nung friday, natuloy kami sa star city! dahil nga first time kong makarating doon, magkwento muna ako. mahaba-habang kwentuhan...
alas dyes nang makarating kami doon. nagpaikot-ikot pa sa roxas blvd looking for that elusive u-turn. basta, ang alam lang namin, sa may roxas blvd yun, kaya nung matanawan na namin... sabi ni benjo "hayun ang star city." sabi ko.. hayun nga.. pero paano tayo makakarating dun? hehehe, so hanap nga ng u-turn. nakarating naman kaming mapayapa sa lugar.
unang rides na sinakyan namin, yung anchors away ba yun? mukhang di nakakatakot kapag pinapanood mo sila... tipong isipin mo, what's the thrill riding it? pero nung andun na ako... putek! grabeng feeling... yung iba, itinataas pa yung kamay nila kapag bumubulusok pababa yung rides.. ako, kapit na kapit! feeling ko, mahuhulog ako kapag bumitaw ako eh! dinaan ko na lang sa sigaw... di naman nakakahilo, nakakapasigaw lang talaga, yung feeling na nahuhulog ka na ewan, ganun pala yun.
pagkatapos nun, pasok muna kami dun sa haunted house daw. walang thrill. ewan ko, since alam kong puro peke naman yung pananakot dun, para lang akong naglalakad sa loob, ni hindi nga ako nagugulat kapag may sumusulpot na nanggugulat... wala talaga.
tapos, doon naman kami sumakay sa blizzard. yan, dyan ako nahilo. roller coaster na maigsi. e sa unahan pa naman ako pumwesto. nung matapos kami, medyo hilo talaga ako. feeling ko, puro hangin yung laman ng tyan ko. so, nung matapos nun, nagyaya sila, sa bump car naman. isip ko, ok yan, di naman siguro nakakahilo yun.
medyo mahaba yung pila sa bump car. pero ok lang, sulit din, kahit medyo bitin. when it's our turn, e anong ginawa, e di naghabulan. you will not call it a bump car kung hindi ka mangbubunggo. hehehe. hayun, kaya kami-kami naghahabulan, nagbubungguan. bitin talaga, wala pa yatang 5 minutes, tapos na kaagad.
tapos, pila kami doon sa tingin ko ay pinakahyper na ride. yung flying carpet. kung siguro, wala akong kasama, i will not dare riding it, pero since marami naman kaming magkakasama, go ako. isip ko na lang, kapag nagsuka ako... sa kanila ko ibubuga.. hahahaha! after 20 minutes of waiting yata, nakasakay na kami. anong nangyari? hindi naman kami nahilo... medyo sumakit lang tyan ko. pag-upo kasi, yung pinakasafety measure nila, yung horizontal bar na inilolock kapag naupo kayo,ipit yung tyan ko. laki kasi ng tyan ko... naisip ko nga, kung ipit na ipit ako, lalo na siguro si benjo. hehehe. nakakapasigaw din as usual, lalo na kapag bumubulusok na sya pababa, pero habang tumatagal, nakakaadjust din yung mga katawan namin na naging parang normal na lang. yung mga nasa unahan nga namin, nagpipicturan pa habang nagtataas baba yung rides.. kami namang mga nasa likod, todo pose din.. hahaha! kapag nakita nila yun, magugulat na lang sila at may mga gagong nakapose sa likod nila... hahaha!
matapos nun, pumasok naman kami doon sa ice age. para nga kaming engot. pagpasok namin, exit pala yung napasukan namin.. hehehe. e di balikan kami. medyo matagal din kaming naghintay. yun pala yung ice age, santambak na ice sculpture, may pahiram silang jacket bago pumasok. sobrang lamig sa loob, syempre, yelo eh. sabi ko nga, dapat pala, nagdala tayo ng ice pick. hahaha!
nung makalabas kami, gusto pa naming sumakay dun sa wild river, kaso closed na daw. bitin kami. bumili ng token, nagtry dun sa basketball na may free na laruan, nagtry ng kung ano ano pa bago tuluyang nagpasyang umuwi.
eto, bad trip. nung pauwi na kami pabalik sa parking area. syempre, lakad kami, ewan ko ba, pinulikat ako! at putek! di lang isa!!! pareho, kaliwa't kanan!!! salamat na lang at may mga kasama ako, kung hindi, siguro, nangisay na ako dun sa sakit. salamat kay benjo, francis at marco for giving me the first aid. tapos nun... nung feeling ko ay ok na ako, syempre, lakad ulit. ewan ko ba, pagdating namin sa kotse, namintig na ulit, pareho ulit. hayun, doon sa backseat ng kotse ako naupo habang inistretch ni benjo yung paa ko. kung may nakakita siguro sa amin nun, iisipin nila, parang may gang rape na nagaganap. hehehe. siguro, nung maayos ang lahat, mga 15 minutes pa akong nagpahinga bago nagdrive... pero di pa kami umuwi.
nagpunta kami sa blue wave doon sa may macapagal para kumain. pagkatapos kumain, nagpunta kami sa roxas... tumambay ng konti, nanood ng banda. tapos, nauwi na around 4:00AM. yun ata ang pinakamalinis na gimik namin, clean fun... alcohol-less gimik.
yan! tapos na. magpost siguro ako ng picture bukas!
6 comments:
mabuti na lang nung pauwi ka na pinulikat at hindi nung nakasakay ka sa mga rides. baka akala pa ng mga tao na inaatake ka na. may picture ka ba nung nangingisay ka? hahaha
nakapunta na rin ako jan twice and i just can imagine how do u feel. Hahaha! sana sumakay ka sa octopus... next time ha, wag kang uuwi hanggang di mo nasasakyan ung octopus? tingnan ko ang tibay mo! hahaha!
parang hindi ka nag-enjoy. Hindi halata eh. hahaha
Sarap pag gigimik kayo ng mga kaibigan mo no?
Kung nahirapan ka sa bakal dahil malaki tyan mo e paano na kaya ako. Ang laki din ng tyan ko e. Sa laki nga, di ko na makita paa ko. hehe
nakarating ako yr 2003 december saka january 2004 (bago magsara)ang starcity ang ganda ganda dyan kaya panigurado nag enjoy ka.
blog hop
sige,...at matingnan ang mga kodakan! hehe
sana mahr na kodakan ka ng mga kasama mo while ur pulikat attacks...joke lang...excited to see ur pix...tc
Post a Comment