito yun... ipapaskil mo sa tapat ng bahay nyo yung poster na ibibigay ko! tapos, pag may gustong magpaload, example, 30 pesos na e-load, smart, kahit globe pa yang SIM card mo, pede yun. may itetext ka lang doon sa system, mapapasahan na ng load yung bumibili. syempre, kakaltasin yun sa load mo. may rate table nga tayo, just to give you a hint, sa smart e-load na 30 pesos, mababawasan lang ng 26 pesos yung load mo, kita ka na kaagad ng 4 pesos. kung yung cards naman like telesulit ang bibilhin nila, ganun din! mababawasan yung load mo, kikita ka, marereceive naman nung bumibili yung PIN number nya sa cellphone nyA! wala kang card na ibibigay. gets nyo BA? basta yun na yuN. ok lang sa akin kung sa ibang dealer kayo kumuha, pero kung sa akin kayo kukuha, mas masaya. i just like to pass the information na meron nang ganitong sistema. hindi mo na kailangang bumili pa ng SIM ng globe at SIM ng smart para makapagbenta ng e-load. dito, yung existing SIM mo na ang gagamitin natin, at lahat ng nakalista sa itaas, pede mo nang ibentA!!! maliwanAG??? kung malabo, yan, chat na lang tayO sa break time ko, after 6:00 PM. Monday to FridaY. oK??? minimum retailer load para gawin kong retailer, P500. siguro, kikita ka dyan ng maximum P100, depende kung anong card yung mabebenta mo. 20% kasi yung nakita kong pinakamalaking tubo. kung laging yun ang mabebenta mo, 20% yung kita mo? tama gA? i'm computing on the best case scenariO. tama na... mahaba na ito, chat na lang tayO! seryoso to ha, kahit ganyan mukha ko, seryoso akO. hehehe

UPDATE (08/03/2006) : The minimum generic load for a retailer is Php 1000. Medyo lugi pa kasi ako sa pagod kung 500 lang ang minimum.

berdeng usapan

warning: if you are offended by green jokes... skip this post, ok?


heard this from our janitor... hindi na daw nya kailangan ang viagra... diatabs lang, ok na. bakit? yung ebs nga daw, kaya nung patigasin eh, "yun" pa kaya... tsk tsk tsk.

nagkakaberdehan din lamang ang usapan, kung wala kayong magawa, laruin nyo itO! hanggang ngayon, di ko pa matapos, lagi akong busteD! tnx to francis for the linK. ;)

yun Lang.

libiS

kagabi, ano pa ba, e dahil birthday ko, gumala lang naman kami ng mga kasama ko sa bahay. kahit ang lakas ng ulan, hindi nila napigil na hindi kami gumimik dahil birthdaY kO!!! saan naman kami nakaratinG? from makati, nagdrive kami patungO doon sa libis... and as usual, medyo naligaw kami ng konti. sabi kasi nila, kanan ka pagdating ng ortigAS, kaso, sa dami ng sasakyaN at hindi ko nga kabisadO yung lugar, kahit kumanaN na ako e umakyat pa rin sa flyover yung kotSE! sabi nga ng isang pelikula..."Kumanan ka ngunit kulang!" may pelikula nga bang ganuN??? hehehe. yun, dahil nakalampaS, doon na lang kami sa green meadowS kumanan, alam daw ni allan kung saan ang daaN. alam nga ba? pagpasok namin dun, nagkandaligaw-ligaw na naman kami. ayos pala yung ganung tripping... ang lakas ng ulaN tapos naliligaW kaYo... hehehe. kakaikot at kakapasok kung saan saang kalyE, nakarating din naman kami, kahit No U Turn, nag-U-turn na ako doon sa isang kalYE, wala namang nag-abalang humuli dahil nga malakas ang uLAn!

pagdating dun, kumain lang sa kenny rogers. nagpakabusOG... tapos, nagbilliard ng ilang oras. tapos nauwi na at around 1:00AM. ito pala yung picture namin sa kenny rogers, salamat sa waiter na part-time photographer na hindi ko natandaan yung pangalaN. from left to right... leoncio, ako, allan at ron.




