natawa naman ako, wala pang 1 week, may sideline na kaagad ako. magkano kaya sisingilin ko? may nagpapaoutsource sa akin. isang application na ang tangi lang may alam nung programming language ay former and current employees ng dati kong company. at sa buong mundo, siguro, wala pang 200 yung marunong nung language. dito sa pilipinas, wala pa sigurong 20 yung marunong. hehehe. so, they have no other choice, kung tanggihan ko yung alok, mangangapa sila sa dilim para makakuha ng ibang programmer na gagawa nun. ows? oo, totoo. di naman itinuturo sa school yun eh, specialized language kasi.
so ngayon, sa tingin nyo, magkano sisingilin ko? i think, the whole project costs more than a million peso. at yung gagawin ko will be the heart of that project, kung wala yun, kahit may hardware sila, walang silbi. hhmmm. ayoko namang magmukhang gahaman sa pera, pero i think, i must ask for a higher payment. kasi, endangered species kaming marunong nung language, hehehe. mahirap hanapin. ewan ko, first time ko tatanggap ng outsourced project eh. bahala na. let me consult my lawyers... hehehe
4 comments:
anong language un? hehe balato naman jan dude!
dko na tatanong kng anung language yan pro sna pg nakasingil ka na ambunan m kmi ng biyaya hehe..
kahit anong language pa yan basta mag-share ka pag nasingil mo na! wahahaha!
He he he! That's definitely good news. Iba na talaga ang endangered species, ano? Sa totoo lang Marhgil, may bargaining power ka dito. For the work that you're going to do, ikaw na rin makakasabi kung how much your efforts are worth. On the same token, assess mo ring mabuti kung ano ang threshold nila.
Isa pang bagay... may iba kayang project in the future na maaaring ipagawa sa yo?... kung may chance na meron, aba... good din to build a relationship. Huwag sobrang baba ang presyo kasi baka naman hindi bigyan ng importansya ang gawa mo; wag rin sobrang taas ang presyo kasi it might prevent them from giving you future work.
Goodluck!!!
Post a Comment