kagabi, paguwi ko sa boarding house ng 11:30PM, nadatnan ko ang isa naming barkadang taga batangas... itago na lang natin sya sa pangalang mario diaz.. hehehe. andun sya dahil nag-aaply sya sa italian embassy, syempre, gusto yatang magpunta ng italy, obvious ba? may nakilala daw sya doon sa embassy, mga babae na nag-aaply din, at dahil mga taga probinsya e doon na daw sa embassy matutulog, may dala pa nga daw banig yung isa.. hehehe. sabi nya, "sunduin natin yung mga nakilala ko, kawawa naman doon sa embassy" hehehe. so, nagpunta kami doon, at sinundo nga namin sila... nadatnan namin, mga nakahilata nga lang dun. tatlo sila, itago na lang natin sila sa pangalang aida, lorna at fe... hehehe. "si aida o si lorna o si fe... lahat sila'y magaganda...mayaman na at seksi pa..." yan, yung kanta... pero hindi sila yan, kabaligtaran yata nila eh... hehehehe.
anyways, to continue my story, dahil nga mga probinsyanong hospitable kaming mga batangenyo... sa halip na sa boarding house namin sila patambayin na magulo pa sa buhok ni einstein... nagpunta na lang kami sa libis... ako, si allan, si mario at si aida, si lorna at si fe... yun, nag-inuman sila sa ipenama ba yun? yung disco dun na wala namang sumasayaw... ako, isang san mig light lang para naman hindi nila sabihing wala akong pakisama, maganda talagang alibi yang kotse kung ayaw mong uminom... "magdadrive pa ako eh!" hehehe.
si aida at si lorna, may asawa na, parehong nasa italy, susunod raw... si fe, tahimik lang, tawa lang ng tawa, dalaga pa, kaedad namin, pero wala yata akong nakuhang impormasyon tungkol sa kanya... yun, gusto rin nyang magpunta sa italy. yung isa, taga pampanga, yung isa, taga batangas din daw, yung isa, ewan ko, di ko na natandaan. di ko rin tanda kung which is which...kung sino yung taga batangas at pampanga. hayaan nyo na!
itong si mario, kapag nalalasing pala ay pagkadaldal... lahat na ay ikinwento... yung pagkahumaling nya kay rudy fernandez... na nung palabas daw yung "lagalag" e talagang nagpakapila-pila sya makapanood laang. pagiging die-hard fan nya ni alvin patrimonio... na kahit daw talagang sa palagay nya ay talo yung purefoods.. pupusta pa rin sya... kasama nga daw sa panaginip nya si alvin... na nagbabasketball sila, itinataas daw sya para makashoot... hehehe. dami nya pang kwento, saka ko na lang ikwento lahat.
umuwi kami, alas dos na ng umaga. on our way home... si aida naman ang bumangka... lolo daw niya si ruben rustia... dami daw nyang kilala sa crame...nagpakamatay daw si rico yan... gold digger daw ang mga barreto's... etc.. etc. hindi ko alam kung totoo ang sinasabi nya or lasing lang sya. dahil marami daw syang kilala sa crame, bibigyan daw nya ako ng sticker ng pulis! kinuha pa yung number ko, bigay ko naman, sabi ko, "bigyan mo ako ng lima... lagay ko sa bawat sulok ng kotse ko.. para iwas huli... ehhehehehe.." anywayz, nakauwi din kami, we dropped them near italian embassy at around 3:00AM, 4:00AM daw, magbubukas na yun.
pumasok ako dito sa office, tanghali na... offset naman ako dahil nag support nga ako sa client yesterday.
No comments:
Post a Comment