the thought of searching for a new boss is still lurking in my mind. pero nagtatatlong isip pa rin ako... hhhmmm. medyo may phobia pa rin kasi ako sa pag-aaply dito sa manila, though it was already 3 years ago, after teaching at AMA batangas for 1 year, i decided to resigN to look for a greener pasture dito nga sa manila. i thought it would be easy, but it took 5 months bago may nakaisip na kumuha sa akin. ewan ko, ganun lang talaga kababa yung tingin ng mga tao sa mga probinsyano. ito ang resume na isinasubmit ko 3 years ago... pero isa lang ang nagkainteres subukan ako after 5 months. pasado ako sa lahat ng exams nila, pero after preliminary interview, wala nang tawag. ewan ko ba. i just recently found out na one of the reasons kaya i failed on interviews is because of my accent! kahit daw english ay may punto yung pagsasalita ko... tsk tsk tsk. e anong magagawa kO??? e batangenyo ako, sa isip, sa salita at sa gawa eh. hanggang kasuluk-sulukan ng aking singit e may bakas ng pagkabatangenyo yan eh! hehehe.
pero ok lang, that was 3 years ago. ngayon, ok na ako dito sa makati. kung dati, ako ang iniinterview, ngayon, ako ang nag-iinterview... kahit medyo pinagpapawisan daw ako kapag maganda yung interviewee.. hehehe. talagang dito sa buhay, kailangan mo lang ng breaK! at muli, gusto kong pasalamatan ang taong nagbigay ng breaK sa akiN para makapasok dito sa masalimuot na mundO ng IT. salamat ma'am alonA!
tama na. naiiyak na ako dito, tumutulo na sipon ng katabi ko. ehehehe!
2 comments:
ganyan talaga... sabi nga nila... weather-weather lang yan. ;)
correct ka jan! ;)
Post a Comment