warning: this is a long post, kung marami kang gagawin, mamaya mo na lang basahin, ok? hehehe
sunday night, nagset ako ng alarm clock sa cellphone ko ng 6:00AM, im planning to leave at 7:00AM para nga magpunta sa LTO... kinabukasan... nag-alarm ng 6:00AM... nagising ako, tapos press ko yung snooze, tulog ulit... after 5 minutes, nag-alarm ulit.. snooze ulit... alarm ulit... snooze ulit... hanggang finally bumangon ako ng 6:45 ng sinisigawan na ako ng inay.. "Gumising ka, punta ka pa ng LTO, di ba?"... yun bumangon na ako, wala namang pedeng pinduting snooze sa mother ko e... ehehehe.
dahil nga medyo late nagising, nakaalis ako ng bahay, 7:45 na yata, basta dumating ako ng LTO, around 8:45 na, isang oras ang byahe, napadaan kasi ako sa dating daan, sobra pa ring traffic. pagdating ko sa LTO, diretso kaagad ako sa loob, sabi ko doon sa babaeng nakita ko sa loob, magpaparenew ako ng license, binigyan nya ako ng form, tapos sabi nya, "akyat ka sa taas, fill-upan mo yan, after mo fill-upan, kuha ka ng drug test at medical sa labas, pag kumpleto na yun, balik ka dito".
so nagfill-up ako, tapos baba ako, labas, hanap kung saan magpapdrug test. tapos nakita ko, merong sign board doon sa isang sulok... "Resibo ng MEDICAL"... punta ako doon, "dito ba nagpapamedical at drug test?", sabi sa akin, "bayad ka dito, bigyan ka namin ng resibo, tapos punta ka doon sa clinic. pakita mo lang yang resibo, ok na yun. sila na bahala sa iyo". nagbayad ako, P250 sa drug test, P50 sa medical, magkahiwalay na resibo, magkaibang clinic.
una kong pinuntahan yung sa drug test. pagdating ko doon, may dalawang babaeng nakacivilian, tigisa ng table. kinuha nung isang babae yung papers ko. tapos nag-fill-up ng form... tapos kung ano-ano pinapirmahan sa akin. after kong pumirma, sabi sa akin "sir,kuhanan ka namin ng ihi", e hindi ako naiihi ng time na yun, sabi ko "gano ba karami?" ipinakita sa akin yung bote... 60 mL daw yun, sabi sa akin, "puno nito", e hindi pa nga ako naiihi, sabi ko, "miss, punta muna ako doon sa medical, balik na lang ako dito, hindi pa ako naiihi eh, baka di ko yan mapuno." pumayag naman sya.
pag-alis ko, bumili muna akong mineral water. uminom ng marami, para nga maihi ako. tapos, hinanap ko yung clinic for medical exam. madali ko namang nakita. pagdating doon, ang haba ng pila, mga 7 persons na yung nauna sa akin. akala ko, magtatagal ako. yun pala, madali lang. pagpasok ko sa loob, nakacivilian na naman yung tao dun, dalawang babae. pansin ko lang, bakit may camera, pangpicture ba? kinuha nila yung papers ko, nagfill-up ulit sila ng form. tapos, kinuha yung timbang ko.. 89kg... bigat ko pala. tapos, height.. 170cms... tapos, eye test daw.. pinatakpan yung isa kong mata, at pinabasa, well, ok pa naman yung mga mata ko, so perfect, nabasa ko lahat. after that, tinanong nila ako... "may picture ka? kailangan namin ng picture for filing, kung wala, pede rin dito magpapicture." (yun pala yung gamit nung camera...part time photographer din pala ang mga ito, hehehe ). sinilip ko yung wallet ko, meron pa akong passport sized picture, tira nung ginamit ko sa pagpunta sa saudi... so sabi ko, "meron po. pede na ba yan" sabay abot ng picture. pede na raw,inabot sa akin yung papers ko at yung form na finill-upan nila. pirmado na nung doctor na wala naman doon, may nakalagay na remarks "Fit to drive".
bumalik ako sa clinic nung nagpapadrug test. sabi ko doon sa babae, "pede na, mapupuno ko na yan." hehehe. so binigay nya sa akin yung bote, tapos sinamahan ako sa cr. pagdating sa cr, nung isasara ko na yung pinto, sabi sa kin nung babae.. "di pwedeng isara yang pinto, dito lang ako sa likod." (isip ko... hmmm, kaw ha, may pagnanasa ka sa akin ha hehehehe). hirap kaya nun, iihi ka na may babae sa likod mo na hindi mo naman kaano-ano. di bale kung nurse sya at nakauniporme, iba pa rin yung feeling, pero kapag ganyang nakacivilian nakabantay sa likod mo, tsk, tsk, tsk... weird ang feeling. walang choice eh, di naman nya sinilip, nakabantay lang sya sa likod... siguro, iniiwasan lang na may mandaya, yung iba kasi, nagbabaon ng ihi ng iba para makalusot sa drug test. anyways, napuno ko rin yung bote, sobra pa nga! hehehe. tapos, binigay ko na sa babae. after around 5 minutes, lumabas na yung results, negative. natural, hindi naman ako addict no? hindi pala doon nakikita kung addict ka sa pagbblog... hehehehe.
bumalik ako sa LTO para isubmit lahat ng papers. that's around 9:30 na. pagkasubmit ko, sabi sa akin, "upo ka muna sa labas, tatawagin ka na lang namin". lumabas ako, siguro, around 30 persons na yung nasa labas na naghihintay matawag yung pangalan nila. natawag yung pangalan after more than 1 hour, tapos pinicturan lang ako, tapos, sabi sa akin, "tatawagan ka na lang ulit namin". hintay na naman ako... natawag pangalan ko after siguro 30 minutes. cashier na, nagbayad ako P233. pagkabayad, sabi sa akin, "tatawagan ka na lang ulit". hhhmmm.. after siguro 30 minutes ulit, natawag na pangalan ko. pinapasok ako sa loob, diretso doon sa head ng LTO, nagpapirma ng papel, tapos, pinaakyat ako sa 2nd floor, picture taking at signature taking ulit. tapos ibinigay na sa akin yung temporary driver's license, sabi sa akin... "pede ka nang umuwi, pero kung gusto mong maghintay, makukuha mo na yung license card mo after 30 minutes dyan sa baba". bumaba ako, i decided to wait na lang, 30 minutes na lang naman pala. kaso, inabot ako ng alas dose sa kakahintay, di pa dumarating yung card ko. tapos sabi ng taga LTO, "break muna kami, balik kayo ng ala-una."
ang ginawa ko, umalis ako, nagpunta sa AMA batangas, andun kasi yung isa kong friend, at syempre, dati rin akong taga roon, bumisita syempre. andun pa naman mga kakilala ko. kilala pa nga ako nung dyanitor doon. gumala muna kami nung friend ko, nagpunta kami SM batangas at doon kumain.
bumalik ako ng LTO ng alas tres. siguro naman, andun na yung card ko. andun na nga, nakuha ko na, tinatakan yung temporary license ko. tapos nun, umuwi na ako.
well, kahit papaano, may improvement din naman sa LTO batangas. yung id card na dati ay after 6 months mo pa makukuha, makukuha mo na ngayon within the day. kailangan lang nilang magdagdag ng tao... isa lang yung nagpipicture, isa lang yung cashier, kaya ang tagal bago matawag nung pangalan.
yan, tapos na!
No comments:
Post a Comment