Tuesday, August 02, 2005

doon po sa amin

sa mga hindi batangenyo... ano ang naiisip nyo kapag may nakilala kayong batangenyo??? apat kaming magkakasama sa bahay dito sa manila, doon sa boarding house namin, and i think, some of the boarders there think that we are "untouchables", hehehe, yung tipong, "wag nyong lolokohin ang mga yan, mga batangenyo yan...baka saksakin kayo nyan"... hehehe.

yung isa ko raw kasama, nung malamang batangenyo sya sa opisina, mga medyo takot na sa kanya. yung tipong naiilang makipagkaibigan sa kanya. ang iba naman, ang tanong agad sa kanya, "may balisong ka dyan?" hehehe. ewan ko, kelan ba nag-umpisa yung batangenyo image na matatapang daw, na pag nakabangga mo raw ay sasaksakin ka na kaagad ng balisong?

ang masasabi ko lang, matatapang talaga ang mga batangenyo. pero hindi lahat ay mahilig sa gulo, nasa lugar din naman. kagaya ko, ni minsan, hindi pa ako nagkaroon ng balisong. kahit nagkalat yung balisong sa palengke, ni hindi ko naisipang bumili. aanhin ko yun?

magkwento muna ako... doon po sa amin, sa barangay namin sa batangas ay mababait yung mga tao, huwag lamang malalasing... hehehe, naroong minsan ay may maririnig ka na lamang sa kalye na nagsisisigaw... "lumabas ang matatapang!!!"... habang may dala-dalang itak. yan naman ay noong bata pa ako, ngayon naman ay wala na akong naririnig na ganoon. yun kasing mamang yun na nagsisisigaw dati, bigla ba namang naisipang kumandidatong konsehal ng barangay? e nanalo... kaya wala nang magulo, nahiya na siguro sa sarili nya... hehehe.

ang latest na nabalitaan ko... yung pinsan ko, may nakatitigan lang nang masama sa basketball court doon sa likod ng bahay namin, hinamon na ng saksakan... hayun, nung rumesbak, may dalang baril... sya naman yung habol-habol. hehehe. di naman sya tinamaan, pero nagkahablahan pa rin.

meron pa nga akong nabalitaan... nagchechess lang, biglang may tumaga sa likod! kaya hindi na ako nagchechess doon sa amin sa public place, baka bigla na lang may tumaga sa likod ko... matagal na pala silang may alitan.

sa batangas city naman ito, nung umattend kami ng js prom, pauwi na kaming magkakabarkada... lakad kami nun, puro naman kami lalake ng biglang may dumaang owner type jeep, ang bilis... tapos bigla kaming sinigawan at naghahamon ng suntukan.. mga lasing naman sila eh. kami naman, dedma lang, hindi namin pinansin. binalikan pa kami, naghahamon nga.. hindi naman bumaba. ewan ko lang kung bumaba sya, siguro, pinatulan na namin yun, e takot din naman sya eh... tinandaan na lang ng pinsan kong si sherwin yung plate number... sa may sementeryo kasi ang bahay nila... ang sabi nya.. "sa araw ng mga patay, dadaan ka rin doon sa amin... lagot ka sa akin..." hehehe. ewan ko kung anong nangyari pagkatapos nun.

pero kahit ganoon sa lugar namin, masaya pa rin... tuloy pa rin ang paliga ng basketball kapag fiesta sa barangay namin, pero yung taga ibang barangay ay natatakot nang sumali, ang limit kasing humantong sa kagulo! masyadong matatapang ang mga tao, hindi na uso ang balisong, mga baril na ang dala nila. wala pa naman akong nababalitaang napatay doon sa amin... mga naospital lang naman at nakarecover pa rin. hehehe

ang saya sa amin no? ang gandang tourist spot... para sa mga terorista.

4 comments:

Anonymous said...

'kaw ha! alam ko may balisong ka! Hhmmm nagsisinungaling pa sya oh! yong secret enemy nga ni Naomi gigilitan mo nga ng leeg buti nlang di mo sya kilala hehehe...
Pag uwi ko next year punta ako sa Batangas, argh!

kukote said...

joke lang yun... hehehe, di talaga ako nagdadala ng balisong ;)

Anonymous said...

taga batangas ang lola ko,. sa sto. tomas lapit sa tanauan.//

saan ka?

kukote said...

hi rose, salamat sa pagdaan...

natatanaw ko lang ang sto.tomas kapag umuuwi ako sa amin eh... =) sa ilat south, san pascual, batangas ako... near bauan, lapit na sa batangas city.