Wednesday, June 29, 2005

jordan preparations, cd burning, press con, inay, dead sea

preparations.... puro preparation on my trip to jordan ang ginawa ko ngayong maghapon! pero bago ang lahat ay dinala ko muna sa toyota makati yung car ko. hayun, andun ngayon, nakaconfine, 4 to 5 days bago mailabas. wala naman akong babayaran, at last, after 16 days, naipasok din! ibinigay ko na lang yung contact number ng isa kong kabarkada para sya na yung maglabas sa toyota, by that time kasi, nasa jordan pa po ang inyong lingkod at nambobola ng mga kliyenteng arabo.

nakasingit magblog, pahinga muna. tuloy tuloy kasi yung work ko. balak ko, mamayang 6:00PM to 10:00PM, susunugin ko yung mga cd (CD burning, hehehe). lahat nung kailangan kong softwares ay ibuburn ko na. bukas naman ay 11:55PM pa yung flight ko. papasok pa nga ako dito sa opisina. wish ko lang, sana, may internet doon sa hotel nang makapag-online naman ako. yung mga gusto akong aliwin sa aking pag-iisa (ehehehe), add nyo ako sa yahoo messenger nyo, kita nyo naman dyan sa side bar kung online ako o hindi. nakakabagot din yung nag-iisa kang nakacheck-in sa hotel, bigyan nyo ako ng kausap ha!

current events... tumitindi ang tensyon, nagsalita na rin si susan roces, galit na galit kay GMA! nagpapresscon pa! ako kaya, magpapresscon din?? hehehe, may umattend kayang press?

nagtext ang inay kanina, sabi sa akin, "tuloy ka ba bukas sa byahe mo? hindi ka na namin maiihatid, pasama ka na lang sa barkada mo dyan. wag ka sanang magdaramdam" nagreply ako... "ok lang, walang problema.", then after 1 hour, nagtext ulit, "luluwas kami bukas, tagpuin ka namin sa bahay, hatid ka na namin, gamitin namin yung pajero.", reply ulit ako... "ok, tnx!" hehehe. di rin ako natiis ng inay na hindi ihatid, ganun kasi yun, kahit 1 week lang ako sa abroad, inihahatid pa rin ako sa airport. kasi nga naman, ang haba ng flight ko, 11 hours, hindi mo rin alam kung yun na ang huli nyong pagkikita, di ba? kasi, we don't know what might happen while on board. everytime na sumasakay ako ng eroplano, pag-upo ko, what i do first is pray. na sana, makarating ako sa aking pupuntahan at makabalik pa sa pilipinas.

ang plano ko doon, after i accomplished my mission, pipilitin kong makapagswimming sa dead sea. andun daw yung dead sea eh. ayon sa aking pagkakaalam, sa sobrang dense nung tubig e hindi ka raw lulubog. i just want to experience that. sana, magawa ko!

yun lang muna. God bless us!

1 comment:

trend micro support said...


Thank you for the great post. I like a way you describing the content. The points you raised are valid and suitable. I am an SEO Expert Telling you about trend micro support. trend micro support service helps you get set up, virus resolve. Let's talk to our experts to take payroll off your hands.