This is Marhgil Macuha's blog before he got his own self-hosted blog. He occassionally posts here, kapag natitripan. :)
Thursday, August 25, 2005
patext text lang
ewan ko ba, kakaiba talaga itong business na napasok ko. maganda ang kita ng mga retailers, ako, konti pa lang, konti pa kasi sila. nagpunta ako kanina sa smart wireless center para mag-apply ng smart money card. ganun na kasi ang balak kong gawin, patext text lang, tumatakbo na yung business ko. paano? oorder sila sa akin ng prepaid credits, magbabayad sila through my smart money account, so makakarecv ako ng text na nagbayad na sila. ako naman, idedeliver ko yung "product" na inorder nila, yung reload credits, magtetext lang din ako... hehehe. itong cellphone ko, pinagkakitaan ko na. hehehe. smart money to smart money, isang text lang, marereceive ko na yung bayad. isang text ko lang din, marereceive na nila yung load... di ba ang cool! wala akong problema sa delivery ng products, wala akong pinapasweldong tao, kaya ko pa namang magtext. puro money transfer lang at load credits yung imiikot over the wireless network. that's the advantage of the technology today... puhunan ko lang, laway sa pagpapaliwanag at konting effort sa pagpindot-pindot sa cellphone... ehehehe. after 2 weeks, i already have 15 retailers...gandang business no? yan nga pala si francis, isa kong retailer, basahin nyo na lang yung masasabi nya dito. (may testimonial pa! hehehe)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment