Tuesday, August 30, 2005

utang card

nagpunta ako sa security bank para magbayad sa aking "utang card." paminsan-minsan naman ay ok din yang may utang card, basta marunong kang gumamit. dalawang beses ko pa lang ito nagagamit since january. yung una, nung magpunta ako ng saudi arabia nung january, isang linggo lang ako dun, sinubukan kong gamitin yung utang card, bumili ako ng singsing doon sa batha, nagpabili kasi yung isa kong kaibigan, syempre, sya yung nagbayad doon sa bill ng aking utang card. pangalawa ay nung mag-avail ako ng insurance sa loyola plans. dahil di pa dumarating yung bonus ko ay ikinaskas ko muna yung utang card ko... yun, at ngayon nga after almost two months, dumating na yung bill, ready na yung pambayad ko at nagbayad na nga ako. may utang card ako pero hindi ko kailanman pinangarap na magaya ako sa iba na baon sa utang sa kanila. nyek nyek nila, siguro lalakihan ko na lang ang utang ko pag mamamatay na ako... hehehehe. para maningil na lang sila sa puntod ko... ahahahah! naalala ko na naman si bossing ko.

use your utang card wisely. sabi nga ng aking kukote... hehehe.


clarifications: yun nga palang pinambili ko sa harry potter 6, debit card yun ng banco de oro, pati yung pinambili ko ng guinness. wala lang, baka lang sabihin nyo ay niyayabang ko kayo, credit card kasi nasabi ko doon sa hp6 ko eh. hehehe.

1 comment:

yen said...

wow wise ka pla ah.. mahirap yan, d lahat ng tao kayang gwin yan. mahirap magcontrol kc. prang ako hehe.. kya ako pg tlgang ayw ko gamitin ang utang card ko, d na lng ako nagmamall hehe.. parusahan b ang sarile wahaha