Saturday, August 13, 2005

banggaan na naman!

andito na ako sa batangas, wala sana akong balak magblog ngayon, kaso, hindi ko ito pwedeng palampasin. tsk tsk... hinahabol yata ng mga "mambabangga" ang pamilya namin. kakatapos ko lang mapaayos yung kotse ko, di ba?? kanina, pagdating ko dito, after 15 minutes, nakarinig ako ng kalabog sa may tapat ng bahay namin. paglabas ko, yung pajero ng kuya ko, isang kambyo na lang at nasa garahe na sana, nabangga ng tricyle! ang may drive ay yung kapatid kong bunso, wala namang nadisgrasya, yun nga lang, may ipapagawa yung nakabangga. bingot yung pinto sa tabi ng driver, basag yung side mirror. ito pa ang siste... yung tricycle driver, nagmatigas pa, hindi raw sya ang may kasalanan, bigla raw kumaliwa yung kapatid ko kaya nabangga nyA! yun, kaya sa halip na magkaayusan na sa baranggay, tumawag pa ng pulis, pagdating ng pulis, natural, sya yung bumangga, natiketan pa syA! at syempre, sya talaga yung sasagot ng gastOS! ayun, kaya bukas, sa halip na pahinga muna yung kotse ko, si kuya muna daw ang gagamit papunta sa work nya, hindi nya kasi pwedeng gamitin yung pajero dahil basag nga yung side mirroR.

yung banggaan lessons kO, ang kapatid ko pa yata ang naging unang estudyante! hehehe. syempre, para maganda, may picture, kaya heto, sinubukan kong kumuha ng picture panglagay sa bloG! ang labo, wala kasing flash itong cellphone ko eh! hehehehe.




"pajero vs tricycle"



4 comments:

|| jest || said...

huwat?! banggaan nanaman. may gulay, parang ayaw ko na tuloy mag ka tsikot. huhu.

sue the tryc driver.
hehe.

Anonymous said...

kawawang pajero hehehe! FAM

watson said...

Some people never know when they have to admit their fault. Mas lumaki tuloy ang abala.

kukote said...

jest... ok na ang lahat, nagbayad na ang driver...

fam... kawawa nga eh.. =(

watson... oo nga, natiketan pa sya