Sunday, November 13, 2005

tamaan ka sana

dumalaw ka sa blog ko... nag-iwan ka ng message sa tagboard ko... HI... dinelete ko for a personal reason... do you have the right to react? siguro, message mo kasi yun, pero take note, tagboard ko yun at blog ko to, i am the master of my own blog di ba? kung alisin ko yung tagboard, may magagawa ka? e kung ayaw ko ng message mo, anong paki mo kung alisin ko? e blog ko to? sabi mo, dapat naglagay ako ng warning na bawal ang message galing sa mga tipo ng taong kagaya mo. bakit marunong ka pa sa akin e blog ko to? alipin mo ba ako?? sabi mo, feeling mo, nabastos kita.. problema mo na yun. e kung feeling ko, nabastos din ako sa tag mo na dinelete ko, tabla tabla lang tayo di ba? but to harass me on my own blog, maglagay ka ng comment sa blog ko, kung ano anong nakakainsultong mga salita ang sasabihin mo sa blog ko... o come on... ibang usapan na yan. magkalat ka na sa blog mo, wag lang sa blog ko. wag lang sa bahay ko. magmura ka ng magmura sa blog mo, murahin mo ako, laitin mo ako sa blog mo, anong paki ko? magaling kung may dumadalaw sa blog mo at may makabasa ng mura mo.. hehehe. anyway, kung pagmumurahin kita sa blog ko, may magagawa ka? wala rin, blog ko ito eh.

ano bang pinagsasasabi ko? i have been a witness to such incident, ayaw kong makialam, pero di ko kaya not to say a thing. bastusan na eh... kalalaking tao, walang modo. kita ko ang lahat ng pangyayari, kung feeling mo nabastos ka nya dahil dinelete nya yung message mo sa tagboard nya, ikaw na ang pinakamaarteng blogger na nakilala ko. nang-aaway ba ako? hindi, i'm just telling my opinion on the situation. violent reaction? sige, isulat nyo dyan. bato bato sa langit, ang tamaan, may bukol!!!

yun lang.

16 comments:

Naomi said...

tabi tabi po sa mga santo:

insan, pwede bang magmura dine?

buraot gagong gurang na yon! pagtapos kong daanin sa diplomasya't lahat ganun pang nangyari? as in nag personal email pa ko ke Kristin para lang sana mapag-ayos silang dalawa tas ganun pa pinagkalat nya parang sya pa yung inaway, inapi at nabalahura! at nino na naman???? shempre, ako.. ako na naman! And as expected [ano bang bago?] ako ang niresbakan nya bandang huli. Na kesho ganun ganyan ganto ganon na naman AKOOOOOO!!! Ako na naman with the capital A-K-O.. ako! Top na naman ako sa billing ng palabas ni Mother Lily! Marami na namang audience na tatangkilik sa pelikula ni lolo Jose na yan! hehe, pweh!

yung post ko sa blog ko, ang ganda ng approach ko, diplomasyang sandimakmak! pero ang gusto pala sa dahas daanin. Nagkalat sya, inayos ko si Kristin [hanggang sa email], inayos ko sya pero yung kabalahuraan nyang ginawa sa comments nyang iniwan sa KALUSKOS ay nabasa kong lahat. Hindi ata alam ng lolo na ito na 24hours open ang ating mansion. Ibabalik ko nga yung lampara natin don para sa kanyang kaalaman, na nakita kot nabasa ang mga balahurang comments nya. Tapos ang lakas pa ng ganang murahin kami't tawaging "bullshits", "fuck you", "bitches" sa kanyang blog. Kita mo ngat may caricature pa shang pinost doon na naka "fuck you" sign dedicated to the bitches [raw!]: ako, tin, mildred.

Okay lang naman yun eh, blog nya yon. Pero ang mag-post ng KRUS afterwards, after those bloody words???? juiceko!!! tinamaan ng linshak di na kinilabutan si lolo !!

Ibang klase yang si tatang! At ang mga banat sa post ha, daig pa ang isang bagitong 16yrs old na bago pa lang nakakapanood ng triple XXX sa tv. Feeling bata nga si gurangi!

kita mo naman ngayon.. sya pa ang lumalabas na inaapi "KO" na naman! Oo, "ako" na naman.. gademmit!

mildred said...

