Monday, August 15, 2005

tito aga

noong saturday, nagpunta sa SM batangas yung kapatid ko at asawa nya... lahat sila nagpunta ng SM, ako lang, si inay at yung katulong ang naiwan sa bahay, at yung bago kong pamangkin. nung maligo yung katulong namin at umalis din si inay, ako lang at yung pamangkin kong 1.5 months old ang natira sa bahay, ako muna daw bahala. Hayun, walang magawa, kinausap ko yung pamangkin ko nang kung anu-ano tungkol sa bagay-bagay sa mundo. ok palang kausap ang sanggol, nakatingin lang, pangiti-ngiti... hehehe, ewan ko ba kung naintindihan nya ako. di naman sya umiyak, sanay kasi syang makakita ng mga cute na tao... hehehe. balak ko pala, pag laki nya, ang tawag nya sa akin "tito aga". hehehehe. tinuruan kong magbilang, ayaw magsalita eh. akala yata, may kaharap syang mascot... hehehe. syempre, nagpicturan din kaming dalawa. eto o!



"ang magtito"




3 comments:

Anonymous said...

Hahaha..tinuturuan mong magbilang ang ganong edad na baby hehehe..im sure mamana yan sayo na kenkoy din :) maloloka ako sayo dong.

Anonymous said...

hahahaha. okay ka rin, ha. pero that's good, turuan mo na ngang magbilang. para alam niya kung ilan utang mo kapag nag-birthday siya at hindi ka available. wala kang lusot!

Anonymous said...

hahaha.... naalala ko tuloy yong bro ko. nagsasagutan sila ng a month old niece namin. talagang natatawa ako kapag kinakausap niya.. parang ikaw! lols