Thursday, August 04, 2005

interview appointment

kanina, pinatawag ako ni bossing, ituloy ko na daw yung application ko ng US visa, magpaappointment na daw ako for interview...

dial ako ng number nila...

kring kring kring kring...

voicemail nila: thank you for calling US embassy.... your call will be charged 55 pesos per minute. for immigrant application, for example, you are (mahabang mahabang example)... press 1, for non immigrant application, for example, you are applying as a tourist... (mahaba ulit) press 2.
ako: pinindot ang 2 (hmmmpp, 55 pesos na kagad yun! haba ng intro!)
voicemail ulit: for english, press 1, for tagalog, press 2
ako: pinindot ang 1 (para pogi points... marunong akong mag-english... hehehe)
voicemail ulit:please hold while i trasfer your call
babae: hello... this is (di ko narinig)... what is your name please?
ako: good afternoon! my name is marhgil macuha?
babae: good afternoon mr macuha, how may i help you?
ako: i need to set an appointment for interview for my US visa application.
babae: ok, just a sec.
ibang babae: (kung ano ano itinanong)
ako: (kung ano ano isinagot)
ibang babae: (after siguro 10 minutes na irecite nya yung mga requirements at kung ano ano pa) sorry sir but i cannot give you an appointment
ako: ha? why?
ibang babae: kindly go to (nagbigay ng website address) and fill-up the online application form there. print it and take note of the barcode number. then call us again so that we can give you an appointment
ako: ok, thank you, bye.

hangup

hay naku, sa haba nung conversation namin na kung ano ano itinanong nya at kung ano ano isinagot ko, yun lang pala ang sasabihin, anong nangyari? wala, lahat naman nung sinabi nya, alam na ng company namin ang requirements, tagal na kaya nitong nagpapadala ng tao dun. ang kailangan ko lang ay yung interview appointment na sana, sa umpisa ay sinabi na kaagad nya na kung hindi pa ako nagfill-up nung online application, magfill-up muna ako at tawag na lang ako ulit, di ba? last time kasi, hindi agad-agad kelangan yun, ngayon, one of the requirements for interview na pala yun. para silang ewan.

ang laki ng kinita nila sa tawag kong yun? mga 15 minutes ata yun. hay, makapagtayo rin nga ng embassy, batangas embassy, magandang negosyo to, di ba? hehehehe

7 comments:

RAY said...

Taga Batangas ka ba marhgil? Saan ka sa Batangas? May teacher dati akong Miss Macuha taga Bolbok ng Lipa. Taga Lipa kasi ako.
Ano bang course mo? Posible nga pala na gamitin ng iba ang i.p. address tinanong ko sa syotang british ng aking sis in law kasi CEO yon dati ng Data Craft. Kumusta and sana makapasa ka sa interview mo at pag nagtayo ka ng embassy sa Batangas isosyo mo ako magandang business venture yan.

kukote said...

yup, certified batangenyo po ako =) doon ako sa ilat south, san pascual, batangas... malapit sa bauan, batangas at batangas city. 30-minute drive papunta sa lipa city.

ang alam ko, marami nga daw Macuha sa Lipa, pero mga kaapelyido ko lang yata yung mga yun, wala akong kilala dun eh. si Lisa lang kilala kong kamag-anak eh... hehehe

course ko... graduate ako BS Blogging... hehehe... seriously, BS Computer Engineering. baka pede mo akong ihanap ng bagong boss jan... hehehe.

pwede ngang magpalit ng ip address, triny ko yung trial version ng surfanonymous, pagvisit ko sa blog ni nao, iba na yung IP add ko.

sige, daan ka ulit dito kapag wala kang magawa. =)

RAY said...

P.S. Leo ka rin pala halos magkasunod pa birthday natin yong panganay ko naman sa 12. Saan ka pala sa Makati. Diyan kasi ako sa SAn Antonio Village noong college sa may Dita bandang Kamagong.

kukote said...

goyong... dito lang office namin sa burgundy bldg, lapit sa pasong tamo corner buendia

riane... tagal na akong nakabayad, mahal nga eh.. $100.

Tyler's Mummy said...

Naku! Naisahan ka ng US embassy na yun ah...

kukote said...

naisahan nga eh... sa susunod, sila naman ang iisahan ko ;)

Anonymous said...

alam mo, may maganda pang negosyo pwede itayo ang mga batangueno...magtayo tayo ng TOLLGATE! lakas ng kita ng tollgate aba! dadaan lang sasakyan magbabayad na agad. taga batangas din ako at lagi ako nahoholdap ng tollgate na yan pag lumuluwas. ibalik natin ang very personal na customer service and care na ibinibigay dati ng lumang tollgate. dati kasi paghihingi ka ng ticket, magtatanong sila "sann po kayo?" sagot ko naman "jan lang sa mega mall manood ng sine" :-) tapos pag uwi mo ulit pa-batangas, magtanong ulit sila " saaan po kayo?" sagot ko naman " ala ire uuwi na at gabi na!" ngayon kasi hi-tech na, e-pass na...