Saturday, August 20, 2005

kahapon, ngayon at bukas

dahil sa tag ng aking pinsang walang kasing ganda sa balat ng kablogan... ay eto na at ginawa ko na ang aking assignment...

WHAT WERE YOU LIKE

20 YEARS AGO:
Ako ay anim na taong gulang pa lang. Kindergarten, nag-eenjoy sa pagkukulay ng mga coloring book at pakikipagkulitan sa mga kalaro. Gumagawa pa ako noon ng tinapay na yari sa alikabok, yun bang iipunin mo, parang nagtitimpla ng semento, yung tubig, alam nyo na kung ano, e di ihi! hehehe. Proud ang parents ko noon sa akin, biruin nyo, second honors ako! Sa public school lang naman ako nagkinder, yun bang kayo pa ang magdadala ng upuan nyo sa enrollmenT! lupa ang sahig. pero ok lang, natuto rin naman ako! during that time, ang alam kong sagot sa tanong na "what is this?" ay "kabayong buntis" at sa "what is that?" ay "kabayong bundat!"ikwento ko na rin nung mag-grade 1 ako! yung hindi ko malilimutang pangyayari, yung first day of class, nakipagsaksakan ako ng lapiS sa kaklase ko!!! tanda ko pa rin yung walang kamatayang "Our news... today is monday, august 20, 2005, it's a sunny day!" at saka yung walang kamatayang "Henny Penny!"... "Henny Penny is a hen, henny penny is a big hen... etc.. etc..." during those times, ang inay lang lagi kong kasama, nasa abroad kasi ang tatay. baon ko sa school, tinapay at saka lemonada! nauso yata noon yung "rolly polly magic candY!" tama na, mahaba na yan... next..


15 YEARS AGO:
Eleven years old? Grade 5 na ako nun! Si tatay, nag-aabroad pa rin. di ko matandaan kung kelan sya tumigil eh, pero sa mga panahong ito yata, na naisipan nyang tumigil mag-abroad at magnegosyo ng manukan. nagkaroon ng maraming manok dito sa tagiliran ng bahay namin, syempre, nakakulong sila. tuwing umaga, katulong kaming magkakapatid sa pagpapatuka ng manok at paghahakot ng timba-timbang ipot nila! dalawang kulungan na tig-100 na manok yung alaga namin. basta ang alam ko, every morning nung bakasyon, nagkakahig kami nung mga ipot ng manok doon sa ilalim ng poultry, inilalagay sa timba at hinahakot namin patapon doon sa may agbang! syempre, kapag nabenta na yung mga manok, nililinis din namin yung kulungan... tatlo kaming magkakapatid, puro lalaki, lahat kami, nasa loob ng kulungan, may dalang basahan, kanya kanyang kiskis doon sa kawayan habang si tatay naman ay may dalang hose ng tubig, pinasisiritan kami... kasama na yung paliligO! yahoO!!! masaya na mabaho pagkatapos.. hehehe. After 1 year nga pala nun, grumaduate ako ng elementary as salutatorian. halos buong barangay, nakalibre ng kain sa amin!

10 YEARS AGO:
disasais na ako! hmmm, fourth year high school? nakabili na ng tricycle ang tatay ko, ipon nya sa kanyang pag-aabroad. bumalik ulit sya sa pag-aabroad, pero wala akong kaalam-alam kung anong nangyari at tumigil sya sa pagmamanukan. siguro, mahina ang kita, lumalaki yung gastos sa amin! kwentong school... sa bauan high school ako naghigh school, it was actually a private school. can afford na si tatay noon, medyo napromote na eh. daming crushes, daming nagpapacute sa akin! hehehe. pero lahat sila, di ko pinapansin. puro aral-aral at aral lang ako. ako yung tipo ng estudyante na kinakabahan yung teacher ko pag andun na ako, pag nagkamali kasi sya ng turo e talagang di ko titigilan ng kakatanong. syempre teacher, hindi papatalo, mauubos yung oras sa kakadefend nya ng turo nya na mali naman talaga... ewan ko, trip ko lang talagang mag-aral noon. kaya naman itong dalawang kapatid ko na sa same school din pumasok e medyo naiilang sa akin, lagi na daw kasi silang ikinumpara sa akin. favorite subject ko nga pala ay mathematics. i graduated valedictorian out of 444 students nga, take note, kaklase ko yung valedictorian namin nung elementary kami... hehehe. grumadweyt ako, ang dami kong awards, 14 medals yung isinabit sa akin... lahat ng tiya at tiyo kong present nung graduation ko, nakaakyat sa stage, pinaghatihatian yung pagsasabit sa akin. wala si tatay noon, nasa abroad. it was one of the happiest moment in my life... yun bang graduation, ikaw ang bida! hehehe. maya't maya, tinatawag yung pangalan mo para bigyan ng award. lahat nung medal ko, ipinalaminate ng inay... nakadisplay ngayon dito sa bahay namin sa batangas... syempre, proud na proud sila. hindi lang buong barangay ang pinakain nila... lahat ng teacher ko, dinalhan pa ng pagkain sa school at kahit yung tatay ko sa abroad, lahat ng kasamahan nya doon, pinakain nya, proud na proud syempre sa akin. hindi ako nagkaroon ng GF sa buong high school life ko!



