This is Marhgil Macuha's blog before he got his own self-hosted blog. He occassionally posts here, kapag natitripan. :)
Friday, November 18, 2005
paranoid
friday na naman, tapos na ang isang linggo. isang linggo na lang ang natitira ko para dito sa kumpanya. hanggang ngayon, naiisip ko pa rin yung result ng medical exam ko. bigla akong naging conscious.. pinakikiramdaman ang sarili, wala naman yung mga sintomas, normal naman yung pag-ihi ko, walang pain. ewan. nagresearch din ako about hematuria at UTI. naalala ko pa tuloy yung sabi ni francis nung bigla akong pulikatin sa star city... sintomas daw yun ng UTI, nagkaganun din daw yung kilala nya, tapos nung malaman, may UTI nga daw. nagamot naman. pero syempre, hindi naman nakakahingi ng gamot sa botika, gastos pa rin. gusto ko nang mag-monday para malaman ko talaga kung UTI lang talaga ito, or something worse... para naman maihanda ko na ang aking last will and testament if this is something worse... hehehe, ano ba itong pinagsasasabi ko? ewan ko, masyadong paranoid na ata ako. anyway, bahala na. bahala na si lord. sabi nga ni francis, kapag oras mo, oras mo na.
yun lang! sige, manood muna akong harry potter mamaya para makalimot. naisipan kong magpost ng pic, lungkot mode... grabe, doble na pala baba ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
oi shet. sana maging ok ka na. wag maparanoid, stay positive.
i'm back! sobrang busy-busyhan lang. :) pero nde ko mapigilan nde mag-comment nung mabasa ko ito. hematuria (blood in urine), infection ito kapatid. uti, nagkaron din me nito. si kapatid yen din. advice ng mga relatives & friends ko na mga doctor to drink plenty of water, fresh buko juice and cranberry juice. huwag masyado mag-depend sa antibiotics.
take care bro.
Hi Marhgil, ngayon lang ako nakabalik magbloghopping dahil busy sa bahay. Oy, huwag kang maparanoid diyan. Ang UTI nagagamot naman eh. Drink plenty of water and avoid eating salty foods. Sige ka, baka ampalaya na lang talaga pwede mong kainin niyan.
I wish you the best bro. I hope you'll find the job that is best for you. I envy your courage!
Ganyan pala ang itsura mo kapag paranoid, double chin! he he he
Sige, update mo na lang kami kay Harry Potter. Ingatz...
hi marhgil, napansin ko,anonymous pala ang nailagay ko sa aking previous post. My mistake, my mistake...
Hindi ata, I chose "other" pero bumalik pa rin sa anonymous. Bakit kaya? Hindi ko rin mailagay
webpage ko. *sad face*
Iho, baka banned ako sa blogsite mo? Huwag naman sana...
Sige, Ingat!
Joy
ulitin ko rin yun sinabi nila, lots of water, buko juice, wag pigilin ang call of nature, at bawas sa instant mami at pancit canton, yan kasi instant lunch or dinner ng mga pinoy. kaya prone sa UTI. at kung medyo malaki nga ang magagastos mo sa gamot, just call........ate nao. hehehehe...
hope okay naman maging resulta ng med test mo, bro.
there's a big chance that it's kidney stones. That's how my doctor know that I am due for lithotripsy again. Had it three times already. Buti nga hindi pa siya umaatake kasi talagang napakasakit. That is when the stones move. I shit you not, hindi ka halos makatayo. Pero kung maliit lang yan, baka makuha pa sa gamot.
At any rate, kung UTI naman, antibiotics lang yan. hehe yun nga lang, gastos pa rin.
Post a Comment