magseryoso muna ako. ok?
isa sa mga nakuha kong retailer ng prepaid pinoy ay may pwesto sa palengke sa mabini, batangas. sya si mario diaz, nataon lang na nagpunta nga sya sa boarding house namin dahil sa nag-aaply sya ng visa papunta sa italy. nung araw ding yun ay kinausap ko sya about my business at ora mismo, nagregister sya at kumuha ng 1000 pesos prepaid credits. ang negosyo nya sa palengke ay bigasan.
ito ang comment nya kaya kumuha kaagad sya... sa puhunang 1100 pesos daw sa isang sakong bigas, kumikita lang sya ng 80 pesos na tubo. ok naman daw, may pang-araw-araw na gastusin, pero kulang pa rin. bukod sa puhunang pera, yung abala pa sa pagdedeliver nung bigas at pagbubuhat, isa pa ring factor yun. kumbaga, sabi nya, laking puhunan, laking hirap, konting kita, pero tuloy pa rin sya, walang ibang choice eh. minsan nga daw ay uutangan pa sya, na hindi naman sya makatanggi... syempre, pagkain, bigas, nakokonsensya rin naman daw sya na hindi magbigay.
ngayon, comparing it with the business na inoffer ko sa kanya... sa puhunang 1000 pesos, kikita sya between 5% to 20%, depende kasi kung ano yung mabebenta nyang card. on the average, let us say, 12.5%. so, sa 1000 pesos na puhunan nya, kikita sya ng 125 pesos! mas malaki pa sa kita nya sa bigas, wala pang pagod sa pagdeliver at pagbubuhat... puhunan mo lang ay tumambay sa pwesto mo at maghintay ng bibili ng load... hindi naman kabigatan ang pagpindot-pindot sa cellphone...
gaano ba kalaki ang demand sa load? halos lahat ng tao dito sa pilipinas, kahit tambay, may cellphone. totoo o hindi? totoo. lahat yan, araw-araw nagtetext, at lahat yan, nauubusan ng load. kung sa barangay nyo, ikaw lang ang may loading station ng kahit anong cellphone carrier, tiyak, lalapit yan sayo at magpapaload, di ba?
to give you a hint, itong si mario, umuwi ng batangas kahapon ng umaga dala-dala yung poster, manual at yung cellphone nya na niloadan ko ng 1000 pesos. siguro, tumuloy kaagad sa pwesto nya sa palengke. kaninang umaga, nakareceive ako ng text sa kanya... "pare, maghanda ka ng 5000 na load, bukas kita tayo, bili ako ng 5000, paubos na yung 1000 ko!" kakaumpisa pa lang nyan, isang libo sa palengke, mahina pa yan. sabi nga nya, mas malaki pa ang kinita nya kesa sa magbenta ng bigas!
so far, after 1 week ng pagiging dealer, meron na akong 10 registered retailers. and i'm still accepting retailers. kontakin nyo lang ako kung gusto nyo ng additional info!
pagbati: binabati ko si oliver na taga korea na masugid raw na nagbabasa ng blog na ito. nag YM pa sya sa akiN! hello pare! keep readinG!!!
2 comments:
hmmm... malapit mo na kong makumbinse sa bisnes na yan ah..cge, konting isip-isip pa, pag nagkapera ako kokontakin kita ha :)
ayos! =)
Post a Comment