FIVE YEARS AGO:
twenty one years old! uy, debuT! wala akong handa nung debut ko. ewan ko, humingi na lang ako ng pera pamblow-out sa mga kaklase kO! may kotse na kami noon. nissan... binili ng tatay, second hand. dala dala ko lagi sa pagpasok, i mean, drive ko lagi, ok? after 5 years nang pagpapakahirap sa engineering, nakagraduate din naman ako as computer engineer sa batangas state university. syempre, with honors din, "outstanding", almost a cum laude, pero hindi cum laude, muntik na. kung hindi dahil sa isang subject na sumabit ako, nagkaroon kasi ako ng 2.75 na grade. my general weighted average sa lahat ng subject nung college ako was 1.398, on the grading scale na uno yung highest, singko ay bagsak. almost a cum laude nga kung hindi dahil sa isang subject. halos isumpa ko yung subject na yun, hehehe. medyo nainis din ako, grumadweyt na ngang with honors yung anak nila, disappointed pa sila dahil inaasahan nga nila na cum laude ako. kumbaga, sa iba nga, makagraduate lang yung anak nila, masaya na sila.. tsk tsk tsk.. hehehe. that was a long time ago, naintindihan ko naman sila, masyado ko kasi silang sinanay na honor lagi yung kanilang anak eh.. ehehe, tumaas tuloy yung expectations. pero tanggap na nila, syempre naman oh, tagal na nun eh.

THREE YEARS AGO:
beinte tres na ako! i decided na magresign sa AMA batangas as instructor after realizing na walang patutunguhan yung pagtuturo ko. naisip ko kasi, dapat sana, education na lang ang kinuha ko kung magtuturo lang pala ako, di ba? kahit marunong akong magturo, feeling ko, hindi ko talaga yun linya. sayang naman yung natutunan ko kung di ko maicocontribute sa industry... hehehe. so, nagresign nga ako, at naghanap ng trabaho sa manila. dami kong inaplayan, kung saan-saan, ewan ko ba, ganda naman ng credentials ko, ganda ng resume ko, pero talagang wala yatang gustong tumanggap sa probinsyanong katulad ko. sumapi pa ang kamalasan. 5 months akong tambay, and during that time, biglang napauwi ang tatay ko from abroad. ang nangyari, walang trabaho si tatay, wala akong trabaho, lahat kami, walang trabaho sa bahay, ipon na yung nagagastos namin... hanggang sa dumating yung point na ipagbili ng tatay ko yung tricycle may magastos lang kami. ako naman,tuloy pa rin sa pag-aaply until nga matanggap dito sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon. I started as ENtry Level Programmer, after that, ilang linggo lang, nakaalis naman ang tatay ko papuntang bahrain, kung saan andun pa rin sya hanggang ngayon. nakabili na naman sya ng sasakyan pag-uwi nya... dyip naman, pambyahe daw pag nagretire na sya. ako naman, nagtuloy-tuloy na yung swerte sa kumpanyang naisipang subukan ang batanggenyong si ako.. hehehe


LAST YEAR:

Nagstart akong magblog nung february out of pagkabagot sa kuwait. ang laki kasi ng tinitirhan ko, ako lang tao, walang kausap, naisipan kong maggawa ng "online diary", never heard of blogging pa. pero hayun, naligaw sa isang blog ng kaklase ko nung college at lumipat ako sa blogspot. sa work, naassign nga sa kuwait as a team leader ng isang malaking project sa kuwait finance house. sa mga nagbabasang taga kuwait, tawag kayo sa 803333, yung sasagot dyan na computer, ako nagprogram nun! telebanking application, lahat ng banking transaction, pwede mong gawin sa teleponO! ok.. last year din, nakarating ako ng davao to meet my future first lady. last year din, twice nag-increase yung sweldo ko at napromote. last year din nakabili ng pajero ang tatay ko. nangongoleksyon sya ng sasakyan eh... hehehe.