'yan ang kuya Marhgil namin..! Ha! sino siga d'yan..? hekek..! HAPPY WEEKEND 'tol! pang maton naman ang 'tol..? ano ba pede itawag sa'yo, teka isip muna 'ko

tin said...

aylabsyu pramis!
gabi na dito kaya sleep muna ako. alis kami bukas kaya pending na muna mga hirit ko. abangan nalang sa mansion.
akala niya tapos na ko, na mananahimik na ko? hintay lang siya.
nytnyt!

kukote said...

sa mga clueless pa rin kung ano talagang nangyayari, sa mga gustong makiusyoso... hehehe... punta kayo sa mansion at basahin ang mga comments sa November 8 post. tapos, saka kayo manghusga kung sino ang bastos.... kahit dinilete na ni lolo yung mga comment nya, mababasa nyo naman kung ano ang tunay na nangyari.

isang linggo akong nagmasid, hinayaang maayos ang gulo, hindi ako nakialam dahil alam kong bisita sya ni insan. nabasa ko kung paano pilit na inayos ni insan ang gusot, pero putek, sya na naman ang pinalabas na masama.

para kay lolo... kung nakakatanggap ka man ng maaanghang na salita ngayon, sorry to say, but you deserve it! ok, ikaw na ang banal at sila na ang makasalanan, kung yun ang gusto mong palabasin. masaya ka na? as for myself, ang inahing manok nga, sinasabong ang mga umaaway sa sisiw nila.. ako pa kaya ang hindi magreact e nagkakalat ka sa bahay namin? tapos, papalabasin mo na ikaw ang inapi? o come on!

sa mga supporter ni lolo... o come on! mag-ingat kayo... ahas yan! and i saw how he works... malinis... dinidelete ang sariling kalat matapos gumawa ng gulo, tapos, magpapanggap na santo! hahahaha!

ang blogosphere talaga, parang totoong buhay... may mga kontrabida rin... hehehe.

farawayme said...

Away na naman? Ano ba yan... comment lang ha...non-sense naman yatang dahil lang sa dinelete ung tag nya eh...magagalit na sya??? What's the big deal??? Sensitive ako ha... pero naman...mas meron pa palang nakahihigit sa akin? hehehehe... hmmnnn... wala akong inaaway... I'm just expressing my own opinion. Hwag magagalit... di nyo isip ang isip ko. You have your own brain... and I have my own... other's have their own too...Peace men!!! hehehe...

mildred said...

ang kawawang lolo..! pati ikaw kuya dinamay na dito kunyari pa raw na coincidence daw ang mga pangalan daw..! gunggong galunggong, dapat galunggong ang nasa aquarium n'ya..! niwala n'yang bigla si Kristin sa picture frame, tayo naman ngayon ang biglang binalikan..? bastardo

tin said...

mildred, 2nd name tignan mo.
sobrang wala na siyang magawa. mga entries niya halos lahat puro attack sa atin. ngayon kung malaman niya na pinaguusapan natin to sasabihin niya paranoid tayo.
coincidence lang ha. sinong tanga ang magiisip na coincidence yon?
di ko siya maintindihan, bat siya nagaaksaya ng panahon para magsulat ng mga ganon? talagang pinagisipan pa niya ha. he's soooo sad.
parang kasi ang lumalabas gusto niya na may mag comment at kumampi sa kanya. para siyang bata, nakakahiya.

mildred said...

binalikan ko..! oo nga ando'n ka rin pala Tin hekekek..! KSP masyado ang lolo mong 'yan..!

tin said...

bwahahahahaha!!!
oi kuya kukots, ano ba yan pati ikaw ginawang pishy pish!

kukote said...

hayaan nyo na ang lolo at nag-uulyanin na... hehehehe. sabi nga nung nabasa ko... never argue with an idiot coz he will beat you with experience.

talagang ganyan kapag sumisikat... may mga kontrabidang lumalabas.. hahaha!

Naomi said...

nakibasa rin ako ha! and take note ang title ha: "UNAVOIDED DESTINY"

diba dapat "UNAVOIDABLE"???
o kaya "All unavoided is the doom of destiny"

Tapos sabi nya sa dulo: coincidences in names and real personas or characteristics are just coincidences, fish names are fiction and not based on real life characters.

Eh samantalang nabasa ko don sa taas nung binalikan ko sabi:

peach sul: she's a wannabe star damsel who seems to think she's all that bright and scholarly : seems to cry easily you'll notice if you read her blog.

have reread the last sentence in bold, bat nilagay nya dyan you'll notice if you read her blog? suma tutal, tungkol sa patama talaga sa tao at blog ang post nyang yon, hindi lang basta sa isda. hmm... bwakananana!

Naomi said...

ngapala insan, nakita mo na ba yung video namin ni mildred? hehe praktis muna, andun sa blog nya ..ajehjeh!

Naomi said...

nag email pala kosayo insan tungkol sa cellfone ko hehe

Naomi said...

ngek! nag flooding nako dito! o sha sha, tulog muna kakauwi lang galing duty! ingat insan.. goodnight sayo dyan.

mildred said...

hekhek..! nabasa ko..! 'di ba considered as parang ni-freind na rin n'ya 'yan..? as i am reading the rhyme parang si teach sol 'yan, kasi ang nakakabit na description is "scholarly"

tignan mo 'yang si lolo jose, sabi n'ya tayo raw ang piranha..? eh friend n'ya 'yang maestra na 'yan 'di ba..? pa-the-tic

maan said...

di ko po yata maintindihan...siguro kasi di ko kilala yung kinaiinisan ninyo. alaly lang po at baka magka-hypertension.