Thursday, July 07, 2005

samut saring kaisipan

buti na lang at may mga mp3 ako dito sa laptop ko, may music din akong naririnig na gusto ko. hindi yung puro arabic music na hindi ko naman maintindihan... lagi na lang mayroong "habibi...". hehehe

tomorrow will be my last day, my mission will be over here in jordan. pag-uwi ko, sasabihin ko sa boss ko... mission accomplished! sabay saludo... hehehe. siguro naman nga ay may natutunan ang mga tao dito, kahit yung itinuro ko sa kanila ay inaral ko lang din one week bago ako nagpunta doon. malinaw naman ang aking pagkakaturo, naintindihan naman daw nila. dating instructor yata to.. hehehehe.

ngayon, nag-iisip ako, bibili pa ba ako ng pasalubong dito? e ang mahal mahal dito. sa dubai kaya? siguro, konting chocolate lang at sigarilyo. yun lang. konti lang naman ang kinita ko dito, parang nagkaroon lang ako ng one month advance na panghulog sa kotse. pag tinamad ako, sa duty free na lang sa NAIA, hehehe.

sana, hindi ito ang huli. there are many potential customers daw, i still need to train other resellers pa siguro. nakakatuwa naman dito. hindi mababa ang tingin nila sa mga filipino. dahil ako lang naman ata ang filipino dito. hehehe.

may mga blog hoppers na napapadaan dito sa blog ko and some are reacting na hindi raw nila maintindihan dahil tagalog... or taglish to make it more accurate. e pasensya na lang po kayo, mag-aral kayong magtagalog para maintindihan nyo ang mga pinagsususulat ko dito. u missed half of your life if you cannot understand my posts here... di ba? hehehehe.

dito naman sa hotel na tinutuluyan ko ay may tv with satellite pa. kaya naman lahat ng channel na free to air kahit sa ibang bansa ay napapanood ko dito. kung trip ko makinig ng balita, punta ako sa bbc news channel, music television, meron din... 102.5 hit channel, uk songs ang pinapatugtog. meron din ditong puro english sitcoms ang ipinalalabas at pelikula sa gabi, yung channel one. kagabi lang ay nanood ako ng friends, yung kina jennifer aniston, kaso, mga lumang episode, anyway, hindi ko naman yun subaybay kaya pinagtityagaan ko na rin. after that, may pelikula, kagabi, courage under fire, mamaya daw ay the sopranos. pag sinipag ako, papanoorin ko, pag nakatulog, e di hindi.

mahaba-haba na yata itong post ko. kung nabasa mo pa ito, hindi ka pa bagot sa pinagsasasabi ko. it's either natutuwa ka sa akin or wala ka lang talagang magawa. hehehe. well, this is just my outlet to cleanse my mind. lalim nun! hehehe, sa personal naman kasi, hindi ako ganito kadaldal. suplado nga raw. hindi nga ako palangiti. i will not talk to you if you will not make the first move, unless kailangang kailangan kong magpunta sa cr pero hindi ko alam kung saan. hehehe. maybe, i am just afraid of being rejected, yung mapahiya ba? kasi, hindi ako sanay mapahiya. kahit walang hiya ako dito sa blog ko, sa totoong buhay, im the shy type. totoo.

isipin nyo to. sino ba nakaimbento ng philip screwdriver? si philip ba? bakit nga naman inembento pa yun? di ba, yung simpleng screw with ordinary screwdriver, pede na, umiikot din naman yun at napapahigpit at nakakapagpaluwag, di ba? e bakit pa naimbento yung philip screw? para kapag bumili ka ng tools... dalawang screw driver ang bibilhin mo, yung ordinary at philip screwdriver. magkano kaya ang kinita ni philip for this screw driver??? i was thinking, maggawa din kaya ako ng marhgil's screwdriver. syempre, dapat, may katuwang na screw yun. marhgil screw... yung letter M ang dulo, hehehe. kumita kaya yun??? wala lang, nababaliw na naman ako. may point ba ako sa pinagsasasabi ko? ok, lalagyan ko ng point. eto POINT! ang laki!! hehehe

eto pa. think of KFC! imagine, paano kaya naisip nung si COl. Sanders na ang gawing logo ng KFC ay yung mukha nya? can you imagine a company na ang logo, yung mukha ng may-ari??? kung magtayo kaya ako ng kumpanya, tapos, mukha ko ang logo?? pumatok din kaya??? hehehehe.

mahaba na nga ito, bukas na ulit, next post ko siguro, nasa batangas na ako! just please pray for my safe journey back home. if something happened to me, then this will be my last post, di ba? unless ihack nyo ang blogspot account ko, hehehe. anyway, before i go, i just want to tell that special someone that i still love her and i always do... uy, parang mamamatay na ako ah. malay nyo, di natin masabi, di ba. doon pala sa mga may utang sa akin, pag namatay ako, sana naman, dalawin nyo ako, kahit man lang pambili ng kabaong ko, magbayad kayo, ok? hehehe. tama na, baka nga mamatay ako, kung mamatay nga ako, sasabihin nyo naman, nagpaalam na ako dito. ewan ko, i just feel that i have to post this one.

May God bless the unblessed! (because the blessed needs no more blessing, di ba? hehehe)

2 comments:

Anonymous said...

Have a safe trip home!! :) hoy, don't say goodbye yet ... huwag kang mawala. blog ka parin. :)

ok lang ang tagalog if that's what you're comfortable in. It's your blog naman and you can write whatever you want. Magpatranslate na lang sila. May sites naman dyan na nagtranslate ng website, diba? :D

ps. pasalubong mo. hehe. chocolates na lang galing dubai. ;p

kukote said...

as long as i can blog, i will blog, hindi mawawala ang site na ito =)

thanks for the visit! pasalubong? sure... i'll send it to you by e-mail.. hehehehe.