ito ang mga application na nakainstall sa cellphone ko. wala lang, gusto ko lang malaman nyo, may angal? hehehe
call cheater - para iba yung background noise ko kapag kausap nyo ako... pwedeng bumabagyo, matraffic, may madaldal na katabi..etc...
answering machine - when activated, sasagutin nya yung tawag nyo at irerecord yung message nyo, isasave sa memory ng cellphone ko
full screen caller - kapag tumatawag ka, yung picture mo, naka full screen sa cellphone ko
camcoder pro - ang default recording time kasi ng built-in video cam ng cellphone ko ay 10 seconds lang, using this one, the limit depends on the memory capacity na lang
MP3 Player - obviously, pangplay ng Mp3 files ko
Hairstyle mobile - kung gusto kong pagtripan yung mga buhok nyo sa picture, pwede kong paglaruan dito
NES emulator - para kung wala akong magawa, makapaglaro ako ng nintendo games like supermario 1 2 3, battle city, pacman, mappy etc.. maganda ito, pwedeng 2 player via blutut
Dictionary - kapag hindi ko maintindihan yung english mo, pede ko silipin dito kung ano ba talaga kuya... hehehe
Chess Genius - ang chess na hanggang ngayon, hindi ko pa matalo-talo... ginagamit ko ito nung nasa kuwait ako habang kalaban yung ibang tao sa yahoo chess, hindi sila manalo sa akin... hehehehe
3D Pet Fish - ang aking alagang isda, parang tamagotchi. problema lang, hindi ko sya pwedeng iprito kung wala na akong makain... hehehe
Mosquito Game - ang larong magmumukha kang tanga sa kakahabol sa lamok using your camera. cool sya!
syempre, may mga MP3 files ako dito at konting video files... yung MP3 files, mga kanta syempre, video files... e di video ng kung ano ano at kung sino sino na kung ano ano ang ginagawa... hehehe
nagtataka lang ako kung bakit hanggang ngayon, hindi pa nila naiimbento yung cellphone na makakapanood ka na rin ng tv on-air. wala pa nga ba nun? or huli na ako sa balita? yun ang inaabangan ko eh, kapag lumabas na yun, papaltan ko na itong cellphone ko.
4 comments:
wow! high tech!
buti ka pa, marghil, you have that kind of phone. not that i am jealous but i am the type who believes that with that kind of cel phone, e, mangangatog ako sa takot palagi. mainit kasi sa mata ang mga cel phone na maganda. kaya ako, very simple lang ang cel phone ko, and i dont plant to replace it cuz it still serves its purpose.
thanks sa pagdaan at pagbasa. 'appreciate it!
3310 lang saken... waaa..
hi bing! nasa tao naman yun... mula nang magcellphone ako, di pa ako nawalan... ingat na ingat eh... hehehe
likke... hello! wala ako ma-say :D
hello po... hehehe... ang pagkakaalam ko po may technology na po ang japan na pede kang manood ng tv on-air sa cellphone... heheheh... ayun lang po... :D
Post a Comment