"the gwapings and mE!"



post na walang title

the thought of searching for a new boss is still lurking in my mind. pero nagtatatlong isip pa rin ako... hhhmmm. medyo may phobia pa rin kasi ako sa pag-aaply dito sa manila, though it was already 3 years ago, after teaching at AMA batangas for 1 year, i decided to resigN to look for a greener pasture dito nga sa manila. i thought it would be easy, but it took 5 months bago may nakaisip na kumuha sa akin. ewan ko, ganun lang talaga kababa yung tingin ng mga tao sa mga probinsyano. ito ang resume na isinasubmit ko 3 years ago... pero isa lang ang nagkainteres subukan ako after 5 months. pasado ako sa lahat ng exams nila, pero after preliminary interview, wala nang tawag. ewan ko ba. i just recently found out na one of the reasons kaya i failed on interviews is because of my accent! kahit daw english ay may punto yung pagsasalita ko... tsk tsk tsk. e anong magagawa kO??? e batangenyo ako, sa isip, sa salita at sa gawa eh. hanggang kasuluk-sulukan ng aking singit e may bakas ng pagkabatangenyo yan eh! hehehe.

pero ok lang, that was 3 years ago. ngayon, ok na ako dito sa makati. kung dati, ako ang iniinterview, ngayon, ako ang nag-iinterview... kahit medyo pinagpapawisan daw ako kapag maganda yung interviewee.. hehehe. talagang dito sa buhay, kailangan mo lang ng breaK! at muli, gusto kong pasalamatan ang taong nagbigay ng breaK sa akiN para makapasok dito sa masalimuot na mundO ng IT. salamat ma'am alonA!

tama na. naiiyak na ako dito, tumutulo na sipon ng katabi ko. ehehehe!

Thursday, August 11, 2005

birthday gift



ganda naman ng birthday gift sa akiN!!!! im featured on INQ7's You BLog addiCT!!!! check it out here...

joey alarilla, thank you very much!

twenty six

The year... 1979; The month... August; The day... 11th day, Saturday; The time... 4:30 A.M.; The place... Batangas Regional Hospital, Batangas City; An important event in the history of the blogosphere happened... I WAS BORN! hehehe! kung hindi nangyari yun, wala kayong mababasa ngayon, di ba?

i would like to thank God for bringing me in to this world. Thanks for the continuous supply of oxygen, mahal ng oxygen tank, di ba? binibigay Nya sa akin, libre lang for 26 years! salamat PO! salamat sa lahat-lahat! thanks for all the blessings, thanks for the guidance, thanks thanks thanks.

at sa lahat ng makakabasa nito, ang hindi bumati, pangiT! hehehe.

Wednesday, August 10, 2005

sana



sana, during my lifetime, makabili ako nito, yung hidden object ang tinutukoy ko. wala lang, kelan kaya ako makakabili nyan? tsk tsk tsk.

mga link

nakita ko lang kanina sa kakagala dito sa internet...

1. the perfect joke.
2. what google thinks of you?.
3. road safety advertisement
4. kaya nyo to?
5. according to laughlab, this is the funniest joke. pero sa totoo lang, hindi ako natawa. hehehe

yan na lang munA!

nagselos si misis

nagtext si future misis nung isang gabi....gud pm. kumusta na ikaw?

nagreply ako.... eto, ok lang.

nagreply sya.... ang igsi naman ng reply. buti pa yung blog mo, ang dami mong kwento!

pati ba naman blog ko, pagselosan? hehehe.

syempre, reply ako... kaya ko naman sinusulat yun, para mabasa mo. lav u

yung kasunod na texts... secret na... hehehe.

bastos daw

sa yahoo messenger, binati ko ang isang blogger na online, babae sya ;) ito usapan namin.

ako : heLLO! kumustaza
sya : hi! i'm gud. tnx for askin!
sya : kaw?
ako : eto, ok lang din
ako: bumati lang ;)
sya :
sya : bastos!
sya : :)
ako : kaw ha...
ako : :)
sya : jok lang! kaw jan eh! heheh
ako : hehehe, maipost nga ito sa blog ko! :)

yun lang! eto sis, nakapost na! hohohoho!!!

my life plan

isang tulog na lanG at madaragdagan na naman ng isang taon ang aking edad. doble-trese na ang edad ko bukas! beinte-sais. twenty-six. tsk tsk tsk. 4 years na lang, pede na akong lumagay sa magulo... hehehe.

