Saturday, August 27, 2005

araw-araw picture

nung pauwi na ako ng batangas kaninang umaga, ewan ko kung bakit biglang napag-usapan namin ito... na sabi ko, maganda siguro kapag nagkaanak ako, araw-araw since birth until magkaisip sya ay pipicturan ko sya at ipopost ko sa blog!!!

imagine, makikita mo as the day goes by kung paano nagbago ng itsura ang anak mo since birtH! as in, araw-araw ha, walang palalampasing araw. magandang idea, at pagnagkaisip sya, magandang gift sa kanya. syempre, bawat picture, may kasamang kwento. di ba? ang saya nun! sa mga parents na blogger na expecting a birth, ano sa palagay nyo? magandang idea, di ba??? ang laking tuwa siguro ng anak mo kapag nakita nya sarili nya since birth hanggang sa matuto syang lumakad at magsalita! araw-araw, makikita nya yung pagbabago sa anyo nya. how i wish ginawa sa akin ng parents ko yun.... hehehe

yun lang.

7 comments:

RAV Jr said...

yay! una ako, hehehe...

hmmm...oo nga siguro ang ganda kung makikita mo ung pagbabago habang lumalaki na ang bata... eh pano mo kukunan ng pic kung tipong marunong nang sumagot at magrebelde, sakali man? ahaha...joke lng... ang ganda sigurong abangan ang everyday saga ninyo ng anak mo..heheheh

gandang hapon...

Mmy-Lei said...

maganda yang idea mo, pero dapat masipag ka o misis mo sa paggawa at pag-update ng saga ng baby mo.

tinamad na kasi ate ko dahil malikot na ung baby...

Anonymous said...

hehe gud idea. buti na lang talaga uso na ang digicam ano. he he ako siguro picture na lang wala ng wento.

Anonymous said...

magandang idea yan. actually ginagawa ko yan sa anak ko pero hindi araw-araw, most of the time. ang daming pictures yung anak ko na natutulog. simula baby sya hanggang ngayon, everytime i stare at him while sleeping, i have this urge to take a shot. kakatuwa kasi parang angel kapag natutulog. kasi kung gising, ang kulit naman. maiinis ka naman kunan ng picture kasi nagpapaka-silly sya. tsaka ang hilig ko bihisan sya kahit boy (hindi naman damit ng girl ha) tapos may pictorial na kami nyan. sanay na sanay yung anak ko. kapag bihis na sya minsan sya na magsasabi sa akin, "mommy, picture". hehehe... haba comment ko.

Anonymous said...

Anggaling talaga ng kukote power mo kuya marhgil, hehe. Ilang volts ba yung ilaw dyan? Dapat naka-identify din hehe. Sana ay hindi ka magsawa sa kakakuha ng litrato at sa paglilimbag nito. Sana rin ay hindi mapuno ang space mo sa madaming pictures.

debbie said...

onga..gandang idea yan ha! :)
sana ginawa ng parents ko yon sa kin...hehe

happy weekend marhgil :)

kukote said...

hi dops! kapag sinipag ako at kung magkaanak nga ako... tingnan natin kung gawin ko nga ito.. abangan! ;)

mommy lei... masipag naman si future misis ko.. hahaha

teacher kai!... sige, gawin mo sa baby mo ha.. abangan ko yun ;)

evi... ang saya nyo naman! ang saya kung ang dami mong picture ng past, di ba? ako nga, naghahanap ng picture ko nung sanggol pa ako, wala akong makita eh.. mga 2 years old na ata yung latest ko. hindi pa yata uso ang camera nung ipanganak ako eh.... ehehe

flapwood... abangan na lang natin... yung ilaw ko, 220 volts yan.. hehehe. matipid naman yan sa kuryente, kasi low power ang flourescent kaysa sa bombilya.. hahaha!

debbie... sana nga, ginawa ng parents natin yun! happy weekend!!