Thursday, November 10, 2005

snape is the half blood prince

kanina, pumasok ako. syempre, kailangan eh. from now on, hindi na ako aabsent, promise. anyway, promises are made to be broken.. hehehe.

may dumating na applicant na tinawagan ko kahapon for interview. hayun, nakipagkwentuhan muna sa kanya... i mean, ininterview ko sya. first timer, kinakabahan, pinagpapawisan. anyway, normal naman talaga yun sa first timer. kinakabahan. ganun din naman ako dati eh, mas matindi pa siguro ang pawis ko, hehehe. pero ok lang, graduate na ako dyan, pero siguro after 1 year, babalik ako dyan, magpapainterview.. siguro, bahala na, pinag-iisipan ko pa rin kung ano ba talaga ang plano ko sa buhay, manatili na lang ba dito sa manila or ituloy ang plano kong magsalaparan sa ibang bansa.

i joined pinoyz2nz, pero di ako active sa palitan ng kuro-kuro nila, silent lurker lang, gathering some info para kung sakaling maisipan kong magpunta doon ay hindi na ako inosente sa proseso. syempre, the option of going to canada is also there.. canada, new zealand, usa... kahit saan... or kahit dito na lang sa pilipinas, kung magkakaroon ba ako ng magandang negosyo, or trabahong magbibigay sa akin ng sapat na sweldo, dito na lang ako. there's no place like home pa rin.

ang bilis talaga ng panahon... grabe. kanina lang ay umaga, gabi na naman ngayon. at bukas, papasok na naman. anyway, byernes na naman bukas, siguro, uwi na ako ng batangas bukas ng gabi. may mga dapat kasi akong asikasuhin at ayusin sa sabado regarding something i can't reveal right now. sikretong malupit muna.

yan na lang muna. inaantok ako. tutulog muna kahit saan dine.

regarding sa title ng post na ito.. wala lang, trip ko lang isulat yan, sa hindi pa nakakabasa ng harry potter 6, sorry, pero yan ang totoo... kalimutan nyo na lang mamaya kapag natulog kayo.. ahhaha.

3 comments:

Wendy said...

Aasikasuhin at aayusin sa sabado regarding something you can't reveal right now. Sikretong malupit ba muna?... THE MOVES!

Anonymous said...

hi Marhgil, nagulat naman ako sa title ng blog mo. What a big spoiler!! Ha ha ha loko ka talaga maiinis sa iyo ang hindi pa nakabasa ng book 6. I'm an HP fan too. Excited na ako to watch The Goblet of Fire on the 30th. Kelan ba ang showing diyan sa inyo? Siyanga pala, Monsieur Rogue and tawag kay Snape in the French version. Ang layo ano?

Hey, hindi na ako lurker ngayon. I just set up my own blogsite today. You are one of those who inspire me to write and create my own blog.

Hindi ko alam kung paano pagandahin ang aking site. Paturo ako sa iyo ha. Computer wizard ka kasi eh *wink*.

Wishing you the best in all your future plans.

Sige, take care.

Veritaserum!

Joy

kukote said...

Wendy... the moves ka dyan! hehehe

joy... hehehe. siguro naman, halos lahat, alam na yan, tagal nang lumabas nung book 6 eh. bumili ako nung hard bound, pagkatapos kong mabasa, ibinenta ko dito sa blog ko. Sa Nov 16 daw ang showing dito nung Goblet of Fire... wala akong balak makipagsiksikan.. hehehe. siguro after 3 weeks ko pa panonoorin, alam ko na naman ang kwento eh. congrats sa bago mong blog! bumisita na ako dun ;) basta may maitutulong ako, tutulungan kita ;) sige po... keep on postinG!