ganito kasi yung plano ko sa buhay....

first 10 years = kabataang walang pakialam sa mundo (100% done)
next 10 years = teenage life, seryoso sa pag-aaral (100% done)
next 10 years = seryoso sa trabaho, magpapayaman muna, hanap na rin ng makakasama on my next stage of life (60% done)
next 10 years onwards = married life (0% done)
kapag nakagraduate na yung mga anak ko... pede na akong mamatay habang natutulog. hehehe.

yun lang

Tuesday, August 09, 2005

kamukako



nabasa ko yung post ni migraineman, at sinubukan ko riN! grabe, ngayon ko lang nalaman, kamukha ko pala si keanu! gandang lalake naman ni keanu! kamukako daW! hohohoho!

usapang tawa

iba't ibang tawa na naencounter ko sa internet...

1. hahahahaha (halos lahat, gumagamit nito)
2. hehehehehe (yan ang gamit ko)
3. hihihihi (most of the girls)
4. ahihihi (most of the girls)
5. nyahahahaha (si benjo lang nakita kong gamit nito)
6. lol (halos lahat, gumagamit)
7. wahahaha (lahat din, gumagamit)
8. harharhar! (lahat din yata, gumagamit nito)
9. ajehjeh (si naomi)
10. hohohohoho (di ko pa ito naencounter actually, gusto kong gamitin, magkasing laki naman kasi kami ni santa claus.. hohohoho!)

yun lang

hohohoho!!!

chat with benjo

benjo : deh
benjo : oi ganda template mo di na pala kita kelangan gawan ng header eh.. ok na ung mukha mo.. hahaha napapabilis ang pag scroll down ko sa blog mo hahaha
marhgil: hahaha
marhgil: blis magload no?
benjo : oo hhehee binababa ko agad eh hahaha nakakatawa kasi tingnan ung mukha mo parang nangungutya haha
marhgil: hahaha

solo car concert

kahapon, dumaan din pala ako sa toyota batangas bago ako umuwi, hindi kasi nagpeplay yung CD player ko, ilang months pa lang, namalat na, ayaw ng tumugtog kahit anong klaseng CD ang isubo ko sa kanya, iniluluwa lang nya. so, tyaga lang ako sa fm stations, "kailangan pa bang imemorize yan". pagdating ko sa toyota, sinabi ko yung problem, chineck nila, tapos, sabi sa akin... "sir, kailangan nating ipull-out yan, ipapadala namin sa supplier, sa saturday nyo na balikan." so, pumayag naman ako, wala naman akong babayaran dahil under warranty pa yun. umuwi akong wala na yung cd player ko, kahit fm station, wala na rin, yung buong unit ang inalis nila eh. kaya nung lumuwas ako ng manila kagabi... para akong tangang nagconcert sa kotse ko. hirap pala magdrive ng ganun... 2 hours na wala man lang akong kausap, wala ding naririnig na music, ang tahimik, grabe, nakabibinging katahimikan! yun, kaya naisipan kong ako na lang ang kumanta... hehehe. "ako ang hari ng sablay... ako ang hari!!!!" driving while singing... hehehe. buti na lang at ako lang nakakarinig sa sarili ko.

caption

nagpunta nga rin ako kahapon sa AMA batangas para dumalaw since malapit lang naman yun sa LTO. pagdating doon, nakameet ko yung mga dati kong kasamahan, nagrequest ako ng picture, sabi ko, panglagay sa blog. nagbabasa din kasi sila ng blog na ito paminsan minsan kung wala silang magawa. yung katabi ko, si ma'am lulu, tapos yung katabi ni ma'am lulu, si ma'am mamel. request nila, lagyan ko daw ng magandang caption itong picture.yan, nilagyan ko na, ok ba?




