Sunday, August 07, 2005

lisensya, desktop pc, rice

bukas, absent na naman ako... kailangan ko na kasing magrenew ng driver's license, mageexpire na kasi sa thursday. dito na ako sa batangas magrerenew, at least, di kasing dami ng nag-aaply sa manila. i prepared 1K pesos, kasya na kaya yuN? siguro namaN.

last Saturday, i went to festival mall doon sa alabang, nakipagkita ako sa pinsan kong bibili daw ng desktop pc, nagpasama sa akin dahil baka daw sya ay maloko... ganun na pala sila magbenta ng pc ngayon, wala nang kasamang OS... mahigpit na daw kasi ang gobyerno. after testing, nireformat nila yung harddisk. nakakapagtaka lang, yung mismong katabi nila, tindahan ng pirated CDs, may tinda din silang pirated OS... hehehe.

after makabili, nilibre nya ako sa shakey's. ang tanong niya sa akin habang naghihintay ng inorder nyang pizza "malakas ka bang kumain ng rice?", sabi ko... "konti lang ako sa rice... 1 cup lang"... sya... "i see", ako... "1 cup lang natitira sa kaldero pag nakakain na ako... hehehehe".

yun lang

5 comments:

Anonymous said...

bakit ganun un laptop ko nman may OS na, kalokohan lang yun manong.. raket na nila yun diba?

ilang oras ba mag apply ng driver's liscence? gusto ko na kaze makakuha...

mag bebelly dancing ako. haha!
sali ka?

Ka Uro said...

mag-rerenew ka rin pala ng lisensya. ako tapos na. buti pumasa na yung eye test ko at pwede pa raw kahit di pa mag-salamin.

magkano ba ang bagong PC ngayon sa atin? how about monitor, magkano? kasi plan kong maguwi ng PC tas diyan nalang bibili ng monitor.

RAY said...

Diyan din ako Batangas City nagrenew noong lisensiya noong isang taon kala ko kasi mapapabilis kasi sa Lipa dahil sabi nila isang araw kuha. Anak ng tokwa inabot din ng apat na buwan bago nakuha eh babalik na ako NZ kaya ginawa ko kumuha ako international license lalo lumaki gastos lakas din ng bigayan diyan. Hanep talaga ang suhulan sa mga ahensiya sa atin. Pati nga N.B.I.sa Bats.jan paghihintayin ka ng isang linggo hanggang isang buwan sa clearance samantalang pag may isang daang piso ka kuha mo na isang araw. Yan ang problema ating bayan masyadong matatakaw sa suhol mga buwaya sa gobyerno. Happy birthday na lang kabayan at wag mo sanang maipukol sa ulo ng mga kawani ng gobyerno ang pc at monitor na dala mo.

Anonymous said...

uy! renewal ng lisensya? hmmm...
HAPPY BIRTHDAY!!!

kukote said...

jest... kapag bumili ka kasi ng laptop, kasama na sa binayaran mo yung OS... about driver's license application, see my new post ;) belly dancing? di ako bagay dyan..hehehe

ka uro... bagong PC... yung nakuha namin... 21K, walang monitor.. Pentium IV 2.4 Ghz, 512MB Ram, 80GB hard disk, 128MB yung video card, basta kumpleto na sya except monitor, may monitor na rin kasi syang spare. monitor costs around 3.5K yata, check ka sa www.pcx.com.ph

goyong... mukhang nag-improve naman yung service ng LTO, same day, nakuha ko yung license ko, walang suhulang naganap ;)

patrice... thanks ;)