Tuesday, August 23, 2005

pinoy big brother

inumpisahan na pala yung pinoy big brother. actually, nung nasa kuwait ako, nakapanood na ako nyan, sa channel 2 ng mbc... kaso, hindi ko maintindihan. e mga arabo kasi yung housemates, arabic yung salita... basta, ang alam ko nga, reality tv show sya, kalat yung camera sa bahay. ayos ding manood ng palabas na hindi mo naintindihan, ikaw ang gumagawa ng kwento sa isip mo... hehehe, kung ano yung pinag-uusapan nila, etc.. etc... kung ako kaya ang kasali dun? makatagal kaya ako ng 100 days??? ewan ko, kaya kong walang tv, walang radio, walang cellphone, walang relo, walang dyaryo. isa lang ang hindi ko kaya... walang internet, di ako makakapagblog!!! kaya nga ba di ako nag-audition eh.... magagalit rin kasi si inay... remember yung payo niya? hehehe

3 comments:

Ka Uro said...

mali yata ang question mo. dapat "kung ako kaya ang kasali dun? makatagal kaya SILA ng 100 days???" joks lang :D

lukin4gf said...

he he he.. tama si Ka uro wakekekek..

Naranasan ko na din yang gumawa ng kwento dahil sa indi mo maintindihan ang pinapanood. Nangyari sa akin yan noong napadpad ako sa Malaysia ng ilang buwan.

kukote said...

ka uro... tama ka dyan =) hehehe

lukin4gf... hehehe, mas maganda nga yun, feeling script writer ka... hahaha