This is Marhgil Macuha's blog before he got his own self-hosted blog. He occassionally posts here, kapag natitripan. :)
Tuesday, August 09, 2005
solo car concert
kahapon, dumaan din pala ako sa toyota batangas bago ako umuwi, hindi kasi nagpeplay yung CD player ko, ilang months pa lang, namalat na, ayaw ng tumugtog kahit anong klaseng CD ang isubo ko sa kanya, iniluluwa lang nya. so, tyaga lang ako sa fm stations, "kailangan pa bang imemorize yan". pagdating ko sa toyota, sinabi ko yung problem, chineck nila, tapos, sabi sa akin... "sir, kailangan nating ipull-out yan, ipapadala namin sa supplier, sa saturday nyo na balikan." so, pumayag naman ako, wala naman akong babayaran dahil under warranty pa yun. umuwi akong wala na yung cd player ko, kahit fm station, wala na rin, yung buong unit ang inalis nila eh. kaya nung lumuwas ako ng manila kagabi... para akong tangang nagconcert sa kotse ko. hirap pala magdrive ng ganun... 2 hours na wala man lang akong kausap, wala ding naririnig na music, ang tahimik, grabe, nakabibinging katahimikan! yun, kaya naisipan kong ako na lang ang kumanta... hehehe. "ako ang hari ng sablay... ako ang hari!!!!" driving while singing... hehehe. buti na lang at ako lang nakakarinig sa sarili ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
ay naku ahihihi mahirap nga yan. mahirap kase naranasan ko na.
one time lumuwas kme ng bangkok. eh from udon [kung san kme naka tira] to udon eh mga 10 oras LANG naman.
nung nasa bangkok kme, bumili si allan ng bagong ilaw. at dahil excited ang mokong, kinabit nyang mag isa.
AYUN! may na cut syang wire.
10 oras kmeng walang sounds...at wala din aircon.
wahuhuhu
teacher_kai... ang saya naman nyan, e di nagconcert na lang sana kayong mag-asawa... hehhehe
Ok lang yun pre. Sa ganung sistema nga gumanda boses ko e. :-) Magandang practice yan. :-)
Post a Comment