Tuesday, May 17, 2005

walang kwentang tula

nakita ko ang tulang ito sa isang sulok ng aking kukote... walang kwenta kung iyong babasahin, pero gamitan mo ng simbolikal na interpretasyon, at masasabi mong, wala pa ring kwenta... hehehehe.



walang kwenta

habang naglalaro ang aking kaisipan
sa mga bagay na hindi ko nalalaman
ay aking napag-alaman
na ako pala ay may kayamanan

sampung katao sa kalawakan
ang umakyat sa kaibabawan
ng bundok sa kaliwanagan
ng araw na kainitan

sa aking paglalakbay
mayroong kaakibat na kaaway
na sa pag-asa'y pumapatay
ng pusong walang kamalay-malay

lumipad ang aking diwa
at nakarating sa wala
hindi mawari ang kinahinatnan
ng pag-ibig na pinabayaan

dalawamput limang taon
sapat na ba para mabuhay
o kailangan pang dagdagan
para makaahon sa kahirapan?

lumusob ang mga inaapi
at pinatay ang mga nang-aapi
lahat ng tao ay namatay
at dumating ang kapayapaan

ano ang dahilan
at ako'y iyong iniwan
sumama sa isang kaibigan
na isa palang kaaway?

nagdilim ang paligid
walang makita kundi pusikit
nabulag na ba ang aking paningin
o ako pala ay nakapikit

sa loob ng walang hanggang buhay
paano kung gusto ko nang mamatay
ako ba ay pagbibigyan
sa aking munting kahilingan?

nagsalubong ang aking kilay
at nagkita sa kalagitnaan
nag-usap ng kahiwagaan
sa loob ng kawalan

bow!


2 comments:

Anonymous said...

"hanep ang tula mo sobrang layo ng mga topic sana next tima pag gumawa ka ng tula yong may patutnguhan at may isang topiko lang ang tinutula".....

kukote said...

ito ang tinatawag kong... "abstract poem", hehehe, kung ang painting, may abstract... ang tula meron din.. ok? =)