"Birds of the same sizes flock together!"





driver's license renewal

warning: this is a long post, kung marami kang gagawin, mamaya mo na lang basahin, ok? hehehe

sunday night, nagset ako ng alarm clock sa cellphone ko ng 6:00AM, im planning to leave at 7:00AM para nga magpunta sa LTO... kinabukasan... nag-alarm ng 6:00AM... nagising ako, tapos press ko yung snooze, tulog ulit... after 5 minutes, nag-alarm ulit.. snooze ulit... alarm ulit... snooze ulit... hanggang finally bumangon ako ng 6:45 ng sinisigawan na ako ng inay.. "Gumising ka, punta ka pa ng LTO, di ba?"... yun bumangon na ako, wala namang pedeng pinduting snooze sa mother ko e... ehehehe.

dahil nga medyo late nagising, nakaalis ako ng bahay, 7:45 na yata, basta dumating ako ng LTO, around 8:45 na, isang oras ang byahe, napadaan kasi ako sa dating daan, sobra pa ring traffic. pagdating ko sa LTO, diretso kaagad ako sa loob, sabi ko doon sa babaeng nakita ko sa loob, magpaparenew ako ng license, binigyan nya ako ng form, tapos sabi nya, "akyat ka sa taas, fill-upan mo yan, after mo fill-upan, kuha ka ng drug test at medical sa labas, pag kumpleto na yun, balik ka dito".

so nagfill-up ako, tapos baba ako, labas, hanap kung saan magpapdrug test. tapos nakita ko, merong sign board doon sa isang sulok... "Resibo ng MEDICAL"... punta ako doon, "dito ba nagpapamedical at drug test?", sabi sa akin, "bayad ka dito, bigyan ka namin ng resibo, tapos punta ka doon sa clinic. pakita mo lang yang resibo, ok na yun. sila na bahala sa iyo". nagbayad ako, P250 sa drug test, P50 sa medical, magkahiwalay na resibo, magkaibang clinic.

una kong pinuntahan yung sa drug test. pagdating ko doon, may dalawang babaeng nakacivilian, tigisa ng table. kinuha nung isang babae yung papers ko. tapos nag-fill-up ng form... tapos kung ano-ano pinapirmahan sa akin. after kong pumirma, sabi sa akin "sir,kuhanan ka namin ng ihi", e hindi ako naiihi ng time na yun, sabi ko "gano ba karami?" ipinakita sa akin yung bote... 60 mL daw yun, sabi sa akin, "puno nito", e hindi pa nga ako naiihi, sabi ko, "miss, punta muna ako doon sa medical, balik na lang ako dito, hindi pa ako naiihi eh, baka di ko yan mapuno." pumayag naman sya.

pag-alis ko, bumili muna akong mineral water. uminom ng marami, para nga maihi ako. tapos, hinanap ko yung clinic for medical exam. madali ko namang nakita. pagdating doon, ang haba ng pila, mga 7 persons na yung nauna sa akin. akala ko, magtatagal ako. yun pala, madali lang. pagpasok ko sa loob, nakacivilian na naman yung tao dun, dalawang babae. pansin ko lang, bakit may camera, pangpicture ba? kinuha nila yung papers ko, nagfill-up ulit sila ng form. tapos, kinuha yung timbang ko.. 89kg... bigat ko pala. tapos, height.. 170cms... tapos, eye test daw.. pinatakpan yung isa kong mata, at pinabasa, well, ok pa naman yung mga mata ko, so perfect, nabasa ko lahat. after that, tinanong nila ako... "may picture ka? kailangan namin ng picture for filing, kung wala, pede rin dito magpapicture." (yun pala yung gamit nung camera...part time photographer din pala ang mga ito, hehehe ). sinilip ko yung wallet ko, meron pa akong passport sized picture, tira nung ginamit ko sa pagpunta sa saudi... so sabi ko, "meron po. pede na ba yan" sabay abot ng picture. pede na raw,inabot sa akin yung papers ko at yung form na finill-upan nila. pirmado na nung doctor na wala naman doon, may nakalagay na remarks "Fit to drive".

