Tuesday, August 23, 2005

spam me!

nitong nakaraang araw... problema na yata ng mga blogger yang spam comments na yan. ang dami kong nadaanang blog na may mga comment na nag-aadvertise lang naman ng kanilang website na wala namang karela-relasyon sa pinag-usapan sa post. so far naman, wala pa akong naencounter dito sa blog ko na ganyan... come on!!! spam me!!! hehehehe.

natutuwa naman ako sa blogspot.com, siguro dahil sa survey na ginawa nila ay nagising sila sa katotohanan na problema nga yang mga tinamaan ng lintek na mga spammer na yan. at dahil dyan, nagdagdag sila ng bagong feature, extra step sa pagcomment na hindi kayang gawin ng automated spammer applicatioN. ano yun? eto... basahin nyo na lang ito... i already used it here. ang tawag pala dun sa feature na yun... captcha!

yun lang!

10 comments:

RAV Jr said...

hi, opo totoo ngang nagiging problema na yang mga spammers, kaya nga naglagay nako kaagad nung word virification something na dinagdag ng blogspot, hehehe...

well, buti meron ka na din dito, hehehe..captcha ka pa? hehehe...

ah, sya nga pala, buti naman eh, naidagdag mo nako sa listahan mo. ikaw sinisisi ko kung baket di ako sumisikat sa blogosphere! hehehe...joke lang po...

tyy nga po pla sa mga kakwelahang kwento na pinopost mo... ano kaya dagdagan mo na din ng music blog mo pra namn medyo may naghehele sa amin habang nagbabasa? ;)

un lang po, tyyy...

Anonymous said...

well well meron na rin ako nito nung isang araw pa! grabe insan sa isip sa gawa at salita.. insan kitang talaga! mantakin mong pareho tayong iniisip, siyet!

Anonymous said...

P.S.

insan.. pwede mag-request..
pwedeng mag-ilaw ka sa blog mo.. andilim eh.. pwedeng gawin mong puti ang itim? kung pwede lang ha..

Anonymous said...

by the way hi-way..
insan.. isa pang tag ok, gawin mo ulet okay? ok. thanks. obvious ba na paborit kita, di naman a! =)

Anonymous said...

Hi Dong, ganun? buti nalang walang spammers sa blog ko hehehe..pero sa email ko andami nagbebenta ng viagra lol's

Mayet said...

Ganun pala yun! Langya nakita ko yang option na yan pero malay ko ba naman na para diyan pala yan! Hahaha

Thank God for the King Of Blogs! Hahaha! Tenchu po!

kukote said...

dops... salamat din sa iyong pagdalaw lagi dito sa aking bahay... ;) about the music... pwede rin, but i opt not to add, bakit? kasi, medyo babagal yung loading ng blog ko, kawawa naman yung nakadial-up, maiinip sa pagload, baka hindi na bumalik.. hehehe. anyways... marami naman dyang naka Mp3 player hehehe.

insang nao... nauna ka pala sa akin.. hehehe. about the ilaw, naglagay na ako, kaso madilim pa rin.., hehehe. trip ko talaga kasi yung black na background.

ate ethel... hahaha! sabihin mo, may diatabs sa inyo, di mo kelangan ng viagra! hahahaha!

meyms... king of blogs ka jan... hehehe. walang anuman, masyado kasing sikat yang blog mo kaya laging iniispam... kung pede lang sanang iluto yang spam na yan =)

Mayet said...

Kung pwede nga lang ba sanang SPAM na pagkain eh! Tataba na siguro ako hahaha! Trip lang nilang i-spam ang blog ko. Hehe!

Anonymous said...

hmmnn.. inatake na din ako nyan eh.

di ko nga alam kung spam o virus sya pero yung cite eh bignews.com ek ek.

kukote said...

meyms... oo nga, mas maganda kung SPAM na pagkain... tsk tsk

lukin4gf... spammer yun... sumasakay sa kasikatan ng blog mo =)