Wednesday, August 31, 2005

isang gabi kasama si benjo

kagabi ay nagpunta dito sa office si benjo, namiss nya nga kasi kami. hehehe. sabi nya, kain daw kami, sagot nya ang kalahati. ang sabi ko naman, "ok yan, lahat ng oorderin ko, kalahati lang, para ikaw magbabayad!" hehehe. natuloy yung aming food trip, lapit lang dito sa office, dun lang sa Tokyo Tokyo sa People Support na building, dine lang sa may kanto ng ayala at buendia. nilakad na lang namin...

sa aming kwentuhan, ewan ko kung bakit naibrought-up ni benjo yung tungkol sa coitus. ang status daw kasi nya nung isang araw sa yahoo messenger... coitus, e nakita daw sya ng kanyang ate na online din. curious, chineck ko sa dictionary sa cellphone ko kung ano meaning ng salitang yun. at natawa na lang ako, kwento pa nya, kaya daw nya nalaman yung term na yun, may ka textmate ata sya o ka chat na ang tawag sa kanya... "coitus boy", ok lang naman sa kanya, cool pakinggan eh, nung tingnan nya sa dictionary, e ganun pala ang ibig sabihin... kung di nyo alam, yan, may google search naman, check nyo na lang kung anong ibig sahihin.. hehehe.

nadagdagan na naman ang vocabulary ko, tapos may idinagdag pa si francis... fellatio at cunnilingus. Hi tech talaga itong dictionary sa cp ko, kumpleto eh, andun din ang definition, kayo na lang din magsearch... hehehe. as i browse through the dictionary, may nakita pa akong magandang term, na ang comment pa ni benjo... parang mala-harry potter ang dating! parang kamag-anak nung spell na "petrificus totalus" sa harry potter. ano yun? eto... coitus interruptus!. kayo na lang din magsearch kung ano yan... hehehehe.

pagkatapos mag food trip na sinagot lahat ni benjo ang bayad, natripan pa naming magpunta sa giligans to have some drinks, since coding ako, wala akong dalang kotse, wala akong pang-alibi... hehehe. hayun, medyo nakainom ng marami at tinamaan ng konti. sabi ni benjo... dapat, dalawa ang blog mo! isang "marhgil's kukote" at isang "marhgil's kukote kapag lasing." ang kulit ko daw kasi. ewan ko, makulit nga ba ako?? di naman ah.

yun lang, sige, magtrabaho muna ako.

5 comments:

kaluskos group said...

hehehehe!!! coitus??? it means "SEX" on medical terms. Kahit tanong mo pa ke Darlene! =)

BTW insan, na ano mo na ba yung ano

lukin4gf said...

tama siya.. dapat nga dalawa blog mo ahehehehe..

Debbie said...

tumpak c nao! hehe :) yung 2 pang words na binanggit mejo censored na e...

:)

patLents said...

lagi po kaming kumakain sa people support a... heheh... baka nagkikita na po tayo.. hehe...

*no comment na muna...* :)

Anonymous said...

|.X"Isang gabi kasama si Benjo".Post comment on:Busby SEO Challenge;]"Welcome,everybodies secret nests""2Partner ko si Mr.Banjo"ieie said:)/=*.|