Friday, August 26, 2005

sugar free

isang linggo na naman ang nakalipas, ano na bang nangyari sa mundo? bilog pa rin ang mundo. nadagdagan ng pitong araw ang edad ko. nadagdagan ng tatlong retailer ang business ko at meron pa akong limang pending. nadagdagan ng konti ang balanse sa bank account ko. nadagdagan ako ng bagong kakilala. puro dagdag ah. magbawas naman tayo... nabawasan ako ng load sa cellphone ko, nabawasan ng gasolina yung kotse ko, napudpod ng konti yung sapatos ko, nagbawas ako sa toilet.. hehehehe!

tama nga yung ikatlong batas ni bagong tonelada sa paggalaw..(newton's third law of motion)... in every action, there is a reaction. tama ga? kung may bawas, may dagdag.. kung may nagtulak, may hinila. parang law of karma din yun ah. ewan, kung ano ano na naman naiisip ko.

makakapagsuot na naman ata ako ng coat and tie. may presentation kasi kami sa isang malaking kliyente, bangko sya, gagawan daw namin ng telebanking system dito sa pilipinas, kapareho ng ginawa ko doon sa kuwait... yun eh kung magkakasundo sila sa presyo at maisasarado namin yung deal. ako daw magpepresent ng technical side. magpapakaformal na naman ako, tsk tsk tsk. ala eh, kasaya, parang mas trip ko pang magpresent sa mga arabo kesa sa mga kapwa filipino na tiyak ay magtataasan na naman ang kilay kapag narinig nila na kahit english ay puntong batanggenyo ako... hahaha! ala eh... alangan namang mag-accent german ako e batangenyo nga ako! hahaha!!! sa isip sa wika at sa salita... batangenyo ito eh! kung nanonood kayo ng pinoy big brother, notice nyo kung paano magsalita yung si jayson... ganun akO! hahahA!

bakit sugar free yung title ng post na ito? wala lang.. trip ko lang... may angal? hehehe

happy weekenD!!!

4 comments:

Anonymous said...

Try ko nga! kong maka post ako dito! kala siguro ni DOng MArhgil spammer ako ah!

Anonymous said...

Ayan maka post ako pag name ko anonymous, cge maging anonymous na ako dito ha! aga kong nagising ngayon, inaantok pa ako :)nagbawas kasi ako hehehe...oopss..post mo yan! paalala ako to Dong yong ate mong mabait .)

Ethel said...

test

Major Tom said...

Hi marghil. Buti pa ang business mo pare dagdag nang dagdag...buti na ang pataas wag na yung pababa..