THIS YEAR:
Got promoted again and had my salary increase last january. sa tulong ng aking father, nakakuha ng car loan sa equitable pci bank, got my first car na nakarehistro sa pangalan ko. syempre, alam nyo na kung ano yun... yung kotseng mainit sa mata ng mga reckless driver.. hehehe. tatlong beses muntik nabangga until finally nabangga din. hehehe. this year din, medyo lumawak na ang mundo ko sa manila. dumami ang kakilala, dahil sa magic ng blog hopping...hehehe. tagal ko nang nagboblog, pero konti lang nakakabasa, mga kaibigan ko lang until maisip kong magblog hop, ayun, ang dami nang tumatambay dito dahil daw sa kakaibang laman daw ng aking kukote... hehehe.

YESTERDAY:
Nakipagmeeting sa mga boss ko about the new project, tinuruan silang magcompute, may ibinigay kasing figures yung client, di nila alam kung pano icocompute, yun, parang teacher ng math ako kahapon, nagdiscuss sa harap ng mga bossing ko.. impress sila, akala daw nila, computer lang alam ko.... hehehe, di pala sila nagbabasa ng resume ko eh. kung gusto nila, irecite ko pa yung phytagorean theorem eh. hehehe.


LAST NIGHT:

Umuwi sa batangas, nagdrive from manila to batangas, pagdating sa bahay, nanood ng WWE Great American Bash.

TODAY:
SInasagutan ito.. hehehe.

TOMORROW:
No one knows the future. Pero pupunta ako sa toyota batangas para ipakabit yung stereo na ipinagawa ko sa kanila! at makikipagmeet sa mga retailer sa aking bagong sideline.. hehehe

NEXT YEAR:
Magiging 27 years old ako, pero, di ko rin alam, malay natin, magunaw na ang mundo, no one really knows.

FIVE - TEN YEARS FROM NOW:
kung buhay pa ako at hindi pa gunaw ang mundo, kasal na ako kay first lady, may mga anak, may matatag na negosyo, wag lang mamalasin.

that's it, ngayon, ako naman ang magtatag! akala nyo, ligtas kayo? hehehe.kayo naman ang gumawa ng assignment nyo! i'm tagging...

1. Ning
2. May
3. Ethel
4. Mauie
5. Ka Uro
6. Mangogoyong
7. Midori-X
8. Evi

6 comments:

Yen Prieto said...

haha ayan alam ko n ngyn ang buong buhay mo!!! grabeee valedictorian at muntik ng cum laude.. isa kang pinoy henyo pare!!! kaya naman ure sooo blessed.. good luck po..

enjoy ur wkend! :)

Anonymous said...

pareho tayo. hindi ko rin linya ang magturo. i gave it a try naman kaya nga na-realize ko na hindi talaga ito ang career para sa akin. hindi ka nag-iisa, insan. hehe... naki-insan na rin.

salamat sa tag ha.

Dorothy said...

hello! ako din po'y isa sa mga na-tag nito ni sis nao. natapos ko na. very interesting meme. :)

Ka Uro said...

buti di nagkapunit-punit ang suot mong damit sa graduation. 14 medals, mabigat yon ha. salamat sa pag-tag. i'll do my best. pero di ko kayang pantayan ang 14 medals.

Anonymous said...

tindi mo pala kabayan siguro caesarian inay mo ng ilabas ka kasi kasinglaki ni Rizal ang ulo mo. Buti na lang hindi mo nalanghap ang mga usok na ibinubuga diyan ng refinery nakakahina ng utak yon. Kung di lang ako natakot sa apelyido ng mga kalove team ko jan siguro taga San Pascual din ako. Aba eh yong isa ay Dalawangbayan, napakatinding paghahandaan yon sa kasalan, samantalang yong isa Dimapasok paano kami mag-eenjoy kung di mapasok. Sa ala eh blogspot ko na lang sasagutin assignment mo kasi tinapos ko l;ang yong tungkol sa aking anak di ko na kasi tutuloy yong aking blogsite.

kukote said...

yen... secret yan, wag mo na lang ipagsasabi. hehehe. good luck diN!

insang nao... mas matindi pinagdaanan mo... nabasa ko yung post mo.. idol nga kita eh! cge, kita kits sa december ;)

evi... nagturo ka rin pala? ewan ko nga ba, yun talaga feel ko, na di ko linya yung pagtuturo eh.

mauie... medyo swerte lang, di naman ako ganun katalino... ;) gawin mo assignment mo ha! para magkakilala na tayo kahit once pa lang kita nameet :D

pao... nakita ko nga yung post mo ;)

ka uro... hahaha. kinaya pa naman ng leeg ko. hintayin ko yung assignment nyo ha ;)

lakesider... hahahaha!