bago ako umuwi, ikwento ko muna ang nangyari last sunday nung ihatid na namin yung pamangkin ko pabalik sa lipa, nagbakasyon kasi sya sa bahay namin ng 2 weeks. dalawang sasakyan ang naghatid, yung pajero ng kapatid ko at syempre, yung kotse ko. ang kasama ko sa kotse ko, yung isa kong pamangking makulit (3 years old), si inay at ang tiya ko.
sa kotse, ito ang nangyari... habang nagdadrive ako, may nagtext sa akin... sabi ng cellphone ko.. "excuse me po, may message ka! pasok!" ala mike enriquez... hehehe. since nagdadrive nga ako at di ko ugaling magbasa ng text messages habang nagdadrive for safety reasons, sabi ko sa inay, "pakibasa naman ng message ko." sabi nya.. "ala eh hindi pwede, hindi ako marunong nyan." hehehe. syempre, baling ako sa tiya ko... "tita, pakibasa naman ng message, pindutin mo na lang yung gitna." sabay abot ng cellphone ko. yun, syempre, pagtingin nya sa screen ng cellphone ko, andun na yung message... binasa nya "marhgil... paload naman ng 500, bukas ang bayad"... tapos, tanong ko sa kanya... "kanino galing?", sabi ng tita... "ala eh namatay ang ilaw! di ko na mabasa!" hehehe. sabi ko, "pindutin nyo kahit ano dyan, iilaw yan"... sabi nya... "ayaw ko nga, baka magkamali ako!"... tsk tsk tsk, so, saka ko na lang nalaman kung sino ang nagpadala nung message nang makarating na ako ng lipa.
may mga tao pa rin talaga hanggang ngayon na takot sa technology... napag-iwanan na. pipindot lang ng cellphone eh... tsk tsk tsk..yung tiya kong yun... yun ang nagluto ng pinindot noong ihandog yung pamangkin ko... yun lang ata alam nyang pindutin eh... hehehehe.
4 comments:
bwahaha! marunong magluto ng pinindot pero ayaw pumindot ng phone..hehe funny!
yup, i agree. may mga taong ganon, takot sa technology. sana pag tanda ko di ako ganon...:)
ingat lagi marhgil :)
for me, parang usual excuse ng mga oldies not to learn new things kasi daw "matanda na sila."
i offered to buy my mom a cellphone coz sya na lang wala nito sa amin. tumanggi daw ba? hahaha! :)
heheh meron pa palng mga hindi marunong gumamit ng mobile, kala ko baby lang hinde! hehe lola ko 72 years old na mahilig pa mgtext! =)
debbie... kuntento na sila sa panood ng tv at pagsagot sa phone. pero turuan mo magtext, ang gulo daw.. nalilito daw sila.. eheheh.. ingat din!
pao... ako na lang ibili mo ng cellphone.. hehehe.. kahit pulpol na cellphone ;)
pobs... buti pa si lola mo, marunong magtext. sino naman katext mate? hehehe.
Post a Comment