Tuesday, August 02, 2005

ang gauge

hindi ko pa pala naikekwento ito dito, pero lumang kwento na ito sa mga opismeyts ko... totoo itong nangyari noong ikasal yung kapatid ko last march. ganito kasi yun...

yung tiyo kong nasa olongapo, umuwi rin syempre...basta may special occasion, umuuwi sila. ito ang nangyari, humiram sya ng owner-type jeep sa kakilala nya. nung makuha na nya yung sasakyan, nakita nya doon sa gasoline gauge, full tank! so, naisip nya... "hmmm, finulltank nya, para pag isinoli ko, full tank din." so, yun na nga, magkakasama noon, yung tiyo ko, anak nya, at yung tiya ko pa na kapatid nya. byahe sila papuntang batangas... syempre, from olongapo, daan sila sa north luzon expressway... napansin ng tiyo ko, hindi bumababa yung gauge nung gasolina... isip daw nya "aba, ayos ito, matipid sa gasolina!".. hehehe. medyo malayo na yung naabot nila ng biglang tumirik yung sasakyan, naubusan na sila ng gasolina! ang nangyari, nagtulak yung tiyo ko at anak nya habang yung tiya ko ang nagdadrive, naka tatlong kilometro din yata sila ng kakatulak bago may tumulong sa kanila na ibili sila ng gasolina... bakit nagkaganun? sira kasi yung gauge! laging full yung reading nya! hehehe

lesson: kung hihiram kayo ng sasakyan, make sure na totoong gumagana yung gauge, ok?

4 comments:

Anonymous said...

dre! ha ha ha! ayus tong entry mu. nakakawala ng ulirat este ng problema.

Ronald Allan said...

hahahaha....dati may owner din kami, ang fuel gauge niya tubo na pinapasok sa tangke, tapos tignan kung hanggang saan ang basa. hahahaha :-) Nice post pre.

Ka Uro said...

di ba ang gauge ng mga jeep patpat o stick na nilulubog sa tangke? bihira yata ang jeep na may umaandar na fuel gauge.

Nick Ballesteros said...

buti na lang may tumulong at kung hindi, ang ending ng kwentong ito ay di nakakatuwa. So meron pa rin talagang good samaritans?