Tuesday, August 16, 2005

pindot

nagkaroon ng kaunting handaan sa amin nung linggo dahil inihandog yung pamangkin ko. sa INC kasi, di binibinyagan ang mga sanggol, inihahandog. kaunting handaan, spaghetti, pansit, ice cream at pinindot! hehehe, siguro, hindi nyo alam kung ano yung pinindot no??? yan, kung pupunta kayo sa batangas, yan ang hanapin nyo kaagaD! masarap yan... nung tanungin nga ako nung tiya ko na nagluto nung pinindot... "ano, ayos ga ang lasa?"... sagot ko... "napakasarap ng pagkapindot nyo... hehehehe!"

anyways, speaking of pinindot, naalala ko tuloy yung instructor ko ng english subject noong college... sabi nya, patutunayan daw nya na mas mayaman sa salita ang tagalog kaysa sa english language. at ito ang kanyang example, ang salitang pindot! sabi nya, ilang salita ang mabubuo mo sa pindot in english, ano ba english nya? press? so mabubuo lang daw salita doon ay pressed, unpress at depressed, tama ba? meron pa ba? e sa pindot? ilan ang mabubuo mong salita... nagpacontest pa sya, paramihan ng mabubuong salita. ewan ko kung ilan ang nabuo ko noon... pero tingnan ko kung makakailan ako ngayon...

1. ipindot
2. ipinindot
3. ipinipindot
4. pindutin
5. nagpindutan
6. nagkapindutan
7. nagpapindot
8. pinindot
9. ipapindot
10. ipapapindot
11. nagpapapindot
12. ipipindot
13. magpapapindot
14. magkapindutan
15. ipinagpapindot
16. pipindutin
17. magpipindutan
18. nagpipindutan
19. pumipindot
20. pampindot
21. pinipindot
22. pinagpipindot
23. pinagpipipindot
24. pinagkapindot-pindot
25. nagkakapindutan
26. ipagpapindot
27. pinindot-pindot
28. magpindutan
29. magkakapindutan
30. magkakapapindutan

yan, naka 30 ako... meron pa siguro kayong nasa isip.. kayo na lang magtuloY! hehehe.

8 comments:

Anonymous said...

katuwa naman yan. i never thought na mayaman talaga ang salitang Tagalog =D may natutunan nanaman ako ngayong araw na ito. hehe. ingat!

debbie said...

kaaliw naman....totoo nga tlg maraming mabuo at marami ding meaning ang isang salita.

keep posting...:)

Ka Uro said...

nakalimutan mo yung famous joke about coffee. masama ang kape sa katawan. "kapepindut". :)

Anonymous said...

yan ba yung kulay puti na medyo oblong tapos may asukal, niyog at anis??

Anonymous said...

papindot ha.. yan napindot ko na he he he

Anonymous said...

pindutan
pindut-pindutan
pinipindotpindot (meron na ba nun..)

heheheh...

Anonymous said...

nakapindot
nakapipindot
kapindutan
kapipindut
kapindut-pindot
kapindut-pindutan
heheheheheh

Bless said...

Grabe pinipindot-pindot ko ang aking utak kung may mapindot pa ba akong salita gamit ang pindot bilang salitang-ugat, pero ala na talagang mapindot hehehe nakakaaliw naman tong post mo =)