Monday, May 16, 2005

computer literacy history

lahat tayo, nag-umpisang tanga sa computer, di ga? ewan ko, sino kaya dito ang ipinanganak na marunong na kaagad magcomputer... wala, di ba? eto ang aking computer literacy history....

ang unang OS na nahawakan ko ay windows 95, natuto muna ako sa windows 95 bago ko napag-aralan ang DOS. bumili kasi ng computer ang aking father at wala pa kaming computer subjects nun... e pre-installed na yun ng windows 95, kaya yun ang una kong natutunan...

syempre, sa umpisa, tanga ka pa gumamit ng mouse... pahirapan ka pa patamain yung arrow sa icon na gusto mong iclick... at pahirapan ka pa rin magdouble click... ewan ko sa inyo kung sino ang hindi dumaan sa ganung stage...

syempre, games muna.. solitaire... windows eh. i remember na gusto ng father ko dayain yung solitaire... ilalayo nya yung isang file ng baraha tapos pipilitin nyang kunin yung baraha sa ilalim na gusto nya... e hindi naman pede, syempre, babalik at babalik yun sa pwesto nya... kahit gaano kabilis pa sya magclick, hindi nya madadaya yung computer... hehehehe.

then, i started studying ms excel. self study... may aklat noon sa amin about sa excel, aklat ng kapatid ko. so yun ang binasa ko... ang naencounter ko namang problem, yung paano ireretrieve yung saved file. ang labo kasi ng instruction... hindi ko maintindihan... hayun, hanggang madiscover ko na lang na ganun pala... then yung mga formula sa excel, dun ako natutuwa... well, may pagka math geek (yabang!) din ako kaya kung ano ano formula at graphs pinaggagawa ko dun...

so, yun na ang umpisa... at nagtuloy tuloy na, natuto ako magprogram using turbo pascal as my first language. then c++, then kung ano-ano na.... sabi nga, if you are a programmer, kahit ano pang language yan, if you know how to formulate a logic, kayang kaya mo yan... di ga? ang mahalaga, alam mo gumawa ng logic and the language will just serve as a tool to attain your goal, di ga???

first website visited.... ang natatandaan ko, sa computer shop pa yun... www.altavista.com, nabasa ko kasi sa guinness book of world records (binili kong aklat na ipinangregalo ko sa ex ko) that it is the largest search engine during that time... pero ngayon, google na lang ginagamit ko

first email address... syempre sa yahoo... marhgil@yahoo.com... akin lang yan, walang nakaagaw... nag-iisa kasi ang marhgil sa mundo!

first news site visited... ang natatandaan ko... yung sa manila bulletin, wala pang inq7 nung panahong yun.

first chat tool... i used MIRC... usong uso sa school namin yun... puro mirc gamit... usually, tambay ako sa #batangas, ang first registered nickname ko nun... prof_lupin... medyo addict pako sa harry potter books nun kaya yun ang ginamit kong nickname

first yahoogroups joined ... iglesianicristopride... dun ko nakilala ang aking special someone...

ano pa ba?? first blogging tool... i don't know if you can consider it as blogging tool, pero parang ganun na rin... yung sa www.my-diary.org. produkto ng kawalang makausap sa kuwait, at nagtuloy tuloy na nga hanggang dito...

yun lang muna... bakit ko ba naisipan ipost to?? ewan ko, siguro, may mangyayari mamaya. malay nyo, bukas, minumulto ko na kayo.. hehehehe. bakit ka nyo may mga highlight and links yung post ko ngayon?? ewan ko nga ba, sinipag na naman magedit.

No comments: