nitong nakaraang araw... problema na yata ng mga blogger yang spam comments na yan. ang dami kong nadaanang blog na may mga comment na nag-aadvertise lang naman ng kanilang website na wala namang karela-relasyon sa pinag-usapan sa post. so far naman, wala pa akong naencounter dito sa blog ko na ganyan... come on!!! spam me!!! hehehehe.
natutuwa naman ako sa blogspot.com, siguro dahil sa survey na ginawa nila ay nagising sila sa katotohanan na problema nga yang mga tinamaan ng lintek na mga spammer na yan. at dahil dyan, nagdagdag sila ng bagong feature, extra step sa pagcomment na hindi kayang gawin ng automated spammer applicatioN. ano yun? eto... basahin nyo na lang ito... i already used it here. ang tawag pala dun sa feature na yun... captcha!
yun lang!
7 comments:
hi, opo totoo ngang nagiging problema na yang mga spammers, kaya nga naglagay nako kaagad nung word virification something na dinagdag ng blogspot, hehehe...
well, buti meron ka na din dito, hehehe..captcha ka pa? hehehe...
ah, sya nga pala, buti naman eh, naidagdag mo nako sa listahan mo. ikaw sinisisi ko kung baket di ako sumisikat sa blogosphere! hehehe...joke lang po...
tyy nga po pla sa mga kakwelahang kwento na pinopost mo... ano kaya dagdagan mo na din ng music blog mo pra namn medyo may naghehele sa amin habang nagbabasa? ;)
un lang po, tyyy...
Hi Dong, ganun? buti nalang walang spammers sa blog ko hehehe..pero sa email ko andami nagbebenta ng viagra lol's
Ganun pala yun! Langya nakita ko yang option na yan pero malay ko ba naman na para diyan pala yan! Hahaha
Thank God for the King Of Blogs! Hahaha! Tenchu po!
dops... salamat din sa iyong pagdalaw lagi dito sa aking bahay... ;) about the music... pwede rin, but i opt not to add, bakit? kasi, medyo babagal yung loading ng blog ko, kawawa naman yung nakadial-up, maiinip sa pagload, baka hindi na bumalik.. hehehe. anyways... marami naman dyang naka Mp3 player hehehe.
insang nao... nauna ka pala sa akin.. hehehe. about the ilaw, naglagay na ako, kaso madilim pa rin.., hehehe. trip ko talaga kasi yung black na background.
ate ethel... hahaha! sabihin mo, may diatabs sa inyo, di mo kelangan ng viagra! hahahaha!
meyms... king of blogs ka jan... hehehe. walang anuman, masyado kasing sikat yang blog mo kaya laging iniispam... kung pede lang sanang iluto yang spam na yan =)
Kung pwede nga lang ba sanang SPAM na pagkain eh! Tataba na siguro ako hahaha! Trip lang nilang i-spam ang blog ko. Hehe!
hmmnn.. inatake na din ako nyan eh.
di ko nga alam kung spam o virus sya pero yung cite eh bignews.com ek ek.
meyms... oo nga, mas maganda kung SPAM na pagkain... tsk tsk
lukin4gf... spammer yun... sumasakay sa kasikatan ng blog mo =)
Post a Comment