last saturday was a "big day." halos lahat ng tao sa baranggay ilat south ay nanood ng eat bulaga. bakit? sumali kasi ang bunso kong kapatid sa "laban o bawi".
unang tanong, ano ang M sa claro m. recto, ito ay nasa kalendaryo? sagot nya... marso... mali! tamang sagot ay mayo.
pangalawang tanong, kaninong boksingero ipinangalan ang isang mall sa quezon city? sagot nya.... ali mall... mali na naman.
ikatlong tanong, sa calabarzon, ano ang coconut capital? sagot nya, laguna... mali na naman... tamang sagot is quezon. tsugi time na kaya uwi na sya...
mga kwento ng mga nakapanood na kamag-anak namin...
marami sa kanila, kinakausap daw ang tv at dinidiktahan sya ng sagot.. like yung Mayo... kahit ako, sigaw na sa bahay, sabi ko... "boyet... Mayo! Mayo!... buzz ka, Mayo ang sagot" kaso, pagsagot nya, Marso!
after that, pagdating nya sa baranggay namin, para syang artista.. lahat bumabati. ang pinsan ko, ang tawag sa kanya, ali mall... hehehe. sinulit naman daw nya ang pagpunta dun, nagpapicture sya at nagpaauto-graph sa mga sex-bomb.
halos nagkaroon daw ng bonding yung mga kasali. kasi from 7AM, magkakasama na sila. nung isa isa nga daw nalalaglag, batian pa pagpasok sa loob. "Ikaw? laglag ka na rin?","Sino na lang natira?"... tapos tawanan pa raw. Sya lang daw yung hindi makausap at masama ang loob, nanghihinayang sa Ali Mall... namental block nga daw sya, akala daw nya ay Mall yung itinatanong.
Hindi naman sya umuwing luhaan dahil nakabalato naman daw dun sa nanalo, binigyan daw sila ng P250. Bukod dun, may instant pera na palang ibinibigay ang eat bulaga sa mga kasali. Good thing naman, at least, kahit sa pamasahe e nakabawi sya.
3 months pa daw ulit bago sya makasali. sasali daw sya ulit, siguro naman next time, medyo bawas na yung kaba nya.
yun lang.
No comments:
Post a Comment