Friday, August 05, 2005

my trip to diliman

kanina, pagbaba ng building, desidido na ako na kotse ko na yung idadrive ko, kaso, bigla akong diniscourage ng mga kasama ko.. "pano kung masira yung sasakyan mo, pano pag malaki yung baha? solo ka pa naman, magtaxi ka na!" hayun, finally, nagtaxi din ako, hehehehe.

di ko alam kung nang-aasar yung taxi driver or what, kaskasero kasi, singit dito, singit doon... medyo natatakot na ako, sabi ko, "dahan dahan lang, di naman ako nagmamadali... (kahit late na ako sa appointment)" ewan ko ba, natawa na lang ako doon sa sticker na nakadikit sa harap ng kotse nya... natatakot na nga ako eh, nung mabasa ko yun, di na ako natakot. bakit? ito kasi yung nakalagay sa harap ng kotse nya, pinicturan ko nga para makita nyo...

wala lang, nakarating din naman doon sa pupuntahan, late ako ng 30 minutes, pagdating ko doon, ako ang Una! wow, filipino nga naman, akala ko, late na ako, ako pa pala ang una. hayun, after 30 minutes, saka pa nag-umpisa yung meeting. tapos... ako, nakinig lang, patango-tango. nung tapos na yung presentation, sabi nung nagpresent, "any question?" sabi ko, "wala", maliwanag naman talaga yung pagkakapresent kahit nasa diliman kami... hehehe. tapos, uwi na ako, nagtaxi na naman. ok naman yung taxi na nasakyan ko. walang kakaibang nangyari, nakarating namang mapayapa dito sa office, nagreport kay bossing, nagreimburse ng pamasahe, at nagblog.

yun lang.

No comments: