Friday, November 18, 2005

shit! i am sick

dumating na yung result ng annual medical exam namin. at least, bago ako umalis, nakita ko ang lagay ko. i was kinda shocked with the result of the urine exam, na kailangan kong bumalik para magpatest ulit. actually, hindi na bagong bagay... natural lang na makakita sila ng traces of glucose dahil nga diabetic ako. so, ok lang sa akin yun. medyo nabigla lang ako na meron din daw traces of red blood cells... that's why kailangan kong magpaexam ulit to determine the cause. sana naman, hindi malala yung dahilan at makuha sa gamot. kalalaking tao, nireregla.. hehehe.

well, actually, may history na ako when i was just a kid na umihi ako ng dugo... dinala ako sa hospital ni inay, binigyan lang ng gamot at pinagbawalang kumain ng salty foods tapos after ilang weeks, ok na. siguro, bumalik lang yung sakit na iyon whatever it is. anyway, babalik ako sa lunes doon para magpacheck-up ulit, tutal, libre naman, para maagapan kung anuman ang dahilan ng pagkakaroon ko ng regla. hehehe. medyo isang palaisipan lang ngayon kung sakaling ganun din ang magiging recommendation ng doctor, na bawal akong kumain ng salty foods... ano pa kaya ang pwede kong kainin??? bawal na nga ang matamis, ipagbabawal pa ang maalat. tsk tsk tsk. ampalaya na lang siguro. hehehe.

normal pa naman pala ang baga ko, kailangan ko lang daw magpapayat. ok, mamamayat sigurado ako nyan, dami nang bawal eh. napansin ko lang, doon sa urine exam.. may nakalagay pang odor... "aromatic". ano yun, yung mga urine sample, may taga-amoy sila? or meron nang machine sa hospital na nagdedetermine ng odor. siguro merong machine, kasi kung tao yung umaamoy nun... well, thank God, hindi yun ang trabaho ko. hehehe.

5 comments:

Anonymous said...

Hala! may UTI ka? Parehas pala kayo ng insan mong si Nao. Pero, don't worry, magiging ok din yan. Diabetic ka din pala eh, so it's no wonder na magkakaroon ka ng UTI kasi yong mga diabetic daw have higher risk of a UTI because of changes in the immune system. Yon ang sabi nila... Ingatan mo na lang sarili mo, and ampalaya na nga lang kainin mo...hehehehe... :-) God bless po!

Mayet said...

magpapayat ka na kasi manong hehehe! eat healthy din :) sige ka, baka nga magka-regla ka! hahaha! sana maging okay result ng med exam mo.

debbie said...

hay...mahirap nga yang hindi maganda ang results ng exam...sigurado namang maagapan ng gamot yan, maaga naman na ditect...pagaling ka marhgil!

Anonymous said...

Hahaha!!! Saan ko nga pala nabasa yong UTI? Langya, di pala sayo yon. Sorry po... Sorry talaga...hehehehe... Natawa tuloy ako sa sarili ko..hehehe...

Anonymous said...

Pahabol: Di pala ikaw yon 'te Nao... Kay Yen ko pala nabasa yong tungkol sa UTI... Kala ko sayo yon... Sorry po sa pagkakamali... :-)