bumalik ako sa clinic nung nagpapadrug test. sabi ko doon sa babae, "pede na, mapupuno ko na yan." hehehe. so binigay nya sa akin yung bote, tapos sinamahan ako sa cr. pagdating sa cr, nung isasara ko na yung pinto, sabi sa kin nung babae.. "di pwedeng isara yang pinto, dito lang ako sa likod." (isip ko... hmmm, kaw ha, may pagnanasa ka sa akin ha hehehehe). hirap kaya nun, iihi ka na may babae sa likod mo na hindi mo naman kaano-ano. di bale kung nurse sya at nakauniporme, iba pa rin yung feeling, pero kapag ganyang nakacivilian nakabantay sa likod mo, tsk, tsk, tsk... weird ang feeling. walang choice eh, di naman nya sinilip, nakabantay lang sya sa likod... siguro, iniiwasan lang na may mandaya, yung iba kasi, nagbabaon ng ihi ng iba para makalusot sa drug test. anyways, napuno ko rin yung bote, sobra pa nga! hehehe. tapos, binigay ko na sa babae. after around 5 minutes, lumabas na yung results, negative. natural, hindi naman ako addict no? hindi pala doon nakikita kung addict ka sa pagbblog... hehehehe.

bumalik ako sa LTO para isubmit lahat ng papers. that's around 9:30 na. pagkasubmit ko, sabi sa akin, "upo ka muna sa labas, tatawagin ka na lang namin". lumabas ako, siguro, around 30 persons na yung nasa labas na naghihintay matawag yung pangalan nila. natawag yung pangalan after more than 1 hour, tapos pinicturan lang ako, tapos, sabi sa akin, "tatawagan ka na lang ulit namin". hintay na naman ako... natawag pangalan ko after siguro 30 minutes. cashier na, nagbayad ako P233. pagkabayad, sabi sa akin, "tatawagan ka na lang ulit". hhhmmm.. after siguro 30 minutes ulit, natawag na pangalan ko. pinapasok ako sa loob, diretso doon sa head ng LTO, nagpapirma ng papel, tapos, pinaakyat ako sa 2nd floor, picture taking at signature taking ulit. tapos ibinigay na sa akin yung temporary driver's license, sabi sa akin... "pede ka nang umuwi, pero kung gusto mong maghintay, makukuha mo na yung license card mo after 30 minutes dyan sa baba". bumaba ako, i decided to wait na lang, 30 minutes na lang naman pala. kaso, inabot ako ng alas dose sa kakahintay, di pa dumarating yung card ko. tapos sabi ng taga LTO, "break muna kami, balik kayo ng ala-una."

ang ginawa ko, umalis ako, nagpunta sa AMA batangas, andun kasi yung isa kong friend, at syempre, dati rin akong taga roon, bumisita syempre. andun pa naman mga kakilala ko. kilala pa nga ako nung dyanitor doon. gumala muna kami nung friend ko, nagpunta kami SM batangas at doon kumain.

bumalik ako ng LTO ng alas tres. siguro naman, andun na yung card ko. andun na nga, nakuha ko na, tinatakan yung temporary license ko. tapos nun, umuwi na ako.

well, kahit papaano, may improvement din naman sa LTO batangas. yung id card na dati ay after 6 months mo pa makukuha, makukuha mo na ngayon within the day. kailangan lang nilang magdagdag ng tao... isa lang yung nagpipicture, isa lang yung cashier, kaya ang tagal bago matawag nung pangalan.

yan, tapos na!

Sunday, August 07, 2005

lisensya, desktop pc, rice

bukas, absent na naman ako... kailangan ko na kasing magrenew ng driver's license, mageexpire na kasi sa thursday. dito na ako sa batangas magrerenew, at least, di kasing dami ng nag-aaply sa manila. i prepared 1K pesos, kasya na kaya yuN? siguro namaN.

last Saturday, i went to festival mall doon sa alabang, nakipagkita ako sa pinsan kong bibili daw ng desktop pc, nagpasama sa akin dahil baka daw sya ay maloko... ganun na pala sila magbenta ng pc ngayon, wala nang kasamang OS... mahigpit na daw kasi ang gobyerno. after testing, nireformat nila yung harddisk. nakakapagtaka lang, yung mismong katabi nila, tindahan ng pirated CDs, may tinda din silang pirated OS... hehehe.

after makabili, nilibre nya ako sa shakey's. ang tanong niya sa akin habang naghihintay ng inorder nyang pizza "malakas ka bang kumain ng rice?", sabi ko... "konti lang ako sa rice... 1 cup lang"... sya... "i see", ako... "1 cup lang natitira sa kaldero pag nakakain na ako... hehehehe".

yun lang